BIGLANG nanlaki ang mga mata ni Zasha ng makitang nasa tabi na niya si Christopher! Napakurap-kurap pa siya, iniisip kung nananaginip lang siya noong mga oras na iyon. Hanggang sa napalunok siya ng mapansing nakayakap ito sa kanyang katawan. Biglang naglaho ang antok ni Zasha at natitigan ang binata. Dalawang Linggo niya rin itong di nasilayan. At hindi maitatanggi ni Zasha kung gaano niya ito hinahanap-hanap! Walang araw 'ata na hindi niya ito naisip? At walang araw na hindi niya rin naitanong sa sarili kung kailan ito babalik? At ngayon nga, nasa harapan na niya ito at nasa tabi na niya mismo. Mahimbing na natutulog. Mukhang pagod na pagod ang guwapong mukha nito? Gustuhin man niyang magtanong kay Henri tungkol sa pagkatao nito, ngunit nanatiling tikom ang bibig ng kanang kamay n

