ISANG malakas na singhap ang kumawala sa bibig ni Zasha nang marinig ang ingay sa labas ng mansion. Hanggang sa biglaan siyang nanginig nang marinig ang sunod-sunod na putukan na tila umuulan ng bala! Nang mapasigaw siya nang marinig ang malalakas na pagsabog na nanggagaling sa labas ng mansion! Pakiramdam ni Zasha, hindi na siya makahinga ng maayos ng mga oras na iyon sa tindi ng takot na sumalakay sa kanya. Ang lakas-lakas ng t***k ng kanyang puso at ramdam din niyang namumutla na ang kanyang mukha! Kasing bilis ding nanubig ang kanyang mga mata habang nangangatal ang kanyang buong katawan. Sa sobrang takot, hindi na siya nakagalaw sa kinauupuan niya sa ibabaw ng kama. Hanggang sa tumulo na lang ang kanyang luha sa mga mata. Naitakip niya ang kanyang mga kamay sa tainga, pili

