Chapter 2

1358 Words
[Xhanaia's POV] 's**t, ang sakit ng ulo ko,' pagrereklamo ko sa sarili ko. Bakit ba kasi ako nagpakalasing, saka-- Binuksan ko ang mga mata ko at tumambad sakin ang isang lalaking may mala-anghel na mukha. Nung una'y pangiti ngiti pa ako pero ng marealize ko na totoo pala ito at hindi panaginip ay saka pa lamang ako bumalikwas. Nandito kami ngayon sa loob ng kotse, gising siya at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito, sa pagkakatanda ko ay naglalakad ako sa club at hinahanap ang mga kaibigan ko tapos bigla akong-- "Nawalan ka ng malay. Nakahiga ka sa floor ng club, since saktong napadaan ako, dinala kita dito sa kotse ko." Tango nalang ang naisagot ko sa sinabi niya. "Ah, pasensya ka na. Pero okay na ko ngayon. Salamat ha." Akmang lalabas na sana ako ng kotse pero napagtanto kong wala din yung bag ko sa akin. "Bwisit!" Pagrereklamo ko sa sarili ko. "May problema ba?" Tanong niya sa akin. "Ano kase e, wala pala yung bag ko. Pwede mo ba akong ihatid, I mean, malapit lang kase dito yung bahay ng kaibigan ko." Nung una'y hindi ko pa alam kung pano makikiusap sa kanya pero nagbahala nalang ako, wala din naman akong magagawa sa ngayon. "Kung okay lang pero kung hindi--" "Sige, itype mo nalang yung address dyan. Anong oras na din naman baka wala ka na din masakyan." "Salamat," sabi ko sabay ngiti ng bahagya. "Ayan, okay na po." Tumango lang siya, pagkatapos ay pinaandar na niya yung kotse. Medyo hindi talaga ako komplrtable na may ganitong lalake sa akin, yung tipong concern at napapaisip din na late na at wala ka ng masasakyan. Minsan pag ganito si Xero o si Xander sa akin ay binabatukan at kunwari'y pandidirihan ko. Pero pagdating sakanya parang ang sweet ng dating. Pero hindi. Bakit ba ganito ako mag isip? At saka hindi ba may pagkamasungit din 'tong taong to. Mukha lang siyang anghel pero hindi talaga siya ngumingiti. Tapos naaalala ko pa sa bar nung muntik nakong magkamalimg iapproach siya, na inirapan niya nga pala ako at saka dinaanan ng ganun nalang. Dahil sa nagtatalong isip ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa destinasyon namen, ay ako lang pala. Siya ang nagbukas ng pinto para sa akin. "Thank you ulit," sabi ko sakanya paglabas ko ng kotse. Agad naman niyang isinara ang pinto nito bago sumagot, "Welcome. Next time, wag kang magpapakalasing if wala kang kasama. Babae ka pa naman at maganda." Talagang hindi na ako nakasagot don at pinanood ko nalang siyang pumasok ulit sa kotse, hanggang sa makalayo layo siya. "Tingnan mo to, hindi pa dinagdag na sexy din ako." Pangiti-ngiti kong sabi sa sarili ko. Napansin ko din non na pabalik siya sa pinanggalingan namin. Ibig sabihin ay out of way talaga 'to sakanya. "Xhan-Xhan!" Sigaw ni Xander sa akin. Dito kase ako nagpahatid sa apartment nina Xander at Xero, pano ba naman ay napakalayo ng apartment ko sa club, ganundin ang bahay ng mga kaibigan kong babae. "Xander," maarte kong bati sakanya habang nakanguso. Agad namang niyang tinampal yung bibig ko. "Itigil mo, hindi bagay. Hindi ka cute." Pang aasar niya sa akin. "Bwisit ka! Pwede ba akong makitulog? Hanggang magliwanag lang naman tapos uuwi din ako agad. Hindi ba may damit naman ng babae dun sa drawer mo?" "Teka, paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong niya. "Di ba ho, ako ang naglaba nung nakaraang linggo, tatlong pares ata yun na may kasamang T-bak." Pagmamalaki ko. "Ikaw ah" pang aasar ko pa sakanya sabay kurot sa tagiliran. "Ano pa bang magagawa ko kung kusa na silang naghuhubad sa harapan ko." Mayabang na sabi niya. "Baka malaki kase," huminto ako saglit at saka tumingin sa ibabang parte ng katawan niya. Agad naman niyang akmang tatakpan ito. "Ng perang nahuhugot nila sa wallet mo." Pagtutuloy ko. "Alam mo," kinawit niya ang braso niya sa leeg ko pero tinanggal niya din naman kaagad, "Umakyat na tayo bago pa kita itaboy. Masyado ka ng madaming nalalaman." Umakyat na kami, pero