Chapter 4

2121 Words
HABANG naglalakad silang magkahawak ang kamay at nakasunod dito, panay tingin at lingon siya sa paligid. Tuluyan ng nagkalat ang dilim pero hindi sila nahirapan sa nilalakaran dahil mga puno at halaman na mismo ang nagbibigay liwanag sa kanilang daraanan. “Huwag mong gagalawin ang isang halaman ‘yan.” Natigilan siya sa sinabi ng lalaki. Napatingin siya rito at naghintay sa sasabihin nito sa kaniya. “Nakakalason ang dahon ng halaman na iyan. Mabuti na lang at hindi mo nahawakana ang mga uri niyan kanina nung tumakbo at tumakas ka.” “So-sorrry.” “Don’t be. Let’s continue.” Tumango siya at nagpasyang hindi na mangingialam sa mga halaman na nakikita at nadadaan nila ng binata. Nagkasya na lamang siyang tignan ang mga ito. “We can’t use my teleportation here.” “Bakit?” “Isa sa rule ng Forest City. Nagagamit lang natin ang teleport ‘pag nasa guild tayo. Nasa Dungeon. Nasa battle field at nasa ibang city. Pero kapag nasa labas ng Gudgeon, hindi. At iyan ang pinakapangit sa larong ito. May limitasyon bawat kakayahan.” “Pwede rin ba akong mag-teleport sakali?” Sandali itong huminto at humarap sa kaniya. “You can’t. You need to reach the level 20 before you can use the teleportation or you need to own a teleport crytsal,” seryusong saad nito. “Bakit sabi mo kanina—” “I’m level 98. Pwede kang dumikit sa`kin at madadala kita sa lugar na gusto mong puntahan sa pamamagitan ng sarili kong teleportation. Pero kung ikaw lang mag-isa, hindi.” deritsahang saad nito. “May ibang tanong ka pa ba?” “W-wala.” “Good.” Marahan siyang humugot ng hangin kahit ang litong-lito na siya at gulong-gulo na. Pinilit niya pa rin itatak sa isipan na buhay niya ang nakatalaga sa loob ng Znthra. “Orion.” Napamulagat siya nang marinig ang boses na iyon. Sandali siyang binitawan ng lalaki at pinindot ang braso nito at lumitaw sa ere ang hologram. Tiningnan niya kung sino ang nagsalita, nakita niyang si Tala ito. “I got her and we’re almost home.” “Okay.” Biglang nawala ito sa kabilang linya. “Let’s go. We need to hurry. They’re waiting.” Humakbang ito. Mabilis naman siyang sumunod at nagpasalamat na hindi na siya nito hinawakan sa kamay. Tahimik silang naglakad ng binata at walang imikan sa dalawa. Habang siya, nakikiramdam lang. maganda ang paligid, pero tulad ng sinabi ng lalaki. Panganib ang dala. Ha?! Napaurong siya nang marinig niya ang ungol sa may kalayuan. “Wolves,” mabilis na saad nito. Napatingin naman si Amulet sa lalaki at mabilis na dumikit rito. Naalala na naman niya ang itim na osong humahabol sa kaniya kanina. Hanggang ngayon, hinid pa rin niya iyon makalimuta. Pauli-ulit pa rin iyon sa paglalaro sa kaniyang isipan sa tuwing natatakot siya. Diyos ko! Nayakap niya ang sarili nang muling umalulong ang mga lobong sinasabi nito. Gusto niyan tanungin kung bakit maagang umalulong ang mga lobo, gayon hindi pa malalim ang gabi. “O-orion, h-hindi ba sila kumakain ng tao?” Natawa ito. “You mean the wolves?” “Oo?” “Just keep walking. ‘Wag sila ang intindihin mo, Amulet—” saglit na dumaan ang katahimikan at sumulyap sa kaniya, “Kailangan mo magkaroon ng pangalan na panibago. We’re not using our real names here.” “B-bakit?” “Because we are not even in the real world.” May punto ang lalaki. Ibig sabihin, hindi Orion ang totoong pangalan nito. Humugot siya ng malalim na hininga at sandaling nag-isip. Ano nga ba ang pangalan na kaniyang gagamitin sa mundong ito? “W-wala akong maisip.”’ “Then I will call you Elowin.” Kumunot naman ang kaniyang noo sa pangalang binanggit nito. “Elowin?”’ “Yeah. It suits you. Kapag may nagtanong sa`yo kung ano ang pangalan mo, ‘yan ang sabihin mo.” “O-okay.” “Good. Now let’s continue.” Malalaki ang hakbang ng lalaki at aaminin ni Amulet na nakaramdam siya ng pagod habang humahabol ng lakad dito. Natatakot siya sa mga alulong at ingay na naririnig niya pero mas nakakatakot ang reyalisasyong kamatayan ang bawat segundo ng Znthra. Sunod-sunod siyang napalunok nang may mapansin siyang gumagalaw sa kaliwang bahagi. Gusto niyang tawagin ang pangalan ng lalaki at sabihin dito ang kaniyang nakita pero seryuso itong naglalakad. “Ahhhhhhh!” napatili siya nang malakas nang biglang may humila sa kaniyang paa. Natumba siya at tumama ang kaniyang ulo sa nakausling malaking ugat para dahilan na umikot ang kaniyang paningin. Napakurap-kurap siya at dinama ang ulo. Pakiramdam niya ay nasa ere siya at lumulutang sa hangin. “Amulet!” ang boses ito ni Orion. Ha? Bakit parang ang layo niya sa`kin? May humila sa paa ko at— napatili siya nang malakas nang makitang isang malaking paru-paro ang bumungad sa kaniyang mata. Kulay itim ang pakpak nitong halos sakupin ang kalangitan at sumisimbolo ng kamatayan. Habang ang buntot nito na parang ahas ay nakatali sa kaniyang paa. Matataas ang pangil nito at kulay dugo ang mga matang sumulyap sa kaniya. “Orionnn! Tulungan mo ako!” malakas siyang napatili sa kamatayang sumalubong agad sa kaniya. Napatingin siya sa ibaba, malayo na siya at kung babagsak siya sa lupa, paniguradong patay siyang babagsak. Takot siya sa matataas na bagay kaya pakiramdam niya umiikot ang kaniyang ulo. Mawawalan yata siya ng malay! “Amulet!” Nagsimulang magtubig ang kaniyang mata. Unang araw pa lang niya sa Znthra pero ang dami ng nangyaring kabaliwan sa kaniya. Kung hindi siya makakalabas sa mundong ito, baka sa mental siya pupulutin kung sakaling meron man iyon dito sa loob ng laro. Masyadong mabilis ang lahat at ngayon, ibang kamatayan naman. Nakatakas nga siya sa malaking oso na humahabol sa kaniya kanina, pero sa paru-paro na nasa kaniyang harapan? Malabo. Nakaramdam siya ng kasiyahan nang makita ang binata na sumunod. Palipat-lipat ito sa sanga ng mga punong-kahoy at wala yatang balak itong umuwi na hindi siya kasama sa Gudgeon. “Orion!” muli niyang sigaw pero agad din siyang napapikit at napatakip ng teynga. Masakit sa teynga ang matinis na sigaw ng halimaw na dala-dala siya. Para itong nasasaktan at nararamdaman niyang lumuwag ang pagkakatali nito sa kaniyang paa. Eksaktong pagmulat niya ng mata, nakita niya ang pagtarak ng gintong palaso sa likod nito. Napaungol ng malakas sa sakit ang pau-paro at sumigway ang paglipad nito. Hindi, hindi! Sunod-sunod siyang napailing nang lumuwang ang tali at tuluyan siyang nakawala. Naulit ang malakas niyang pagtili sa isipin babagsak siya sa lupa! “Got you!” Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa lalaki nang saluin siya nito. Para siyang batang umiyak sa dibdib nito at sandaling nagkaroon ng makakapitan. Sa dibdib niya nilabas lahat ng takot at iyak niya. Akala niya kanina, mamatay na siya. Akala niya, tuluyan na siyang mamaalam ng tuluyan. “Hey tahan na.” Sunod-sunod siyang umiling. Paano ba tumahan kung dalawang beses na siyang pinaglaruan ng kamatayan? Mahigpit lang siyang nakayakap sa leeg nito, na parang kumukuha roon ng lakas. Bumuntunghinga ito at naramdaman niyang marahang hinaplos ang kaniyang buhok. “Kailangan mo maging matapang, Amulet. Naiintindihan ko ang takot na naramdaman mo pero kailangan mong labanan ang takot na iyan kung gusto mo tumagal sa mundong ito.” “O-okay pasensya na kung umiyak ako na parang bata sa dibdib mo. Natakot lang ako. Dalawang beses na akong muntikan mamatay.” “Dalawang beses?” Marahan siyang tumango. “Una, ‘yong malaking Oso. Ngayon ‘yong malaking paru-paro.” Tumango naman ito sa kaniyang sinabi at hindi na muling nagsalita pa. Doon lang napansin ni Amulet na nasa bungad na sila ng Gudgeon. Inisip niyang lumipad ba sila? Malabo naman mangyaring iyon. Malaki ang territory na sinasabi nito. My gate na yari sa malaking kahoy na nakakonekta sa isa’t isa at napapalibutan ang katawan niyon ng mga kabute at halamang umiilaw. “Dito na tayo sa Gudgeon. Safe na rito at wala kang dapat alalahanin na mga halimaw. May proteksyon ang guild na ito. Kaya habang nasa loob ka, walang sino man makakapanakit sa`yo.” Kumalma siya sa sinabi ng lalaki at nang maalalang nakayakap pa rin siya sa binata, agad siyang kumalas dito. “P-pasensya na.” Nagkibit lang ito ng balikat at hindi na siya hinayaan na nakasunod lang dito. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at hinila siya papasok sa loob ng Gudgeon. Saka lang niya napagtuunan ng pansin ang bawat paligi ng Gudgeon. Bawat punong nakikita niya, may mga bahay sa itaas na kaniya-kaniyang desinyo at laki. May mga tulay na nagkokonekta sa bawat bahay sa itaas at may mga bahay na up and down. Depende sa laki ng puno at kung ilan bahay ang kasya. Nang makabalik sila sa kasamahan nito, lahat ng mga ito ay nakatingin sa kaniya ng masama at pailalim. Nagbaba siya ng tingin at nanatiling nakasunod sa lalaki. Hawak-hawak pa rin nito ang kaniyang kamay. Wala yata itong balak na bitawan siya. “A-ang kamay ko,” mahinang saad niya. Saglit itong sumulyap sa kaniya at binitawan ang kaniyang kamay. “Ito ang Gudgeon. Lahat ng nandito sa teritoryong ito, nasa level 50 pataas. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang kapangyarihan at skills para sa laban.” Tahimik siyang nakinig sa sinabi nito habang nanatiling nakatungo ang kaniyang mata sa lupang inaapakan. Wala siyang lakas ng loob na salubungin ang bawat titig ng mga kasamahan na sinasabi nitong guild. Tulad nga ng sinabi ng lalaki, lahat ng mga kasamahan nito ay nasa level 50 pataas. Eh siya, anong panaman niya? Level 1. Level 1 kung saan siya ang pinakamahina. “Orion.” Huminto sila. Nagtaas siya ng tingin nang may humintong apat na lalaki sa kanilang harapan. Para siyang nasilaw sa mukha ng mga ito kaya agad siyang nagbawi ng tingin at muling tumingin sa lupa. Masakit na masakit na ang kaniyang ulo pero nanatili siyang walang imik. “It is not our duty to look after her. That woman is weak. And part of her tattoo says she’s a Healer.” Lihim siyiang napasulyap sa kaniyang tattoo na nakaukit sa kaniyang pulsuhan. Healer? Ito ‘yong sinasabi sa kaniya ng binata kanina nung pinindot nito ang kaniyang braso at lumabas do’n ang hologram. “She will bring danger to all Gudgeon, Orion!” Nakagat niya ang kaniyang labi. Para siyang nililitis sa mga titig na ginawad ng mga ito sa kaniya. Gusto niyang kapain ang boses at magsalita pero hinid niya makapa. Biglang nawala ang kaniyang boses. Nasisilong siya sa mga tanong ng mga ito na binato sa lalaking kasama niya. “Isa lang siyang baguhan pero hindi ibig sabihin, isa siyang mahina. Lahat tayo ay dumaan sa pagiging baguhan sa larong ito. Lahat tayo dumaan sa unang hakbang. Huwag natin husgahan ang kaniyang kakayahan,” seryusong saad nito sa lenggwaheng tagalog imbes na english. Habang siya, napasinghap siya sa sinabi ng lalaki. Hindi niya mapigilan ang sariling magtaas ng tingin at mapatingin dito pero saglit lang iyon. Dahil nung sumulyap ito sa kaniya, para siyang napapaso. Mabilis siyang nagbaba ng tingin. Hindi siya makapaniwalang sinabi nito ang katagang iyon sa harap ng mga kasama nito. “Hindi natin siya kailangan. Sa guild natin, may dalawa na tayong Healer at sapat na iyon sa atin,” sabad ng isa. “Come on guys, don’t be hard to her. She’s might be a beginner but I sense there’s something on her why Orion trust her that fast. Let’s give her a chance,” mabilis na singit ng isang lalaki. May accent ang english nito at hatang dayuhan din ito. “I agree. Besides, Orion is our guild leader and we must respect his decision. Let us not forget that he build and bought this Gudgeon for us.” Napalingon si Amulet kung sino ang nagsalita, nakita niyang si Tala iyon at kalmadong nakatingin sa kaniya. Agad siyang nagbawi ng tingin at tumingin sa inaapakan lupa. “Okay, I rest my case.” Napabuntunghinga ang lalaki at walang magawa. “I apologize.” Nagkibit lang ng balikat si Orion at tumango sa mga kasamahan nito nang sulyapan niya. “Excuse us.” Nagsialisan ang mga kasamahan nito at kaniya-kaniyang nagpunta sa mga bahay nito na nasa itaas ng puno. Habang si Tala ay lumapit kay Orion at sandali muna siyang sinulayapan. “What happened?” “Nothing. All she need is rest. Please can you take Elowin to her room?” “But I need to tell you something.” Tumango naman ang binata at tinawag nito ang isang kasamahan. Pinakiusapan ng binata na ihatid siya nito sa 6th tree kung saan may silid do’n para sa kaniya. Agad siyang sumama sa kasamahan nito pero bago iyon, sumulyap siya sa dalawang nag-uusap at kita niya ang pag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Orion. Tumango naman ang binata at tinawag nito ang isang kasamahan. Pinakiusapan ng binata na ihatid siya nito sa 6th tree kung saan may silid do’n para sa kaniya. Agad siyang sumama sa kasamahan nito pero bago iyon, sumulyap siya sa dalawang nag-uusap at kita niya ang pag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Orion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD