Chapter 5

2277 Words
PANGALAWANG ARAW. Masakit ang likod at ulo ni Amulet nang magising siya kinabukasan. Para siyang nasa totoong mundo. Totoong sakit, totoo lahat ang mga naramdaman ng kaniyang katawan. Pakiramdam nga niya ay may nabali sa kaniyang buto. Sa sobrang pagod na kaniyang naramdaman kagabi, mabilis siyang nakatulog na hindi nag-abalang kumain at uminom ng tubig. Paunat-unat siyang tumayo at tinungo ang bintana. Lalanghap lang siya ng hangin at sasampalin ulit ang sarili at baka sakaling sa ikalawang pagkakataon, nasa napakasamang bangungot lang talaga siya. “Magandang umaga!” Napatili siya nang eksaktong lumitaw sa bintana ang maliit na nilalang na kasinlaki ng isang litrong coke. May pakpak ito at matinis ang boses habang ang pahaba ang teynga. May bulaklak ito sa ulo. “Pasensya at natakot kita! Ako si Elfina at isa akong Elfin.” Kimi siyang napangiti at sinubukan pakalmahin ang sarili. “O-okay Elfina…” Ang ngiti niya ay naging ngiwi. Kahapon, tao ang kaniyang kausap. Ngayon, isang Elfin? “Kumusta ka na? natakot ba kita? ‘Wag kang matakot sa`kin, alaga ako ng Gudgeon at marami kami rito. Gusto kitang maging kaibigan, pwede ba?” Naipilig niya ang kaniyang ulo. Okay, totoong nakikipag-usap siya sa nilalang na may pakpak. Hindi nakakatakot ang hitsura nito. Cute nga itong tingnan dahil sa bulaklak at  mga mata nitong puno ng kislap. Kahit papaano natuwa siya na may gustong makipag-ibigan sa kaniyang pangalawang araw ro’n sa Znthra. “Pwede naman.” Ngumiti siya. “Talaga?! Dahil d’yan, bulaklak para sa`yo! Magandang umaga ulit.” Binigyan siya nito ng isang tangkay ng Gerbera, kulay dilaw iyon. Isa iyon bulaklak na galing sa pamilyang Daisy. “Thank you.” Tinanggap niya iyon at ngumiti naman ito saka nagpaalam. Napasunod ang kaniyang tingin kay Elfina na masayang lumilipad at nakikipag-usap sa ibang kasamahan ni Orion. Ha?! Napalingon siya nang may kumatok sa pintuan at bumukas iyon. Nakita niyang si Tala ang panauhin at may dalang prutas at tubig. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at saka nilapag sa mesa ang dala. “Kumain ka na. Hindi ibig sabihin na nandito ka sa larong ito, hindi ka magugutom. Pwera na lang ang tawagin ng kalikasan, wala tayo niyan.” Napatango naman siya sa sinabi ni Tala. Kahit hindi nito sabihin ang bagay na iyon, ramdan niyang kumakalam ang kaniyang sikmura. “Salamat.” Hindi ito sumagot. Tumalikod lang ito at sinulyapan muna siya sa isang pagkakataon bago lumabas nang tuluyan sa kaniyang silid. Hindi ito nag-abalang sarhan ang pintuan at hinayaan niya lang iyon. Alam naman niyang secure siya sa silid na iyon.  Walang pagdadalawang isip na nilapitan niya ang dala nitong prutas at sinimulan itong kainin. Saglit siyang napapikit nang malasahan niya ang sarap niyon sa kaniyang dila. Para itong lasang mansanas  na ewan pero mas masarap sa mansanas. “Can I come in?” Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Orion sa pintuan. “P-pasok ka.” “Sorry I disturb your breakfast,” anas nito nang tuluyan makalapit sa kaniya. Pinili nitong umupo sa isang upuang kahoy. “Hindi, okay lang. Totoo nga niyan, nahihiya ako dahil hindi ako nakapagpasalamat sa`yo kagabi sa pagligtas mo sa`kin.” Sandali niyang binitawan ang prutas na kinakain at nilagay ulit iyon sa maliit na basket. “Lahat naman siguro gagawin iyon kung buhay ang usapan.” “S-siguro…” wala siyang makuhang sagot. Kaya ang kaniyang ginawa ay yumuko at tingnan ang sahig na yari sa kahoy. “Hindi na ako magpatumpik-tumpik pa, Elowin. Nandito ako para ipakilala sa`yo si Raberoo.” Napakunot naman siya ng noo at napatingin sa likod nito. Wala itong kasama. “Raberoo?” “Yeah,” walang alinlangang saad nito at pinindot ang gilid ng braso. Lumabas doon ang hologram at may hinawi ito sa screen. “Isang tame monster na nakuha ko nung nakaraan at wala akong paggagamitan sa  hayop na ito.” Gustong mapangiwi ni Amulet sa narinig. Monster? Bakit siya nito bibigyan ng halimaw? Gusto niyang itanong ang bagay na iyon sa lalaki pero naghintay siya sa kasunod nitong sasabihin. “You can have her.” “Ha?” nagulat siya sa huling sinabi ng binata pero mas nagulat siya nang may lumabas sa hologram nito na maliit na hayop. Halos kasinglaki lang ito ng kamao at buhay tingnan. “Iyan ‘yong Raberoo?” Hindi makapaniwalang saad niya nang makita iyon sa kamay ng lalaki. “Ang liit pala niya.” Isa iyong maliit na hayop na parang pusa pero may mahabang pangil at kulay buwan ang mata. Pahaba ang nguso nito at hindi kasing-cute ng pusa tingnan. Para itong tigre! Ang kulay ng balahibo nito ay abuhin na may nakaukit na S sa gilid ng tiyan. “Really?” Narinig naman niya ang mahinang pagtawa nito sa kaniyang sinabi. “Its not what you think.” Tumayo ito at naglakad papunta sa maluwang na espasyo. “Anong ibig mong sabihin?” Sumunod siya rito. Sumulyap ito sa kaniya, “Pagmasdan  mo.” Napasunod ang kaniyang tingin sa kamay nito nang ihagis nito sa maluwang na espayo ang sinasabing tamed monster. Muntik pa siyang napasigaw nang biglang lumaki iyon at halos kasingtangkad niya. Agad siyang napasiksik sa likuran ng binata nang tumingin sa kaniya ang Raberoo na sinasabi nito. “As what I have said, she’s a tamed monster. Loyal sila sa kanilang mga amo at ang makakuha ng mga tamed monster ay isa sa pinakamahirap sa loob ng Znthra.” “Pero bakit sa`kin mo siya binigay?” Ngumiti lang ito at hindi pinansin ang kaniyang tanong. “Raberoo is a good girl. Siya ang magiging kasama mo simula ngayon.” “Pero—” “I have to go.” Hinaplos nito ang ulo ng hayop at isang sulyap ang binigay sa kaniya at nagpaalam. Orion wait!  Pero nanatili na lamang iyon sa kaniyang bibig. Tuluyan nang nakalabas ang lalaki at biglang nawala sa kaniyang paningin. Ilang beses siyang napakurap-kurap hanggang sa tuluyan nagpropresos sa kaniyang utak na umalis na ang lalaki at iniwan sa kaniya ang alaga nitong Raberoo ang pangalan. Nagulat siya nang biglang tumunog ang kanang braso niya. Pinindot niya iyon at lumabas do’n ang hologram na may notifications galing kay Orion. *You have 1 Tamed Monster gift by Orion: “Hey, take care of Raberoo. She’s sweet and scary.”  Accept or Decline.*   Napakurap-kurap siya sa nabasa. Hanggang ngayon nababaguhan pa rin siya sa hologram na iyon na imbes dapat siyang masanay. Nagdalawang isip si Amulet kung pindutin ba niya ang notification na galing sa lalaki. Sa gilid ng mensahe nito ay ang hitsura ni Raberoo at ang classification. “Okay,” pinili niyang pindutin ang accept na button sa hologram at bahagya siyang napakislot nang umungol ang hayop. Halos lumabas ang kaniyang puso! Dahan-dahan siyang lumingon at nakita niyang matamang nakatitig sa kaniya ito. “O-okay,” napalunok siya ng laway at sunod-sunod na napahinga ng malalim. “I’m… I’m Amulet. ‘Wag mo akong kainin, ha?” Hinawi niya ang screen at hindi na nag-abalang basahin ang classification ng hayop. Tiningnan lang siya nito na parang maiintindihan ang kaniyang sinabi. Ngimi siyang napangiti. May tiwala siya sa sinabi ni Orion na mabait ito kaya wala siyang dapat ikabahala. Muli siyang humakbang pabalik sa basket ng prutas na nasa ibabaw ng mesa. Inabot niya iyon at muling kinagat. Masarap! Pangalawang prutas na siya nang lumapit sa kaniya si Raberoo at umupo sa kaniyang paanan. Nalito naman siya sa ibig sabihin ng kislap ng mata nito. Hindi ba pwedeng magsalita ng lang itong tame monster na ito para magkaintindihan silang dalawa. Mahinang umuungal ito at dumantay ang kamay nitong mayro’ng matataas na kuko sa kaniyang paanan. Muntik pa siyang atakehin. Akala niya sasakmalin siya nito. “Gusto mo?” pinakita niya rito ang prutas na hawak na hindi man lang niya alam ang pangalan. “Kumakain ka rin ng prutas?” Napatayo ito at malambing na inamoy ang kaniyang kamay na may hawak na prutas. Napangiti siya sa sweet gesture na pinakita ni Raberoo. Gusto nitong kumain ng prutas. “Here girl…” Nilapit niya sa malaking bibig nito ang kaniyang kamay. Bahagya pa siyang napalunok nang mapasulyap ang kaniyang mata sa dalawang mahabang pangil nito. Kahit nasa virtual reality world siya, alam niyang nakasalalay ang kaniyang buhay. Nagliwanag ang kaniyang mata nang marahang kinain nito ang prutas sa kaniyang kamay. “There you go. Good girl, good girl Raberoo.” Ang lawak ng kaniyang ngiti habang nakatungay sa hayop. Nagdadalawang isip pa siyang haplusin ang ulo nito kahit sinasabi ni Orion na mabait ito. Akmang kukuha pa siya ulit para ibigay sa hayop nang marinig niya ang ingay sa ibaba kahit nasa itaas siya ng puno. Dali-dali niyang tinungo ang bintana at sumilip mula ro’n, nakita niya ang dalawang lalaking nagtatagisan ng lakas. Parehong may hawak na espada ang dalawa at nagpapalitan ng lakas ang mga ito. Napatitig  siya sa mga ito. Kahit malayo ang kaniyang pwesto, hindi ‘yon hadlang para ‘di niya makita ang pagtatagisan ng mga ito. Sumunod naman sa kaniya si Raberoo at nakisilip sa bintana. Bahagya siyang natawa sa inasal ng hayop lalo na at pareho silang nakisksik sa may bintana. “Tawagin kitang Rabi, okay lang ba?” Tiningnan siya ng hayop nang sulyapan niya ito at kahit hindi ito nagsasalita, alam niyang pumayag ito. Ngumiti siya at doon pa lang siya nagkaroon ng lakas loob na haplusin ang ulo nito. “Too slow. Enemies will kill you in one snap!” Napatingin siya sa lalaking galit na sumigaw. Nakasuot ito ang mga ito ng armour  at base sa mga mukha at galaw ng mga ito, seryuso ang mga ito sa pagtatagisan ng lakas. “Stop talking and fight me.” Napalunok siya nang sunod-sunod na hangin nang muntikang mahataw ng mahabang espada ang leeg nung lalaking unang sumigaw. Nagpapatayan ba ang mga ito? Gusto niyang sumigaw at pumagitna sa dalawa pero wala siya sa posisyong gawin ang bagay na iyon. “Znthra will kill both of us if we don’t fight for our lives!” Znthra… pinanginigan siya ng marinig sa araw na iyon ang pangalang ayaw niyang