Chapter 7

1982 Words
Inis na tinapik niya ang kamay nito at inirapan ang lalaki. Natatawang binitawan naman siya nito at sa isang kisap ng mata ay nasa ibabaw na sila ng mataas na puno. “You scared of heights?” Hindi siya makasagot. Ang lakas ng kabog ng kaniyang puso at gusto niya yatang manapak ng tao ngayon. Hindi sa ibabaw ng puno ang kaniyang gustong pupuntahan! “Ibaba mo ako, ngayon na!” Hindi ito sumagot. Pinindot nito ang kanang braso at lumabas ang hologram nito. Tulad ng ginawa ni Orion, may hinanap ito sa screen na lenggwahe at mabilis nitong pinili ang lengwaheng kaniiyang ginamit. “Tagalog,” anas nito. “Oo ngayon ibaba mo na ako at kailangan ko makausap si Orion!” nagtaas siya ng kilay. Nang-aasar na ngumisi naman ito at tumango. “Co-Captain here.” Limang segundong katahimikan ang namagitan sa kaniya nang sabihin nito ang salitang Co-Captain. Ibig sabihin, isa ito sa 5 officials?  “Ikaw si Casmon?” “There, mas maganda ang pangalan ko ngayon nanggaling na ito sa labi mo.” Pang-aasar nito at kinindatan siya. “Pwede ba? Wala akong panahon sa`yo. Nagkamali lang ako at inakala kong ikaw si Orion when it turns out you are not. Si Orion ang gusto kong makausap, okay?” “But you called me. That counts. Si Orion man ako o hindi, sa isiping kinuha mo ang atensyon ko sa kausap ko, kailangan mo akong harapin at kausapin.” “What?” mas lalong umarko ang kaniyang kilay. Kung hindi lang makasalanan na ihulog ito, hinulog niya na.”Hindi ako nakikipagburuan dito, Mr. Co-Captain!” Ang lakas naman ng halakhak na pinakawalan nito at kasabay ang malamig na hangin na humahalik sa kaniyang balat. Habang siya ay hindi maipinta ang kaniyang mukha. Dapat pala tumingin siya sa mukha ng mga ito kahapon at tinandaan ang hitsura ng Casmon na ito. Hindi naman niya kasi akalain na napagkamalan niya ito ng ibang tao. “Hey easy woman, I’m not going to eat you. Kalma ka lang.” Naglinya naman ang kaniyang kilay at napahalukipkip. Pinili niya ang ‘wag masyadong gumalaw at baka maling galaw niya sa bagsak siya pupulutin at ayaw naman ni Amulet mangyari iyon. “Elowin, right?” Inismiran lang niya ang binata. Isa itong banyaga at hindi rin basta-basta ang kagwapuhang taglay. Maliwanag ang tatlong buwan kaya kitang-kita niya na kulay ginto ang buhok nito. Napaismid siya sa bahaging iyon. Golden brown ang buhok ni Orion at hindi man lang niya naisip iyon kanina nang tawagin niya ang pangalan ng binata. “Oh Elowin. Ngayon pwede mo na ba akong ibaba at kailangan ko pa makausap si Orion at bumalik sa Healer’s House.” Agad naman itong nakalapit sa kaniya nang banggitin niya ang Healer’s House. Halos dagli lang ang kanilang pagitan at muntik pa siyang napaatras dahil sa ginawa nito! “Healer…” usal nito at bigla naging seryuso. “And?” Umiling ito at muling bumalik ang ngising aso nito na ikinainis niya. Bakit ba mainit ang dugo niya sa lalaking ito? Naiinis siya sa feeling close nitong gesture sa kaniya. “Ask now.” “What?” tinaasan niya ito ng kilay. Napakamot naman ito sa ulo at saka namulsa. “Alam mo Elowin, we have two rules on Gudgeon. Hindi ba naikwento ni Brighid at Ambrosine sa`yo ang bagay na ‘yon?” Natahimik siya. Walang sinabi si Amber.  “First Rule: Listen to your officials,” panimula nito at parang balewala rito na naglakad ito sa hangin.  Nanlaki namana ng kaniyang mata at hindi makapaniwala na kaya nitong maglakad sa hangin habang parang may mga maliliit na crystal na nakapaligid sa ilalim ng paa nito. Sa madaling salita, nakalutan ito. Sisigaw na ba siya sa gulat?  “Anong pangalawa?” agad niyang tanong ng magbalik siya sa hwesyo. Hindi na siya dapat pang magulat sa mga bagay-bagay na makikita simula ngayon dahil wala siya sa totoong mundo. Lahat ng posible sa mundong ito, nagagawa pero may kapalit.  “Second?” saglit itong tumigil at tumalikod sa kaniya. Parang nag-iisip ito at nang humarap ulit sa kaniya, nakangiti ito ng nakakaloko na kaniyang inismiran naman. “Trust the Co-Captain.” “Ewan ko sa`yo!” Muling humalakhak ito sa kaniyang naging sagot. “Ikaw pa lang ang babaeng nagagawang sungitan ako. Wow! Can’t believe it.” Tumatawa pa rin ito at tuwang-tuwa na asarin siya. “Look Casmon, hindi ako nakikipagbiruan dito. Kung ayaw mo akong ibaba, ako na ang bababa. Mabilaukan ka sana!” “Elowin.” Awtomatikong napalingon siya nang marinig niya ang boses na iyon. Nagliwanag ang kaniyang mata nang makita si Orion. Habang si Casmon ay biglang tumigil sa pagtawa. Agad niyang hinakbang ang paa nang maalalang nasa ibabaw pala sila ng napakataas na puno. Bigla siyang naging tuod ulit. Takot siya sa matataas. “It’s okay. Hindi ka mahuhulog,” anas nito, “And Casmon, see you after this.” “Okay.” Nagkibit ito ng balikat at nilagay ang kamay sa uluhan.  Napasulyap naman siya kay Casmon at inirapan ito.  “Have a goodnight guys!” pahabol ni Casmon nang mahawak ni Orion ang kaniyang kamay at sabay silang nawala sa hangin.  Nang magmulat siya ng mata, nasa bahay na siya ni Orion. Alam niyang bahay ito ng lalaki dahil pinagmasdan niya ito nung unang apak niya ro’n. “I heard you were looking for me.” Agad siyang tumango nang giniya siya nito na umupo sa pang-isahang sofa. Kung nasa totoong mundo sila, iisipin niyang nasa study room sila. “Ilang member ka ang meron sa Gudgeon?” deritsahang tanong niya. Namayani ang katahimikan at napatitig ito sa kaniya nang ilang segundo. “Bakit gusto mo malaman?” Nagbaba naman siya ng tingin. Alam niyang wala siyang karapatan na magtanong sa bagay na gano’n pero gusto lang niyang malaman kung may kilala itong Zach. “Please, gusto ko lang malaman kung ilan.” Humugot ito ng hangin. “100 to be exact. And now you’re here with us, 101,” ganting sagot nito, “Bakit mo naitanong?” “Lahat ba sila ay kilala mo?” nagtaas siya ng tingin at sinalubong nag mga mata nitong nakatunghay sa kaniya. Kumunot ang noo nito. “Yeah.” “May myembro kang Zach ang pangalan? Zach Faulkner?” Tatlong segundo itong tahimik at kapagkuwa’y umiling. “W-wala.”  Bumagsak ang kaniyang balikat. Akala niya, makikita niya rito ang lalaki. “Isang taong importante sa`yo.” Marahan lang siyang tumango sa naging saad ni Orion. Nabuhayan lang siya ng loob nang maalalang baka hindi lang isang Guild Territory ang meron sa Znthra. Yes! Malaki ang Znthra, kaya nga tinatawag na Znthra World. Ibig sabihin, marami silang nando’n? “Orion, ilang Guilds ang meron dito sa Znthra?” “15 Guilds.”  15 guilds? Parang timang na pag-uulit niya sa sarili. Labin-limang Guilds ang meron at pwedeng isa sa guilds na mga iyon, nando’n si Zach!  “Zach Faulkner?” Biglang bumalik ang kaniyang lumipad na isip sa naging tanong na iyon ni Orion. Napatingin siya rito at naghintay ng susunod nitong sasabihin.  “Sa nakikita ko, mahalaga ang taong iyan na nagngangalang Zach. kung nandito siya sa mundong ito, darating ang panahon na magkikita kayo. Pero sa araw na iyon, kailangan mo munang maging malakas. Trust me. You need to. Hindi magkakaibigan ang Guilds dito sa Znthra. Magkaaway. Magkaaway ang turingan namin sa isa’t isa. Kaya may teritoryo ang bawat Guilds.” Nanghina ang kaniyang tuhod nang marinig niya ang sinabi nito. Paanong naging magkaaway, na imbes na magtulung-tulungan para makawala sa mundong ito? “Bakit? Anong rason para mag-away ang bawat guilds?” napakunot ang kaniyang noo at napailing. Hindi niya makuha ang dahilan kung bakit. “The night is young, Elowin. You still have more days to learn. Ang kailangan mo ngayon ay magpahinga.” “Pero—” “Goodnight.” Tumayo na ito at nauna sa pintuan.  Laglag ang kaniyang balikat na tumayo siya at tiningnan ito. Tama ang lalaki, masyado pa maaga para magtanong siya ng mga gano’n bagay. Isa lang siyang baguhan at kahit sabihin nito kung bakit, baka hindi rin niya maiintindihan sakali. “Pasensya na.” Tumango lang ito at sa isang kisap ng mata, nasa harap na sila ng Healer’s House. Lihim siyang napakagat ng labi at nagpasalamat dito saka pumasok sa loob ng kabahayan. KINABUKASAN, maaga pa lang ay bumungad agad sa kaniya si Elfina nang buksan niya ang bintana. Nakangiti ito at may dalang bulaklak ng daisy. Napangiti siya sa kakyutan ni Elfina at tinanggap ang bulaklak. “Magandang umaga!” “Magandang umaga rin.” “Sana masaya ang araw mo, kaibigan!” Kumaway ito sa kaniya at lumipad na papalayo habang nakasunod lang ang kaniyang mata rito.  Maganda ang umagang iyon at ramdam niya ang bagay na ito kahit sabihin pa na nasa loob siya ng Znthra. Kailangan niyang tanggapin na nandito siya para hindi siya mapag-iwanan ng panahon dito. Marami siyang dapat matutunan. Marami siyang gustong malaman. Iyon nga lang, saan siya magsisimula? Matapos maghilamos at nilagay sa isang vase ang bulaklak, lumabas na siya ng silid at bumaba. Nakita niya ang masayang paglalaro ni Brighid at Amber sa sala. Nagbabatuhan ito ng mga bulaklak sa isa’t isa. “Magandang umaga!” masayang bungad niya sa dalawa. “Magandang umaga! Ready ka na ba para sa pangalawang araw mo?” Mabilis na lumapit sa kaniya si Amber at kumapit sa kaniyang braso. “I guess she is!” excited na saad ni Brighid at kumislap ang mga matang nakatingin sa kaniya. “Ngayon, dahil alam namin na binasa at minemorya mo ang mga chanting spells… pupunta tayo sa field at subukan ang spells na natutunan mo!” “Right! OMG! Can’t wait Elowin. Masaya matuto ng magic at spells alam mo ba iyon?” humagikhik naman sa kaniyang tabi si Amber. Kumikinang-kinang ang mata nito tulad kay Brighid. Napangiwi naman siya at napailing-iling. Ang taas ng tiwala ng mga ito sa kaniya at baka mabigo lang ang mga ito. Kakasabi lang niya kahapon na short term memory lang ang meron sa kaniya. Hindi siya sanay sa mahabang memoryahan. “B-baka mabigo ko kayo…” ando’n pa rin ang ngiwi sa kaniyang labi. Sabay naman na humagikhik ang mga ito at hinila siya. Nagtataka siya kung saan siya dadalhin ng dalawa nang makitang sa kusina pala ang kanilang punta. May nakahanda na ro’n na prutas at tinapay na amoy na amoy niya ang sarap. Bigla siyang nagutom at takam na takam na tikman ang tinapay na nakahanda sa ibabaw ng mesa katabi ang isang botelya ng gatas. “Breakfast muna!” Magkapanabay na saad ng dalawa at hinila siya ulit ng mga ito para umupo. Agad naman siyang nag-abot ng bagong lutong tinapay at kinagat iyon. Napapikit siya sa lambot at sarap niyon. “Mmm! Ang sarap!” hindi niya mapigilang hangaan ang lutong iyon na parang iyon ang kauna-unahang kain niya ng tinapay. In which totoo naman. Puro prutas pinakain sa kaniya ni Tala at wala naman siyang reklamo sa gano’n. Ang buong akala niya kasi, prutas at tubig lang meron sa Znthra.  “Ako nagluto niyan!” masayang palatak ni Amber. “At ako naman ang nagtimpla at gumawa!” humahagikhik na saad ni Brighid. Napangiti naman siya sa masayang pakikitungo ng mga ito sa kaniya. Hindi niya nararamdaman na mag-isa siya sa laban na ito. “Ang galing-galing niyo! Salamat nito sa tinapay.” Muli siyang nag-abot nang isa, nang isa, nang isa pa at siya na ang nakaubos sa lahat. Nagtawanan sila lahat nang malakas siyang dumighay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD