LIHIM na napakagat-labi si Donya Felistia ng makita kung paanong napahawak sa ulo ang kanyang asawa. "Honey, are you okay?" kunwa'y tanong ni Donya Felistia sa kanyang asawa. Sinadya niyang kaakit-akit ang kanyang pananamit ng mga oras na iyon. Alas onse na ng gabi at talagang abala pa rin ito sa harapan ng laptop nito. Mukha ngang ito ang ginagawa nitong excuse para hindi niya ito mapilit na makipagtalik sa kanya. Ngunit sa gabing ito, natitiyak niyang bibigay ang kanyang asawa! "Ang init ng pakiramdam ko," sagot nito sa kanya na lihim namang ikinangiti ni Donya Felistia. Hanggang sa tingalain ito ng asawa niya. Bago pa man makapagsalita si Donya Felistia, kaagad nang hinila ni Abier ang baywang nito at pinaupo sa kanyang kandungan. "Anong ginawa mo sa akin?" ani ni Abier sa asawa.

