Chapter 4

1170 Words
[Xhanaia's POV] Paglabas ko ng kwarto ay nagmamadali akong pumunta sa may likuran, dahil may isang batang nagsabi sa akin na kanina pa daw umiiyak daw si Nina. Bago ako makarating ay may nabangga akong lalaki na may pamilyar na amoy, ngunit dahil sa pag aalala, ay hindi mabilis nalang akong humingi ng sorry bago tumakbo papunta kay Nina. "O, anong problema, baby?" Tanong ko habang hinahaplos ang likod niya. Hindi siya sumasagot, tinignan niya lang ako at saka patuloy na umiyak sa palad niya. Doon ko napagtanto na siguro ay dahil sa kukunin na siya ng aampon sakanya kaya siya nalulungkot ngayon. Umupo ako sa harap niya at saka ko siya kinusap ulit. "Tingin ka kay ate." Sabi ko sakanya na ginawa naman niya habang humihikbi. "Alam mo ba na naikwento ni sister, na yung mga aampon daw sayo ay galing sa Japan. Mababait daw sila at sigurado naman akong mamahalin ka nila." "Talaga po ate?" Tumango ako, ngunit sa totoo lang ay wala talagang kasiguraduhan ang mga kapalaran ng mga batang inaampon. Pero tiwala naman ako sa sinabi ni sister, at saka alam ko namang mabusisi ang background check na ginagawa nila bago nila ipaampon ang mga bata. "Atsaka, diba gusto mo makaexperience ng snow? Maeexperience mo na yun sa Japan." Nakangiti kong sabi sa kanya. Maski ako ay parang naexcite din sa sinabi ko. "Wow ate. Makakakita na ako ng snow!" Kitang kita ko ang excitement sa mga mata niya habang sinasabi niya yun. "Kaya ngayon, hanggat wala pa sila, pwede kang magspend time with your friends dito. Magpaalam ka sakanila ng hindi umiiyak, kase alam mo, kung ano ang huling makikita nila sayo, ayun yung palagi nilang maalala." Tumango siya habang nakangiti pa din. Pagkatapos ay tumakbo na siya ulit kasama ng mga iba pang mga bata. Ako naman ay naiwang nakaupo pa rin sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan ko sila na naglalaro. "Ang sarap maging bata." Sabi ko sa sarili ko. "Pero di mo naman alam na tinitrick ka na pala ng mga tao sa paligid mo." Napatingin akong bigla sa nagsabi non. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na sabi ko. Siya yung lalaki sa bar na naghatid sakin kila Xander. At yung nag offer ng-- "Teka, sinusundan mo ba ko? Stalker ka ba?" Magkasunod na tanong ko. Kita ko kung gano siya kakalmado, na tila ba wala siyang sinabi na nakakaoffend sa pagkatao ko. Ngumisi siya at saka umupo sa tabi ko, "Unfortunately, no. I'm here for an event." I don't know why, pero di ko man lang nafeel na napahiya ako. Eto ba yung way niya to a woman's heart? Yung maging cool parati at mag act gentleman para maging komportable ka sakanya? "Ah, bisita ka. Dapat nandun ka sa venue. Sa may harap." Pasimpleng pagtataboy ko sakanya. "You know what? Konti nalang, and I would feel as if you're pushing me away." He confusingly reacted. "I am." Mabilis kong sagot sakanya. "Okay, I'll go. But atleast, sabihin mo kung bakit mo ko ganyan tratuhin." Aba, at patay malisya pa siya. "Teka ano ngang pangalan mo?" "Uno," mabilis na sagot niya "Okay, Uno. Pwede ba? Wag kang patay malisya dyan ha? Di mo talaga alam kung bakit ako ganito magreact? Inalok mo lang naman akong maging--" "Friends with benefits." "See? Alam mo." Pag irap ko saka ako tumayo. Akmang aalis na sana ako ng hawakan niya ako braso. "Xhanaia. I didn't meant it that way. So, what I mean is that you'll be friend, pero we do stuffs like dating. You'll be my plus one everywhere I go. If I want to travel then you'll go with me." Napatingin ako sakanya after niya mag explain tapos napaisip ako. 