TAHIMIK lang na nakaupo si Zasha habang katabi niya si Christopher na may kausap sa kabilang linya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito at ibang lengguwahe ang ginagamit nito. Hindi niya maiwasang humanga dahil doon. Nang bigla niyang masundan ang kamay nitong humawak sa kanyang legs. Marahan nito iyong hinahaplos-haplos. Napalunok si Zasha. Nang maramdaman niyang titingin ito sa kanya, bigla siyang napayuko. Sa kabila ng namamagitan sa kanilang dalawa, naroon pa rin ang hiya na nararamdaman ni Zasha. Isang tikhim ang pinakawalan nito. Hanggang sa ibinaba nito ang sariling cellphone at tuluyang humarap sa kanya. 'Di niya maiwasang mapalunok at nakakaramdam siya ng pagkailang ng mga oras na iyon. "Nahihiya ka pa rin sa akin?" Napilitan siyang tumingin sa mga mata nito. A

