NAPABALIKWAS si Zasha ng marinig ang malalakas na katok mula sa pinto hanggang sa bumukas iyon. Sunod-sunod siyang napalunok ng makita si Donya Felistia. Napaatras pa siya dahil sa pagkatakot sa nakikitang galit sa mukha nito. "Gusto mo bang dagdagan ko pa iyang mga pasa mo sa katawan? Sinong nagsabi sa iyong mamahinga ka ha?" singhal nito sa kanya. Kaagad namuo ang luha sa kanyang mga mata. Ilang oras palang siyang namamahinga dahil sa pagkahulog niya sa hagdan, nandito na kaagad ito upang singhalan siya at takutin. Sa nanginginig na katawan, sinikap niyang tumayo. Ngunit napaigik siya ng marahas nitong hawakan ang braso niya. Nangigigil ang mukha nito. "Ang kapal ng mukha mong magbuhay reyna? Isa ka lamang katulong dito!" sigaw nito sa kanyang pagmumukha na siyang ikinayuko na la