'Bago na pala ang meaning ng FWB?' "Ewan ko sayo." Hindi ko alam pero sa mga oras na yon ay parang hindi ko siya feel na kausapin kaya naman nilayasan ko talaga siya. Kinabukasan ay panibagong nakakadurog puso namang tagpo ang naexperience ko sa orphanage. Dahil isa nanamang bata ang aampunin. Hindi ko alam kung bakit pero napaisip ako na baka hindi ako bagay dito. Ayoko na kasing magsinungaling sa mga bata na magiging okay ang lahat after nila maampon para lang mapatahan sila. Pinakaayoko yung pinagsisinungalingan ako kaya hanggat maaari ay ayoko din gawin yun sakanila. Matapos ang tagpong yon, ay kinausap ko si tita Danica. Nagpaalam ako na aalis na ako, uuwi nalang ng probinsya tutal ay magbabakasyon naman na. Sa totoo lang din ay nahihiya na ako sakanila. Dagdag papakainin pa kase nila ako. At kailangan ko na din punan yung kulang na pera para sa operasyon ni mama. "O, anong mukha yan?" Tanong ni Xander. Habang kacall ko siya. "Wala, may nakita lang akong langgam na gusto kong tirisin kaso nakawala." Pagbubuntong hininga ko. "Akala ko kuto e. Pinapanindigan mo na pagiging unggoy mo dyan." Sabay hagalpak ng tawa. "Parang timang." Walang energy kong pagrereak. "Huwag mong sasabihin kay Xero ha. Aalis muna ako dito. Nahihiya na kase ako sa mga tao dun at saka kailangan ko ng magwork." "E teka. Bat ba todo trabaho ka? Kamusta na nga pala si tita. Di na kami nakakadalaw dyan sa inyo." "Nasa ospital si mama. Kaya kailangan kong magtrabaho. Kailangan na niyang maoperahan." Sagot ko sakanya. "Ano?!" Gulat na sabi niya. "Walangya ka naman Xhan parang di ka naman namin kaibigan niyan. Bakit wala kang sinasabi samin?" Sa totoo lang ay makailang bese ko ng sinubukan magsabi sakanila at humingi ng tulong pero palagi nalang may nangyayari. Hanggang sa hindi ko na nasabi. "Sige na, Xander. Thank you sa paghatid saken sa terminal kanina." Binaba ko na ung tawag saka ako nagsimulang mag ayos ng gamit. Walang tao dito sa bahay kung hindi ako lang kaya, sinimulan kong bilangin ulit yung pera. "P***ng *n* naman 'tong buhay na to," Mangiyak ngiyak kong sabi sa sarili ko. Ang laki pa kase talaga ng kulang ko. Halos fifty thousand pa. Lahat na ng mahihiraman ay nahiraman ko na. Pero wala pa din. Napahiga nalang ako sa kama ko habang iniisip kung ano pa bang pwede kong gawin, ng may biglang nagsend sa akin ng pera sa Gcash. Dahilan para mapabangon ako. "Number ni Xero to ah." Nakareceive din ako ng text galing sakanya, na sa susunod daw ay wag akong magsisikreto. Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin 'tong pera na to. Na sa totoo lang ay sa dami ng hiniraman ko, hindi ko na malaman kung paano ko maibabalik yun sakanila. Tinext ko si Xero at sinend back yung pera niya. Tapos sinabi ko nalang na naayos ko na ung kulang. Nakokonsensya ako, at isa pa ay nanghihinayang. Dahil nagsinungaling nanaman ako. Dahil sana ay kompleto na yung pampaopera ni mama. Nung mga oras na yon ay nakatanggap din ako ng text mula sa unknown number. Message: How about I cover your mother's hospital bill and other expenses? Would that change your mind, and finally accept my offer? Being friends won't hurt that much though. Just let me know. - Uno
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD