[Xhanaia's POV]
Nakatanggap na naman ako ng tawag kay tita nito lang umaga bago ako pumasok sa school. Nawalan nanaman daw ng malay si mama at sa susunod daw na mangyari ulit ito ay baka mauwi na sa coma.
Kailangan ko na talaga ng pera.
"Ano iyan, Xhan. Bakit ang dami mong dalang bag?" Pag uusisa ni Xander habang papalapit sila ni Xero sa akin. Naaabutan kasi nila akong nakaupo sa bench malapit sa gate ng school dahil uwian na din nila. Kasama ko ang tatlong malalaking bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko.
"Wala." Pag iwas na sagot ko.
Sa pagkakataong ito ay nag aantay ako ng sagot sa mga kaibigan kong babae, nagtatanong kase ako kung saan ako pwedeng makitulog pansamantala.
"Teka, umamin ka nga, may hindi ka ba sinasabi samin?" Diretsahang tanong naman sa akin ni Xero
Umupo sila sa tabi ko, dahilan para pagtinginan ako ng mga babaeng kanina lamang ay kinikilig sa kanilang dalawa.
"Huy, ano ba. Layuan niyo nga ako, mamaya mapaaway ako."
"Sus, parang nagpapatalo ka naman sa away." Pagbibiro ni Xander.
"Sira. Wala ako sa mood makipagbakbakan sa ngayon. Hindi pa ba obvious sa itsura ko? At saka," huminto ako saglit at bumuntong hininga. "Wag kayong mag aalala diyan. Okay lang ako."
Sa totoo lang ay hindi talaga ako okay. Ang komplikado kase ng sitwasyon ko at sa kamalas malasan ay mukhang malabo talaga akong matulungan ng mga kaibigan kong babae. Nung nakaraan lamang kase ay inabutan na nila ako ng tulong, nag ambagan sila para sana mapunan ang kulang ko pero hindi pa rin sumapat. Ngayon ay hindi ko na alam kung dapat ko pa din ba silang hingan ng tulong.
Naramdaman ko ang biglang pagtahimik ng dalawa kasabay ng pagpapalitan nila ng tingin matapos non ay nagulat na lamang ako ng bigla nilang binuhat ang gamit ko, dahilan para mapasunod ako sakanila.
Ng marating namin ang isang malaking bahay na tila pamilyar ay ibinababa na ng dalawa ang mga gamit ko.
"Ano 'to? Bahay ampunan?" Paninigurado ko.
Marami kasi akong nakikitang mga bata atsaka, tila may mga madre din na naglalakad papasok sa loob.
"Hindi," seryosong sambit ni Xander at saka ako tinignan habang hawak ang magkabila kong braso. "Zoo ito, Xhan. Dito ka muna magtatrabaho bilang unggoy."
Sinamaan ko siya ng tingin at binatukan dahilan para maudlot ang pagtawa niya. "Aray! Ang sakit ha!"
"Tatawa ka pa e." Pag irap ko.
"Dito ka muna pansamantala." Seryosong sumingit si Xero sa pagbabardagulan namin. "Huwag kang mag alala, mas safe ka dito. Naipagpaalam na din kita kay tita."
"Ha? Agad? Naks Xero, napakareliable ah!" Pang aasar ni Xander sakanya.
"Oo, kanina lang habang nasa daan tayo."
"Thank you ah. Pero, sure ka bang pwede ako dyan? Ang banal masyado. Baka di pa ko nakakatungtong sa pinto, iluwa na agad ako." Sagot ko sakanya. "Pero salamat ha. Okay lang naman kasi talaga akong makitulog nalang sa mga kakilala ko."
"Sayo, okay lang. Kami natanong mo ba kung okay sa amin? Babae ka Xhan, syempre nag aalala kami sayo. Ayaw naming kung saan saan ka...pakalat kalat ganon." Akala ko ay mato-touched na ako kay Xander sa pagkakataong ito kaso ay iba talaga siya kung humirit. Nakakainis.