di ko na naabutang tulog si Xero kaya derederecho nako sa kwarto ni Xander para matulog. Si Xander naman, tumabi kay Xero kase siyempre kahit naman na alam kong wala silang gagawin sakin ay ayaw pa rin nilang dalawa na makatabi ako. Sabi ni Xander kase malikot daw ako matulog, baka daw paggising nila ay dislocated na ang mga buto nila. Hindi pa nagliliwanag ay nagising na din ako, parang alas sais palang ata. Bumangon ako at naligo, saka ko sinuot yung mga damit ng babae ni Xander. Grabe, iba din itong si Xander, iba't ibang size kase ng damit ang nandirito. Noong naglaba ako ay tatlong pares lang ng pambabaengndamit and nandirito pero ngayon nasa lagpas lima na yata. Karamihan pa dito ay mga pang bulgaran na damit. Kinuha ko lang yung crop top na jacket para iterno sa white na sado at maong na pantalon. May nakita din akong itim na boots na kasya din sa akin kaya isinuot ko ito. Habang papalabas ako ng kwarto niya ay napapaisip ako kung pano nakakauwi yung mga babae niya kung andito ang mga damit nila. "O, gising ka na? Hanep, mula sa tatlong iba't ibang chikas iyang sinuot mo ah!" Pagbibiro ni Xander. Si Xero ay gising na din at nagkakape tapos tulala lang sa isang tabi. Minsan ay pinupukol niya ako ng tingin pero mas madalas pang titig niya sa kape at cellphone. "Galing ko ba pumorma?" Pangiti-ngiti kong tanong. Bigla naman akong binigyan ng isang parang nandidiring reaksyon ni Xander kaya naman inirapan ko siya. "O, siya. Uwi na ako at papasok pa ako sa trabaho." Pagpapaalam ko kasabay ng pagtapik sa balikat nilang dalawa. Maaga akong nakauwi ng bahay at nakapasok ng trabaho dahil walang trapik. Tapos ay sa kalagitnaan ng pagseserve ko tinawag ako ng manager namin dahil daw kanina pa tumatawag ang tita ko sa cellphone at baka daw emergency. Hindi ko kasi iniaalis ang ringtone nito dahil ayun nga baka biglang tumawag ang tita ko at magka problema. Nasa ospital kasi ang nanay ko at doon ay ginagamot ang sakit niyang cancer. "Hello, tita?" Sabi sabay sagot ng tawag. "Xhan, si mama mo." "Bakit, ano pong nangyari kay mama?" Kinakabahang tanong ko kay tita sa kabilang linya. "Nag pass out siya kanina. Sabi ng doktor ay kailangan na siyang operahan. Kung hindi baka daw--" "Sige po tita. Sisikapin ko pong mapunan yung kulang sa ipon ko para maoperahan na po si mama. Uuwi po ako diyan sa susunod na linggo." Hindi ko na pinatuloy si tita ng sasabihin niya, dahil alam kong maiiyak ako. Pagdating kase kay mama ay parang nanlalambot ako. Nadiagnosed si mama ng liver cancer noong patapos na ako ng 3rd year college. Malala ang sakit niya kaya kailangan na niya mag undergo ng transplant at iba't ibang therapy sessions, ngunit sabi ng doktor kahit matapos ang lahat ng iyon, wala pa ring kasiguraduhang gagaling siya. Pero tulad ng lagi nilang sinasabi, gagawin nila lahat ng makakaya nila. Tiwala naman ako. Ito din ang isa sa mga dahilan kung bakit iba ang galit ko kay papa. Kase iniwan niya si mama sa ganitong kondisyon. Dumating nanaman ang hapon. Tapos na sana akong magduty ng bigla nalang akong ipatawag. May customer daw kase na gusto sanang ako ang magserve sakanya. Napaisip ako kung kailan pa nauso sa amin anv ganitong may parequest request pero sa kabila non ay pinuntahan ko pa din ito. "Ikaw?" Gulat na tanong ko ng makita ko ang mukha niya. Siya yung lalake sa bar na naghatid sa akin kagabi. "Pwede kang makausap?" Tanong nito, maamo ang tunog ng boses ngunit seryosong seryoso ang itsura niya. Tumango ako at umupo sa upuan sa may bandang harap niya. "Ano iyon?" Pagtatanong ko. "Gusto ko lang tanongin kung may boyfriend ka ba?" "Teka, bakit mo naman iyan tinatanong? Saka sumadya ka ba dito para lang diyan?" Tanong ko kasabay ng sapilitan at bahagyang pagtawa. Nakita ko siyang tumango habang seryoso paring nakatingin sa akin. "So, meron ba?" Pag-uulit niya. "Wala. Hindi kasi ako--" "I have an offer for you then."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD