Episode 9

1600 Words
NAPANGITI si Zasha ng makita ang magagandang bulaklak na namumukadkad. Maaga siyang nagising kaya dumiritso siya kaagad sa malawak na hardin. Sobra siyang natutuwa na pagmasdan ang iba't ibang mga bulaklak. Lalong gumiginhawa ang pakiramdam niya sa tuwing nakakakita ng mga bulaklak. Inilibot niya ang buong paningin at hinanap ang hose upang magdilig ng halaman. Ngunit napahinto siya ng makita ang isang matandang lalake. "Magandang umaga, Senorita Zasha.." Bahagya naman siyang ngumiti. Mukhang ito yata ang nag-aalaga ng mga halamanan at may hawak pa itong malaking gunting na mukhang pamputol? "Magandang umaga po.." "Magdidilig ako ng halaman, Senorita Zasha.." magalang na bigkas nito sa kanyang harapan. Napakibot naman siya ng mga labi. "Maaari po bang ako na ang magdidilig?" pakiusap ko sa matanda na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan. Nasa mukha nito ang pag-aalinlangan. Bigla nga ring napakamot sa ulo nito na mukhang namroblema. "Huwag ho kayong mag-alala, hindi naman magagalit si itay." At saka lamang ito pumayag. Isang ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi. At sinimulang diligan ang mga halaman. Sa ilang araw niyang pananatili sa bahay ng kanyang itay, wala naman siyang naging problema. Bihira niya lang makita ang mga kapatid niya. Halos nagkikita lang yata sila kapag nasa harap ng hapag-kainan. Ganoon din ang Kuya Judas niya na ikinatutuwa niya dahil hindi niya rin gustong nakikita ang mukha nito. Ang ipinagtataka niya, kahit si Donya Felistia, madalas din itong umaalis? Ang pagkakaalam niya wala naman itong trabaho? Ngunit hindi na lang niya iyon pinagkakaabalahang isipin dahil mas gusto pa nga niya iyon. Hindi niya maitatanggi na talagang nakakaramdam siya ng pagka-ilang sa ina-inahan. Ang totoo, napipilitan siyang tawagin itong Mommy Felistia kapag kaharap ang kanyang itay. Para sa kanya, 'di mapapalitan ang kanyang ina nang kahit na sinong babae sa mundo. Lalo na't aminin man niya sa hindi, mabigat ang pakiramdam niya sa Donya. Siguro dahil hindi niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanyang ina noon? Ang pagbantaan. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin siya makapaniwala na talagang matatanggap siya nito, gayoong anak siya ng isang kasambahay na nanirahan sa kanila rito? Iniisip niyang maaaring wala lang itong magawa dahil iyon ang desisyon ng kanyang itay. Laking pasalamat naman niya at wala naman silang ginagawang masama sa kanya. Lagi rin kasing wala ang mga ito. Ang kanyang itay naman, mas lalong laging wala dahil abala ito sa kompanya. Ang lagi niya lang nakakausap ang kanyang Nanay Belen at ang ibang kasambahay. Hindi nga raw sila makapaniwala na makikipag-usap siya sa mga ito dahil hindi raw iyon ginagawa ng mga anak ni Donya Felistia. Masyado raw silang mga mapagmataas at maaarte raw? Ang sungit-sungit pa raw at laging masama ang awra sa tuwing inuutusan sila. Ang totoo, nagulat talaga si Zasha sa mga nalaman. Dahil hindi iyon ang nakikita niya sa mga kapatid. Minsan man niya itong makita, ngunit lagi silang nakangiti at ang lambing-lambing pa kapag kinakausap siya? Si Judas lang talaga ang natatangi at mukha itong adik at manyakis kung makatingin! Ilang minuto ang nilagi niya ng lumapit sa kanya ang