PASIMPLENG nakagat ni Zasha ang ibabang labi nang ipag-urong siya nito nang upuan. Hindi niya maiwasang mailang at may mga matang nakamasid sa kanila. Iyong mga tauhan nito na nakatayo sa bawat sulok. Kung bakit kahit dito sa Dining area may mga nakabantay? At pawang mga babae pa? Iyon ang balak na itanong ni Zasha kay Christopher - ngunit naisip niyang mamaya na lamang niya iyon itatanong. Wala man siyang karapatan, ngunit hindi maiwasang makaramdam ng selos si Zasha lalo na kapag kinakausap nila si Christopher. Magaganda pa naman ang mga ito. Matatangkad at may magandang pangangatawan. Lahat sila, mahahaba ang mga buhok. Ngunit para silang robot—tuwid na tuwid ang kanilang pagtayo at maging sa paglakad. Para nga silang mga lalaki kung kumilos. Isang tikhim ang nagpabalik ulir

