NAPALINGON si Zasha nang bumukas ang pinto. "Nasaan na iyong kaibigan mo?" tanong ni Zasha. Nang bigla na lang sumama ang timpla ng mukha nito. Nagtataka namang napatitig si Zasha sa lalaking si Christopher. Kung bakit lagi na lang itong nagagalit sa t'wing nagtatanong siya - tungkol sa tauhan o kaibigan nito. Wala naman siyang ibang intensyon. "Bakit, gusto mo ba siya? Mas guwapo ba siya sa akin? Mas makisig? Mas mukhang masarap?" Tila siya, binuhusan ng mainit na tubig sa pang-iinit ng kaniyang mukha! Namumula iyon dahil sa mga pinagsasabi ng lalaking ito! Nagtatanong lang - iyon kaagad ang nasa isip nito? At kung ano-ano pang pinagsasabi? Nababaliw na ba ang lalaking ito? Lihim na napailing si Zasha. "A-anong pinagsasabi mo? Tinatanong --" "Dati si Henri ang laging buk

