ISANG buntong hininga ang pinakawalan ni Zasha. Ilang Linggo nang nagigising siyang wala sa tabi niya si Christopher. Simula nang huling pagtatalik nila at pagtatapat niya ng nararamdaman para dito hindi na ulit iyon nangyari pa. Pakiramdam tuloy ni Zasha, iniiwasan siya nito? Halos hindi na kasi niya ito naaabutan at kung umuwi ito - hatinggabi na o kaya sa madaling araw. Wala na siyang oras para makausap ito. Pakiramdam niya tuloy, sinasadya ito ni Christopher. Napayuko si Zasha at ikinurap-kurap ang kanyang mga mata. Buong akala pa naman niya - mahal na rin siya nito. Nanghihinang bumangon siya at dumiritso ng banyo. Makalipas ang ilang minuto, 'agad niyang napagdesisyunang bumaba ng sala. Natigilan si Zasha nang makita si Henri. Sabay na napalingon ang dalawa sa kanya. Si