isang kasambahay. Pinapatawag daw siya ng kanyang itay. Madali naman siyang bumalik ng kabahayan. Nagtaka siya ng makita ang napakaraming Paper bags na nasa malawak na sala. Hanggang sa mapalingon sa kanya ang kanyang itay. Agad naman itong napangiti. "Good morning, Princess.." Yumakap siya sa kanyang itay. "Magandang umaga, itay." Hindi niya maiwasang pagmasdan ang maraming Paper bags na nasa sala. "Pakidala sa kuwarto ng anak ko," utos nito sa dalawang kasambahay. Hanggang sa tumingin ito sa kanya. "Sa'yo ang lahat nang iyan, anak." Biglang nanlaki ang mga mata ni Zasha. 'Di makapaniwalang nasundan niya ang dalawang kasambahay. "Pero, itay --" "Kakailanganin mo ang lahat nang iyan, anak. Lalo na't malapit na ang pasukan," ani nito sa kanya. "Mamaya, buksan mo iyon isa-isa? Kapag 'di mo tinanggap, talagang magtatampo ako." Sabay simangot nito na para bang nagtatampo nga. Naging emosyonal naman ang mukha ni Zasha. Kahit ayaw niya, talagang mapilit ang kanyang itay. Hindi talaga ito papayag na magmukha siyang mahirap? Hanggang ngayon nga, hindi pa rin talaga siya makapaniwalang mayaman ang kanyang itay. Palibhasa, lumaki siyang simple ang pamumuhay at masaya na siya sa bagay na iyon. "Ano pa nga bang magagawa ko, itay. Nabili niyo e." Humaba ang nguso niya na siyang ikinangiti ng kanyang itay at bahagya pang ginulo ang kanyang buhok sabay yakap sa kanya. Uminit na naman tuloy ang sulok ng kanyang mga mata. Talagang bumabawi nga ito. Na kahit wala na si inay, pinaparamdam nito na lagi lang itong nandoon para sa kanya. Na kahit hindi siya lumaki sa piling nito, ramdam niya ang pagmamahal nito para sa kanya. Siguro dahil siya ang kaisa-isahang anak nito. "Mas magiging masaya ako, anak kapag nakita kong unti-unti naibibigay ko na sa'yo ang mga bagay na hindi ko naibigay noong bata ka pa at noong nasa piling ka ng iyong ina." Isang tikhim mula sa likuran ang nagpalingon sa amin. Kaagad naman siyang napakalas mula sa pagkakayakap sa ama ng makita si Donya Felistia. Ngunit kaagad itong ngumiti sa kanila ni itay. "Good morning honey." Sabay halik sa labi ng kanyang itay. Napayuko naman siya. Nang maramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. "Good morning, Zasha. Ang aga mo talagang gumising." Naramdaman niya ang pagpisil nito sa magkabilaang balikat niya. "Opo. Nakasanayan ko na po kasi.." sagot ko. Tumango-tango naman ito. "Nagmana ka nga sa'yong ina." Bigla na namang kumalabog ang dibdib ni Zasha at pinaalala na naman nito ang kanyang ina. Nang bumaling ito sa kanyang itay. "Ano iyong mga bitbit ng mga kasambahay, honey?" "Mga binili ko para kay Zasha. Alam mo na, noong minsang isinama ko siya sa Mall, 'di man lang dumampot ng kahit na ano. Kaya ako na ang kusang bumili para sa anak ko." Pinagmasdan ni Zasha ang mukha ni Donya Felistia. "Talagang napakamahiyain ang anak mong ito." Sabay baleng sa kanya. 