NAKATITIG si Christopher sa karagatan ng maramdaman niya ang paglapit ng matalik niyang kaibigan. "Kumpirmado, nandito na siya sa Pilipinas." Gumalaw ang panga ni Christopher ngunit, nanatiling tahimik. Hanggang sa mapansin niya ang paglingon ng kaibigan. "Ayon kay Agent Xhao-U, umanib ang matandang si Mr. Mondran sa grupo ni Mr. Colombo." Bahagyang umarko ang gilid ng labi ni Christopher. Hindi na siya magtataka kung bakit 'di ito mahanap-hanap ng mga tauhan niya. Kaya pala at nagawa nitong umanib sa grupo ng matandang iyon. Ang pinakamatanda sa mga Mafia. Ang sikat at tanyag sa lahat. Higit sa lahat - ang kinatatakutan ng lahat. Maliban sa kanya. Wala siyang kinatatakutan dahil handa siyang mamatay anomang oras! 'Di siya pumasok sa ganitong organisasyon para lang maging duwa

