LIHIM na nanginig ang kalamnan ni Christopher nang marinig mula sa kabilang linya na nakuha ng mga tauhan ni Colombo ang dalagang si Zasha. Tila may bulta-bultaheng kilabot ang bumalot sa buong pagkatao ni Christopher. Bumigat ang kanyang pakiramdam na tila may malaking batong nakapatong sa kanyang dibdib at labis siyang nahirapang huminga! Sa unang pagkakataon - matinding takot ang gumapang sa kanya sa isiping nasa kapahamakan ngayon ang babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso! Ang babaeng pinakamamahal niya! Nahirapang lumunok si Christopher at 'agad ikinurap-kurap ang kanyang mga mata. Sa pagkakataong iyon, isa lang ang napagtanto niya - ang babaeng unang minahal niya ang magiging kahinaan niya. Gumalaw ang kanyang panga. Tumalim ang kanyang mga mata ng maalala ang mga ta