marinig. Mabilis siyang napalayo sa bintana at dali-daling tinungo ang malambot na kama at nagtalukbong do’n. Binalikan niya sa isip ang pangyayaring pumunta siya ng Convinient Store. Inisip niya, kung hindi ba siya lumabas at bumili ng pagkain, hindi ba siya mapupunta sa ganitong sitwasyon? Kung hindi ba siya naglakad na mag-isa sa dis-oras ng gabi, mapupunta ba siya sa Znthra? O kung hindi ba niya nakilala si Zach, hindi ba siya dadalhin sa mundong ito? Napakagat siya ng labi at masyado pa maaga para umiyak na naman. Nandito na siya eh, wala na siyang magagawa. Kahit anong gawin niyang pagtatanong at pagwawala, walang magbabago. Walang magbabago sa kadahilanang nandoon na siya sa mundong iyon. Tulad nga ng sabi ni Orion, bawal sa mundong iyon ang mahina. Sandali siyang huminga ng malalim at pinikit ang mata. Inalala niya ang masayang sandali nila ni Zach nung nagpunta ito ng Pilipinas at masaya silang namasyal sa Siargao dalawa. Inalala niya ang masayang mukha nito sa tuwing pinagmamasdan siya. Inalala niya ang masayang ngiti nito sa tuwing hawak nito ang kaniyang kamay at mahal na mahal siya kahit magkaiba sila ng nationality. Isa siyang filipina, habang si Zach ay isang American. “Elowin…” Napamulagat siya nang lumitaw sa harapan niya si Tala. Hindi niya namalayan na nakapasok ito. “I used teleport.” Napatango naman siya sa sinabi ng babae, “O-okay.” “Sumama ka sa`kin at ‘yang tamed monster mo, ibalik mo muna ‘yan sa bahay niya at patulugin.” Napakunot naman ang kaniyang noo. Paanong ibalik sa bahay nito? Tila nakuha naman nito ang kaniyang tanong sa isip at nag-execute ito ng sample sa kaniyang harapan. Binuksan nito ang hologram at pinindot ang items button, sa dulo ng items ay ang tamed monster button nakalagay. Nang pindutin nito ang button na iyon, may ‘Deactivate’ at ‘Activate’ na nakalagay ro’n sa tabi ng tame monster. “Ngayon pindutin mo ang Deactivate mode para matulog ang tamed monster mo na alam kong galing kay Orion.” Sinunod niya ang sinabi nito at na-deactivate si Raberoo. Nawala ito sa loob ng silid na iyon at nakita niyang nasa hologram screen ito nakalagay ulit. “Tayo na.” Nauna itong tumalikod. Mabilis naman niyang hinawi ang hologram screen at agad na sumunod sa babae kahit ilang siya sa tono ng boses nito. Para itong galit na hindi niya alam kung bakit. “Pinakiusapan ako ni Orion na isama ka sa bahay ng Healer.” “Healer?” tanong niya nung tuluyan silang nakalabas ng pintuan. “Oo. Hindi ba isa kang Healer? Hindi ka pwedeng manalagi sa silid na pinanggalingan mo kanina. Isa kang Healer kaya dapat sumama ka sa Healer at matutong manggamot.” Sunod-sunod siyang napatango. Kung siya ang masusunod, hindi niya pipiliin ang avatar at classification na iyon. Healer? Mas gugustuhin niyang espada ang kaniyang hawak o sibat para pumatay. Tahimik sila pareho ni Tala na naglakad sa loob ng Gudgeon. Dumaan sila sa isang tulay na yari sa ugat ng kahoy at may mga mumunting bulaklak na tumubo sa bawat gilid. Konekta ito sa isang kahoy na may malaking bahay sa itaas. Ang mga bahay na kaniyag nakikita ay hindi pangkaraniwan. Magaganda ang mga iyon at iisipin niyang magical lahat ang kaniyang nakikita at nasa isang paraiso siyang puno ng panganib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD