C.A.S.I.N.O "Boss, nandiyan na si Mr. Del Lusca. Hindi niya kasama ang kanang-kamay niya," wika ng isang tauhan ni Mr. Hawk. Ngising tagumpay ang kumawala sa mga labi ni Mr. Hawk ng malamang hindi kasama ni Del Lusca ang kanang-kamay nito. Sa tagal niyang pagkakakilala sa binatang Mafia, ngayon lang nangyari na hindi nito isinama ang kanang-kamay nito. "Tuloy ba ang plano, boss?" "Yes. Siguraduhin niyong mapupuruhan siya dahil tayo ang mamamatay oras na pumalpak si Kael!" wika ni Mr. Hawk sa kanang-kamay nito. Bahagya namang yumukod ang tauhan nito. "Akong bahala, boss." Inayos naman ng matandang si Mr. Hawk ang suot niya bago naghandang salubungin ang binatang si Del Lusca. "Mr. Del Lusca!" ang masayang pagbati nito sa binata. Nakipag-kamay ang matanda sa binatang Mafia.

