Chapter 6

1970 Words
Kumatok si Tala sa pintuan ng bahay at bumukas iyon. Lumabas do’n ang isang babaeng kasing-edad lang niya. Agad itong ngumiti nang makita si Tala at nagbigay ng galang. Nakikita niyang isa itong Asian ayon na rin sa kulay at buhok. Pinay. Isa itong pinay kung kayumanggi ng balat ang pag-uusapan. Nakasuot ito ng mahabang damit na kulay puti at may mahabang slit na hanggang hita. Kulay dilaw ang mga desinyong nakaukit sa damit nito. May koronang yari sa bulaklak ang nasa ulo nito at sa kabilang kamay ay isang rod na ang design ay hindi niya maintindihan. “I know you heard about her already. She’s Elowin,” tumingin ito sa kaniya. Ngumiti naman siya sa babaeng Healer na tulad niya. “And Elowin, she’s Ambrosine.” “Hi, isa akong filipina.” Kimi itong ngumiti at kumaway sa kaniya. “Pero para hindi ka mahirapanan sa mahaba kong pangalan, pwede mo akong tawaging Amber.” “Salamat naman at may Pinay na tulad ko rito. Akala ko ako lang ang banyagang nandito sa mundong ito.” Napahinga siya ng maluwang. Masaya siyang nakilala ang babae. “Okay, I need to go. Ambrosine, you teach her everything you know. We need her to be useful.” Tumalikod na ito at iniwan siya kay Amber na nakangiti sa kaniyang tabi. “Halika Elowin!” Hinawakan siya nito sa braso at hinila nito papasok sa loob.  Napakislot pa siya nang biglang sumara ang pintuan pero nang mapatingin siya sa loob ng kabahayan, parang bumagsak ang kaniyang panga sa naramdaman paghanga. Taliwas sa nakikita niya sa labas ng bahay ang kagandahan ng loob ng bahay. Sa bawat haligi na sumusuporta sa loob ng bahay ay may mga halaman at bulaklak na hindi niya alam kung ano ang mga iyon. Sa kanang bahaging sulok ay may mataas na bookshelves. Dalawa iyon at magkatabi at kung susuruin, makakapal ang mga librong nakalagay roon at paniguradong libro iyon sa pamgagamot. Kaya nga siya dinala rito ni Tala dahil isa siyang Healer.  Inikot pa niya ang kaniyang paningin, may mga batong nagkikislapan na hindi niya alam kung ano ang mga iyon. Nagmistulang mini-paradise ang loob. “Ang ganda!” Humagikhik lang si Amber sa kaniyang tabi. “Kami ni Brighid ang nagdesinsyo ng loob ng kabahayan. Ayaw kasi ni Brighid na masyadong common tingnan. Kaya gusto niya bongga raw kahit papaano at mukhang paraiso.” Napatango-tango naman siya sa sinabi nito at hindi pa rin niya magawang bawiin ang kaniyang paningin. “Paraiso nga.” Natawa naman si Amber sa kaniyang sinabi. “Halika, ipakilala kita kay Brighid.” Muli nitong hinila ang kaniyang kamay at wala siyang magawa kundi ang mapasunod sa dalaga. Nahawa siya sa pagiging active at hyper nito. “Brighid? Sino iyon?” “Isa rin siyang Healer. Magkasabay kaming pumasok dalawa sa Gudgeon na pinangunuhan ni Captain. Alam mo naman kung sino siya, ‘di ba? Bale sa Gudgeon, may limang officials dito. Parang classroom lang din na may mga officials para manatiling kalmado at may pag-iisa ang lahat.” Sandali itong huminto at ngumiti. “Si Orion ang, siya ang Guild Leader or Captain ng Gudgeon at si Casmon ang kaniyang  Co-Captain, nakita mo na siya kagabi, ‘yong isa sa apat na lalaki na sumalubong sa inyo.” Napatango siya pero hindi niya alam kung saan si Casmon do’n sa apat na iyon. Mabuti at madaldal na mahiyain si Amber, may natutunan siya kahit papaano.  “Si Akuji naman ang brain or thinker, siya ang nagpaplano ng mga strategies na kailangan iapprove rin ni Orion. Si Maponos ang assistant ni Captain at ni Co-Captain. In-short, secretary siya ng dalawaw pero don’t get me wrong, hindi basta-basta si Maponos kung lakas ang usapan. Kaya crush na crush ko siya! ‘Wag ka maingay ha, alam kong bawal ‘yan ganiyan dito dahil iisa lang ang hangarin ng mga players na nandito, ang makalabas.” Napatango lang siya. Kahit sabihan siya ni Amber na ipagkalat pa nitong may gusto ito kay Maponos hindi niya pa rin iyon sasabihin. Ganiyan siya katahimik sa totoong buhay kaya siguro iisang kaibigan lang ang meron siya. “Sino ang panglima?”  Ngumiti naman ito nang sulyapan siya. “Si Tala. Siya ang ace ng Gudgeon. Kaya kung napapansin mo, kung saan si Capt, ando’n siya laging nakasunod. Or let me say, lagi silang magkasamang lima. Si Captain, si Casmon, si Akuji, Si Maponos at Tala.  Kung makikita mo silang lumaban, mapapatulala ka na lang sa likuran at ‘di na magagamit ang kapangyarihan mo bilang taga Healer ng guild.” Nasapo niya ang ilong sa sinabi ng dalaga, pakiramdam niya ay duduguin ang kaniyang ilong sa daming impormasyong sinabi nito at hindi iyon kayang iproseso ng kaniyang utak. Hanggang doon muna ang gusto niyang malaman, saka na ang iba at baka tuluyan siyang magkaroon ng hemorrhage sa utak. Inaamin ni Amulet na sumasakit na iyon. “Andito na tayo!” “Ha?” Natigilan siya nang biglang binuksan nito ang isang pintuan na kulay itim at ginto. “Brighid! Kasama ko si Elowin, ang bagong kasama natin na Healer.” Hinila siya nito papasok sa loob ng silid na dalawang beses ang laki sa ibaba. Mas dumoble ang ganda at sa bawat pader ay may nakikita siyang mga bottle na tingin niya ay mga gamot o potion. Maayos ang pagkakalagay ng mga iyon at sa gitna ay malaking mesa na ando’n ang malaking libro at ilang botelya na may laman na umiilaw na tubig. “Hi! Kumusta ka?” agad itong lumapit sa kaniya at mabilis na naglahad ng kanang kamay. Maganda ito at palangiti tulad ni Amber at ipupusta niya ang kaniyang buhok, isa rin itong Filipina. “Masaya akong nakilala ka, Elowin.”  Kung titingnan niya, magkaparehas ng damit ang dalawa. Kulay lang ang pinagkaiba. Kulay kalangitana ang suot na damit ni Brighid at may hawak din itong isang rod sa isang kamay, pero ang desinyo ay kakaiba sa rod ni Amber.  “Okay lang—” naputol ang kaniyang sasabihin nang mapatingin siya sa pulsuhan nito. Iba ang guhit na nakaukit do’n, ibang-iba sa kaniya. “B-bakit parang iba ang guhit na meron sa`kin?” “Ha?” napakunot ng noo ang mga ito at sabay na tiningnan ang kaniyang pulsuhan. “Magkaiba nga!” namangha si Brighid nang pagmasdan nito ang kaniyang tattoo.  Pinaglinya nila ang kanilang pulsuhan at parehong humanga. Maliban sa may tatlong kulay ang sa kaniya, at pabilog, iisang kulay lang ang meron sa dalawang babae at dalawang spiral circle lang ang mga ito. “Suguro may special power ka,” anas ni Amber nang suriin nito ang pulsuhan niya. “Special power? Level 1 pa lang ako at beginner.” Napamulagat ang dalawa sa kaniyang sinabi, “Level 1?!” Mabilis siyang tumango. Alam niyang may mali sa pagiging level 1 niya. Nasabi na iyon ni Orion kagabi na lahat ng mga kasama nito sa guild ay nasa level 50 pataas at mahirap mag-upgrade ng level. Sa taong tulad niya na hindi mahilig maglaro at walang kaalam-alam, talagang mahihirapan siya nito. “OMG!” napalatak ang mga ito at mabilis siyang hinila ng dalawa sa magkabila niyang kamay. “Kailangan mong magsimula now na!” “Ha? Hindi ko ala—” Isang malakas na pagsara ng pintuan ang pumutol sa kaniyang sasabihin at kasunod na ginawa ni Brighid at Amber ay mabilis siyang pinaupo ng dalawa sa malaking upuan katabi ng mesa at kaniya-kaniyang kuha ang mga ito ng makakapal ng libro. “Basahin mo ito!” Si Amber na may dalang anim na libro. Halos hirap ito sa pagbitbit mailapag lang sa mesang nasa kaniyang harapan. “Ito basahin mo rin ito!” Si Brighid na halos nayanig ang mesa sa lakas ng pagbagsak nito sa dalawang makapal na libro sa kaniyang harapan. Kasingkapal yata ito nang dalawang dangkal at kasinghaba ng tatlong dangkal. Gusto niya yatang himatayin sa lahat ng ipapabasa ng mga ito at iisa lang ang nakikita niyang title sa dulo, ‘Spells’. HALOS sumabong ang kaniyang ulo nung humiga siya kinagabihan sa malambot na kama. Binigyan siya ng silid ng mga ito at may sariling bintana at balcony iyon. Kung wala lang siya sa mundong ito, baka isipin niyang nagbabakasyon lamang siya sa ibang bansa. Niyakap niya ang isang malambot na unan at sandaling nag-isip. Basic lang ang pinabasa sa kaniya ni Brighid at Amber pero pakiramdam ni Amulet, umikot na ang kaniyang mundo. May latin, may spanish and mostly, english.  