"YES, Mr. Park, katulong siya rito," sagot ni Donya Felistia. Palihim siya nitong tinaliman ng tingin at sinenyasang umalis sa harapan nila. Nagmamadali naman siyang tumalikod. Ramdam niyang may mga matang nakatitig sa kanyang likuran. "Mabuti naman at pumunta ka, Mr. Park," rinig niyang bigkas ni Donya Felistia. Sa ilang buwan niya rito, ngayon lang yata niya nakita ang lalakeng iyon? At ngayon lang nagkaroon ng bisita si Donya Felistia? Ano kayang kaugnayan niya sa lalakeng iyon? Naisipan niyang tumungo sa likod bahay. Kahit papaano, gusto niyang makapaghinga. Gusto niyang samantalahin na may kausap ang Donya Felistia. Isang malalim at mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Zasha. Ngunit napatalon siya dahil sa isang tikhim. At ganoon na lang ang paglunok niya nang makita

