NAPABALIKWAS si Zasha ng maalala ang nangyari. Hanggang sa natigilan siya at naroon si Del Lusca. Inihahanda nito ang pagkain sa mesa. Hindi napigilang mapalunok ni Zasha. 'Di niya ring napigilang pagmasdan ang bawat galaw nito. Wala na ang galit sa mukha nito ngunit naroon pa rin ang kaseryosohan. Hanggang sa bigla siyang napayuko nang mapansing lilingon ito sa gawi niya. Kumabog ang dibdib ni Zasha ng makitang dahan-dahan itong lumalapit sa kanya. "Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo?" tanong nito na siyang ikinatingala ni Zasha. Nagugulumihanan siya sa ipinapakita nito sa kanya? Bahagyang mahinahon ang paraan ng pananalita nito, hindi kagaya ng dati na laging matigas kung magsalita at galit kung makatingin. "Don't look at me like that." At umiwas ito ng tingin s

