HINDI maiwasang magtaka ni Zasha at bigla yata ang pananahimik nang magkakapatid? Hindi na siya nito pinapansin ni pinapakitaan ng kasamaan? Para lang siyang hangin sa tuwing nagkakasalubong sila. Wala na nga ring nang-bu-bully sa loob ng classroom nila sa kanya? Hindi niya maiwasang magtaka at bigla silang nagbago? Hindi kaya may sinabi ang kanyang ama? Pero ano namang sasabihin nito? Hanggang ngayon wala pa rin itong alam kung anong ginawa ng mga ito sa kanya noon? Hindi na rin niya binalak pang magtapat sa ama, dahil na rin sa kalagayan nito. Hindi niya nais na mag-alala pa ito sa kanya. Lalo na't hindi na rin naman siya sinasaktan ngayon ng magkakapatid at ng asawa nito dahil naroon ito? Wala rin siyang naiisip na maaaring sabihin ng kanyang ama, na makakapagpabago sa mga ito