"May punto si Xander," Sagot ni Xero. "Ayaw naming mapahamak ka. Dito ka na lang, safe dito."
Tumango ako habang nakatingin sa bahay at sa paligid nito. "Tama ka, mukha ngang safe dito. Safe na safe."
Pagpasok namin sa loob ay agad kaming sinalubong ng tita niya at dito ko na napagtanto na nakapunta na nga pala kami rito. Nung mga bata pa lamang kami ay dito kami madalas naglalaro. Sa pagakakaalala ko ay apat kami noon, mas matanda sa amin ng kaunti yung isa at medyo malabo na rin siya sa alaala kahit na yung pangalan niya ay di ko na tanda. Sandaling panahon lang kasi yon, at kailangan ko ng umuwi ng probinsya dahil naghiwalay ang mga magulang ko.
Maganda ang naging pakikitungo ng tita ni Xero sa akin, siguro ay dahil behave din ako dito. Paminsan minsan, pag wala akong pasok o pag hindi ko kailangan mag review ng malala, ay tumutulong ako sa lahat ng gawain nila dito sa bahay ampunan. Madalas ay nakikipaglaro at sinasabayan ko din kumain ang mga bata rito.
"Iha, halika sandali." Pagtawag sakin ni tita Danica, yung tita ni Xero.
Agad ko namang ibinaba ang hawak kong camera, kasalukuyan ko kasing pinipicturean ang mga bata dahil isa nanaman sa kanila ang aampunin at magkakaron ng pamilya.
"Po?" Sagot ko ng makalapit ako.
"Pwede bang makisuyo na macontact si Xero? Parang masyado na kasi siyang nagiging busy, hindi siya sumasagot sa text at tawag ko."
"Ah-sige po! Ano po bang sasabihin?" Pagkukumpirma ko.
"Pakisabi ay pumunta siya mamaya sa event o kahit pagkatapos na. Uuwi kase ang papa niya, mamaya ay nandito din ang kapatid niya. Pakisabi nalang ha, iha."
"Opo, sige po."
"Salamat. O sya, ituloy mo niyo na iyang kasiyahan niyo diyan." Ngumiti siya at saka umalis pagkatapos non.
Nagtataka akong bumalik sa mga bata at sa pagkuha ng litrato.
Napapaisip lang kasi ako kung bakit parang iniiwasan ni Xero ang tita niya nitong mga nakaraang araw. Ewan ko ba, mag tatalong linggo na ay di man lang siya pumupunta rito, si Xander lang.
Pero, kahit na ganun ay nakakausap ko pa rin siya sa gc namin.
Pagkatapos ng ginagawa ko ay agad akong pumasok sa kwarto at sinubukang tawagan si Xero. Nung una ay hindi siya sumasagot pero kalaunan ay sinagot niya rin.
"Kulit ko ba? Sorry ah." Bungad ko agad sakanya.
"Teka, inutusan ka ba ni tita tawagan ako?"
"Oo. Hindi mo daw kasi siya sinasagot." Pag amin ko.
"Sabi ko na nga ba." Sagot niya na may halong pagtawa ng bahagya. "Alam ko kasing di ka tatawag kung--"
"Ano? Pag walang kailangan? Sama mo naman."
"Judgemental mo naman." Pambabara niya.
"Hayy nako, Xero. Ayaw kong makielam ha, kase alam kong ayaw na ayaw mo yung ganung tao. Pero sana kausapin mo si tita, wag mo naman siyang iwasan."
"Hayaan mo na, Xhan. Maiintindihan naman ni tita yon. Sige na, kailangan ko ng ibaba 'to."
Hindi pa ako nakakapag paalam ay pinagbabaan niya na ako ng telepono. Hindi ko alam kung ano bang pinagdadaanan ni Xero bakit siya nagkakaganon. Nung time din na iyon ay sinubukan kong itext ay tanungin si Xander pero ang sagot lang niya ay baka may regla daw si Xero.
Kung pwede lang manakit virtually ay kanina ko pa ginawa kay Xander.