Ang sabi ni Amber, kailangan niyang memoryahin ang mga iyon kung gusto niyang sumama sa isang quest or party. Tama ang mga ito, kailangan niyang lumakas kaya memoryahin niya ang mga chanting spells na mga iyon kahit dudugo pa ang kaniyang ilong sa hirap. Hindi siya magaling sa pagmememorya at iyon ang mahirap sa kaniya. Short term memory lang ang kaniyang utak. Mayamaya ay napaupo siya at sandaling napatitig sa kaniyang pulsuhan. Bakit nga ba iba ang nakaukit sa kaniyang pulsuhan? Hindi sila pareho ng bagong nakilala niyang kaibigan ngayon at kasama sa isang bahay. Marahan siyang napahugot ng hangin at pinagkibit niya ito ng balikat.  Okay nandito ako sa Znthra, pero bakit hindi ko nakita si Zach? natigilan siya sa naging tanong na iyon na lumabas sa kaniyang utak. Tama! Sabi niya sa`kin papasok siya sa larong ito. Ang larong ito kung bakit kami nawalan nang communication sa isa’t isa. Sigurado akong nandito si Zach pero bakit wala siya rito sa Gudgeon? Kailangan kung tanungin si Amber! Sa naisip, bigla siyang napatakbo papuntang pintuan. Kailangan na kailangan niyang makita si Amber ngayon din. magtatanong siya kung sino ang mga members ng Gudgeon. Hindi nakwento nito kung ilan at sino-sino ang mga myembro. “Amber!” Tinungo niya ang silid nito at marahang kumatok sa pintuan. “Amber gising ka pa?” Walang sumagot. Inulit niya pa ang pagkatok para lang matigil sa ere ang kaniyang kamay.  Tulog na nga siya. Si Orion na lang ang tatanungin ko. Napatango siya sa naisip. Tiningnan niya muna ang kaniyang sarili. Gano’n pa rin ang suot  niya kahapon simula nung magising siya at wala naman siyang problema ro’n, hindi damit ang kaniyang pinoproblema sa mundong ito. Agad niyang tinakbo ang hagdanan papuntang sala. Hindi na siya nagpaalam sa dalawang kasamahan, mabilis lang naman siya at babalik agad pagkatapos matanong si Orion. Kung meron lang sana siyang teleportation, hindi na sana niya kailangan pang tumakbo at hingalin. Agad niyang binaybay ang mahabang tulay na yari sa ugat ng mga malalaking kahoy. Hindi siya nahirapan lakbayin ang daan dahil mga mismong halaman at kahoy na ang nagbigay ng ilaw sa bawat pinaghahakbangan niya. “Orion!” tawag niya sa binata nang makita ito sa ibaba. Nakatalikod ito at kausap ang isang kasamahan nito pero kahit nakatalikod ito, alam niyang ang lalaki iyon. “Orion!” pag-uulit niya. Baka hindi siya narinig nito, malayo kasi ang kaniyang pwesto at nasa itaas siya ng tulay. “Orion kailangan kitang makausap!” malakas niiyang sabi habang nakahawak siya sa gilid at kumukuha ro’n ng balanse. Nakakalula ang nasa ibaba. Napalingon ito para lang mapangiwi si Amulet. Hindi ito si Orion! Parang gusto niyang lumubog sa kaniyang kinatatayuan. Mabilis siyang nagbawi ng tingin at nagkunwari na hindi ito ang kaniyang tinawag.  Mabilis niyang hinakbang ang kaniyang paa para makapunta agad sa bahay ng lalaki. Bakit ba kasi inisip niyang saan-saan lang niya makikita ang lalaki?  “Hey!” “Diyos ko!”  Muntikan siyang nalaglag  sa pagbiglang sulpot nito sa kaniyang harapan. Kung hindi ito naging mabilis sa pagsalo sa kaniyang beywang, baka bumagsak siya sa ibaba at iyon pa ang ikamatay niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD