GANOON na lang ang panginginig at pamumutla ni Donya Felistia ng marinig ang pinag-usapan ng mag-ama! Nawindang din ang magkapatid na sina Jane at Jessa. Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Judas at nakakatakot itong ngumisi. Nang mga oras na iyon, nasa library sila dahil pinapanuod nila ang mag-ama na nag-uusap. Walang kaalam-alam ang mga ito na may secret cctv camera at may audio sa ilalim ng kama. Hindi lubusang akalain ni Felistia na maiisahan siya ni Zasha at nakapasok ito sa kuwarto nilang mag-asawa! Kung alam lang niyang magmamatigas ito, sana di siya umalis ng oras na iyon at 'di nakapag-usap ang mag-ama! "Anong gagawin natin, mommy? Mapupunta sa hampas lupang babae na 'yan ang lahat ng kayamanan ni daddy?" hysterical na wika ni Jessa at kandaiyak na ito. "Sa kanya lang m

