[Xhanaia's POV]
Hindi ko na sana iisipin pa ang inaalok sa akin ni Uno, kaya lang isang araw palang ang tinatagal ko dito sa probinsya ay nakatanggap na agad ako ng tawag mula kay tita.
Inatake nanaman kasi si mama ng sakit niya.
Agad akong pumunta sa ospital para sana kamustahin sila pero hindi ko na nagawa pang pumasok at tinitigan na lamang sila mula sa labas. Ramdam ko din na halos patulo na ang luha sa mga mata ko kaya dali dali akong nagpunta ng CR.
Doon ako nagsimulang umiyak.
Alam kong maiksi lang ang panahon na meron ako para maipon ang kailangan kong halaga. Pero parang mas lalo pa itong pinapaiksi ng pagkakataon.
Dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko, at ayoko rin namang dumagdag sa alalahanin ng mga taong mahahalaga sa akin tulad nina Xander at Xero, nagpasya akong tanggapin nalang ang alok ni Uno. Kinuha ko ang phone mula sa bulsa ng vest na suot ko at saka ko siya tinext. Pagkatapos non ay nakatanggag ako ng reply sakanya.
"Good to hear. Saan ka ngayon? Pwede tayong magkita, just to have a short talk."
Hindi ko intensyong makipagkita sakanya, pero siguro dahil naisip ko din na imposible na mapuntahan niya ako agad ngayon ay sinabi ko nasaan ako.
Pero laking gulat ko ng hindi pa man nakakaraan ng kalahating oras ay nagtext siya ulit.
"Dito ako sa cafe sa harap ng ospital."
Kasalukuyan ay nandito ako sa room ni mama para iabot kay tita ang pagkain na binili ko para sa kanila.
"O, bakit, anong nangyari? Mukhang gulat na gulat ka." Tanong ni tita sa akin.
"Ah, wala po tita. Yung, ah, friend ko kase." Pagdadahilan ko. "Tita mauna na po ako ha, may mga aayusin pa po kase akong requirements sa bago kong work."
Matapos kong magpaalam ay agad akong tumungo sa cafe kung saan nakita ko si Uno na nakaupo malapit sa pinto. Glass wall kasi ito, kaya kitang kita agad ang mga nasa loob.
Paglapit ko sakaniya ay sinalubong niya ako ng maamong ngiti. Grabe, ang gwapo talaga.
Napailing ako sa naisip ko at umupo sa tapat niya.
"Grabe. Hindi ko naman ineexpect na pupunta ka talaga. At ang bilis mo ha." Pagsisimula ko.
Nagkibit balikat siya at saka sumagot, "Well, it's a part of the drill. I should show someone my eagerness, for her to feel my sincerity."
Aaminin ko, hindi ko masyadong nagets ang point niya don kaya ngumiti nalang ako.
"Okay, e ano naman yung gusto mong pag usapan?" Pag iiba ko ng topic.
"So, about the offer. As I've already said, you'll be my friend, pero sasakay ka sa mga trip ko." Para siyang employer na nagrerecap ng napag-usapan sa meeting. "First thing first, may listahan ako ng mga gusto kong gawin before I go back to Canada."
"Canada?" Pagkukumpirma ko.
Tumango siya at sinabing, "Yes. I'm actually here just for some personal reasons. Pagkatapos ng tatlong buwan ay babalik na ako ng Canada. That's where my business is."
"I see." Aba hindi ko naman inaasahan na CEO pala ito ng isang kumpanya sa Canada. Kaya pala parang ganun nalang kung ipamigay niya ang pera niya.
Hindi ko na natanong pa kung anong business niya at nausisa pa ang kung anong gusto kong usisain dahil sa totoo lang ay ayokong maging aware sa lahat ng pangyayari sa buhay niya. In short, ayokong maattach sa taong aalis din naman three months from now.
"So yeah, while we're on it. Gusto ko na din sabihin na I'll be paying in advance." Pagpapaalam niya sa akin. "And to start our contract, we have to go somewhere so I need you to pack your clothes and I'll pick you up tomorrow morning."
Sa dami ng sinabi niya ay hindi ko na malaman kung ano kong unang tatanungin. Masyado ata akong nabibigla sa mga pangyayari.
"Teka, Uno, ah-"
"I believe that is the hospital kung saan naka-confine ang mother mo. What's her name? I'll send over someone to pay for her bills. Para masimulan na ang operasyon niya."
Nagtataka talaga ako kung paanong parang ang dami na niyang alam sa buhay ko na hindi pa naman namin napag-usapan. Pero sinabi ko nalang sa sarili ko na, magpasalamat nalang ako dahil nagkaroon ako ng chance para makakuha ng sapat na pera para kay mama ng hindi galing sa utang. Pera na pagtatrabahuhan ko din naman.
Sapat na siguro yun para hindi ko na ito kwestyunin pa.
Matapos naming mag-usap ay umuwi na ako para ayusin ang mga gamit ko. Umuwi rin ang tita ko nung kinagabihan, at ang bestfriend ni mama na si tita Irene daw muna ang mag-babantay kay mama.
"Xhan, kain na tayo." Pag-aaya ni tita. Agad naman akong nagpunta sa hapag, at naabutan ang paborito kong ulam na adobo.
"Ang bango nito tita. Namiss ko po ito."
"Alam ko anak, umuwi ako kasi gusto kitang ipagluto ng paborito mo. Kain ka ng marami."
Pagtapos naming kumain at mag ayos sa kusina ay dumerecho si tita sa sala para magtupi naman ng mga damit na dadalhin niya sa hospital. Sa totoo lang ay halos doon na tumira si tita. Naaawa at naguguilty din ako sakanya dahil sa halip na humanap at bumuo siya ng sarili niyang pamilya ay mas pinili niyang alagaan nalang kami ni mama.
Sa amin din naubos ang naitabi niyang pera noong nagtatrabaho pa siya.
Pumasok ako saglit sa kwarto at inayos muli ang pera na iniipon ko. Inihiwalay ko ang mga ibabalik ko sa mga kaibigan at kakilalang inutangan ko, at kinuha naman ang pera na talagang mula sa pinagpaguran ko. Matapos non ay lumabas akong muli at inabot ito kay tita.
"Para sa inyo po. Gamitin niyo po panggastos niyo ni mama."
Gulat siyang tumingin sa akin. "Teka, saan galing ito? Hindi bat nag-iipon pa tayo ng pambayad sa bills ng mama mo? Bakit hindi mo ito idagdag?"
"Tita, pinagtrabahuhan ko iyan. At para talaga iyan sa inyo. Yung sa bills ni mama, okay na po yun. Nakahanap po ako ng magandang raket, willing to pay in advance naman po yung boss ko kaya okay na okay po."
Tila napakunot noo siya sa sinabi ko, maski ako din ay nabigla sa pagiging sobrang open ko kay tita.
"Ikaw Xhan ha. Oo, kailangan natin ng malaking halaga pero wag na wag kang sasabak sa bagay na ikakapahamak mo ha." Pagpapaalala niya sa akin.
Tumango ako at aka ngumiti, "Opo, tita. Alam ko po iyon. Wag po kayong mag alala desente po itong trabaho ko. Siya nga po pala, bukas po ng madaling araw ay aalis ako ulit. Start ko na po kase sa work."
Hindi ko na pinahaba pa ang usapan namin dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan pa ba iyon makakarating. Baka mamaya ay may masabi pa kong lalo niyang ikabahala.