'Di maiwasang magtaka ni Zasha ng para bang biglang naging hilaw ang ngiti nito ng humarap sa kanya? O baka nagkakamali lang siya? "Hayaan mo't kapag tumatagal-tagal na rito si Zasha, siguradong kung ano-ano nang gustong ipabili nito sa'yo. Ngayon lang 'yan.." at saka ito tumawa na parang nakakaluko? Tingin ba nito, pakitang tao lang ang ginagawa niya sa kanyang ama? Di naman siya katulad ng mga anak nito na talagang maluluho. Yumuko na lamang siya. Isang tikhim naman ang pinakawalan ng kanyang itay. Ni hindi nga rin ito natuwa sa sinabi ng Donya Felistia. "Dapat lang dahil anak ko siya. Alam mong marami akong pagkukulang sa anak kong ito. Kahit anong ipabili niya sa akin, hindi pa rin matutumbasan ang lahat na nagastos ko na kila Jane at Jessa. Lalo na kay Judas na walang ginawa kun'di lustasin ang pera imbis na ilagay sa bangko para naman tumubo. Kahit anong ipabili ng anak kong ito, kahit gusto pa niya ng isang mansion, ibibigay ko dahil anak ko siya," dumiin ang huling sinabi nito. Sunod-sunod na napalunok si Zasha sa mga narinig at nalaman. Pansin niya rin ang pagkawala ng ngiti ni Donya Felistia. Ngunit kaagad din itong nakabawi. Bahagay nitong hinampas ang kanyang itay na parang naglalambing ito. "Ano ka ba naman, honey? Minasama mo pa yata ang sinabi ko tungkol kay Zasha." Sumimangot ito. Ngunit 'di pa rin nagbago ang reaksyon ng kanyang itay. Hanggang sa tumalikod na ito. "Kumain na tayo.." Napakagat-labi si Zasha ng hindi kaagad sumunod ang Donya Felistia. Hindi tuloy niya alam kung susunod na ba siya sa kanyang itay. Hindi rin siya makatingin sa Donya. "Sundan mo na ang itay mo, tatawagin ko lang ang mga kapatid mo," ani nito sa kanya. Marahan siyang tumango. Akmang tatalikod siya ng pigilan siya nito. Hinaplos nito ang mahabang buhok niya. "Minasama yata ng itay mo ang sinabi ko, hija. Alam mong anak na rin ang turing ko sa'yo kaya sana, hayaan mong ipagtanggol ako sa itay mo. Minsan kasi, nagagalit na lang iyon basta." At nagpakawala ito ng buntonghininga. Napalunok naman si Zasha. "Sige po." At saka niya sinundan ang kanyang itay. Ramdam niyang may mga matang nakamasid sa kanyang mga paghakbang. SAMANTALANG kumuyom naman ang kamao ni Felistia dahil sa inasal ng kanyang asawa. Talagang paunti-unti nakukuha ng Zasha na iyon ang buong atensyon nito. Lalo niyang napansin na lalo itong nawalan ng oras sa kanya. At mukhang ibinubuhos ang oras nito kay Zasha sa tuwing narito sila sa pamamahay! Nanggigigil na napagdikit niya ang kanyang mga labi. Hindi siya papayag na mawalan ito ng oras sa kanilang mag-iina o mawalan ito ng gana! Gagawa siya ng paraan! Kailangan niyang ipakita rito na mahal na mahal niya ito at mahal niya rin ang anak nito sa pesteng katulong na iyon! Kahit mabigat sa pakiramdam, kailangan niyang magpanggap sa harapan ng mga ito. Mukhang 'di natutuwa ang kanyang asawa sa kanyang mga biro. Kung bakit nakalimutan niyang ang babaeng iyon nga pala ang tunay nitong anak! Marahil, talagang kakampihan nito ang anak nito! Talagang nabanggit pa nito ang lahat na nagastos nito sa mga anak niya? Sa harapan pa ng anak nito? Ano na lang iisipin ng Zasha na iyon? Lihim na napamura ang Donya. Matagal na rin na hindi mo ako ginagalaw honey. Siguro kailangan kong gumawa ng paraan para maangkin kang muli at nang maibalik mo sa akin ang buong atensyon mo! Kulang ka lang sa dilig! Tingnan ko lang kung 'di tumayo ang alaga mo sa gagawin ko! Nakakaluko ang ngising kumawala sa labi ni Donya Felistia. Sariling asawa nito talagang pinagnanasahan nito, iyon ay dahil matagal na siya nitong hindi nagagalaw kahit magkasama sila sa iisang kuwarto at iisang kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD