"MGA wala kayong silbi!" umalingawngaw ang boses ni Del Lusca habang kaharap ang mga tauhan na iniwan niya sana para magbantay sa dalaga. Ngunit naisahan ang mga ito nang isang pipitsuging tauhan niya. Nakaluhod sa harapan niya si Ronald. Ang kanang-kamay ni Henri. Wala naman magawa ang kanang-kamay niya dahil baka pareho silang matamaan sa kanya. Si Ronald ang iniwan ni Henri para magbantay sa dalaga. Ngunit inutusan nito ang isang tauhan para magdala ng pagkain sa loob ng kuwarto ni Zasha. At wala pala silang kaalam-alam na ang binigay na juice nang lalaking hay'p na iyon ay may lamang pampatulog dahil sa balak pala nitong galawin ang dalagang si Zasha. At dahil napakabobo nito, nakalimutan 'ata nitong napapalibutan ng cctv camera ang buong kabahayan sa kabundukan na iyon. Lalo na

