Episode 47

1543 Words

ILANG beses na nagpakawala ng buntong hininga si Christopher habang pinagmamasdan ang dalaga na tahimik na nakatanaw sa bintana sa loob ng kuwarto. Alam ni Christopher na nahulog na ang loob nito sa kanya. Pansin niya iyon sa mga mata nito, at higit sa lahat, nararamdaman niya iyon. Ang pagpapaubaya nito sa kanya, ay nagpapahiwatig na nakuha na niya ng tuluyan ang loob nito - o baka pati ang puso nito. Sa isiping iyon, di maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib si Christopher, dahil alam niyang hindi siya ang nararapat na lalaki para sa dalaga. Isa siyang Mafia at masamang nilalang, hindi ang kagaya niya ang karapat-dapat sa dalaga. Ngunit hindi niya masisisi kung sakali mang nahulog ang loob nito sa kanya. Siya ang gumawa ng paraan para pagkatiwalaan siya nito. Ang lalong nagpap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD