Chapter 8

2594 Words
Naglibot ng tingin si Amulet sa pinagdalhan sa kaniya ni Amber at Brighid. Nasa malaking field sila at malawak iyon. Berdeng mga d**o ang kaniyan nakikita at mga ligaw na bulaklak na kay gandang tingnan sa bawat paligid. Iisang puno lang ang kaniyang nakikita at iyon kung saan sila nakatayo sa lilim niyon. “This is it! Kailangan mo ng mag-execute ng basic chanting spells, Elowin.” Panimula ni Amber at nag-unat ng kamay. Tumingala pa ito sa kalangitan at napangiti. “Ang ganda ng araw ngayon! Ang sarap sa pakiramdam.” Napangiwi naman siya at nalilito kung sasabihin ba niya sa mga ito na wala siyang naalala kahit isa sa pinapabasa ng mga ito mula sa makakapal na libro. “Ang totoo niyan—” “Hindi na ako makapaghintay na magsisimula tayo! Ito ang pinakaunang araw ni Elowin na mag-cast ng spell at magic. Can’t wait kahit pareho lang naman kapangyarihan natin tatlo panigurado.” Sabay na nagtawanan ang dalawa at excited na tumingin sa kaniya. “Ready ka na ba?” tanong ulit ni Amber at lumapit sa kaniyang kinaroroonan. “Ha?” “Tulala ka girl. Okay lang ‘yan, dumaan din ako sa ganiyan stage. ‘Yong masasabi mong ang bobo mo sa recitation at memorization sa klase pero pagdating dito sa mundong ito, nagle-level up ang mga memory natin. Magugulat ka na lang, buong libro ng Gudgeon namemorya mo na.” Inakbayan naman siya ni Brighid at napabungisngis sa kaniyang reaksyon na hindi maipinta. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maniniwala sa sinabi ni Brighid. Mukha kasi itong nagbibiro at hindi seryuso. Parang kalma lang ang dalaga at wala siyang nararamdaman takot at pagkabahala sa mga mukha ng mga ito kahit isiping buhay nila rito ay nasa panganib lahat. “Mauuna ako ha, pagmasdan mo ang gagawin ko.”  Napatingin siya kay Amber nang humakbang ito papunta sa unahan mga ilang metro ang layo sa kanila. Tumingin ito sa kalangitan at pinikit ang mata na parang pinapakiramdaman ang hangin at paligid. “Anong ginagawa niya?” “Ah, mag-cast ng spell?” Napangiti siya sa naging sagot ni Brighid. Simula ngayon, tatawagin niya itong Briggy para hindi siya makalimot. Nabubulol siya sa pangalan nito kahit sa isip. “Pagmasdan mong maigi Elowin,” biglang nagsing seryuso ang boses nito at matamang nakatingin kay Amber na tinaas ang hawak-hawak nitong rod. “Ang rod na meron sa kaniya ay isang Netherlight Rod. Pwedeng gamitin ni Amber sa magic, spells, healing at weapon kung sakaling may aatake. Pareho kaming level 53 ni Amber at pareho rin kaming makakapag-summoned ng magic sa underworld pero binawalan kami ni Captain. Hindi namin pweden gamitin iyon.” Napakamot siya sa ulo sa mahabang paliwanag ni Brighid. Ang naiitindihan lang niya ay ang Netherlight ni Amber na 3 in 1 kung sa instant coffee pa. “Importane ang magic rod sa`tin mga Healer. Tatandaan mo ‘yan. Pwede rin naman tayong gumamit ng spells at magic kahit walang rod pero may kulang.” “Akala ko Healer lang tayo, Briggy? Bakit pwede tayong gumamit ng magic?” muling pagtatanong niya. Nalilito pa rin siya kahit inexplain na iyon ni Amber sa kaniya kahapon. “Dahil hindi lang tayo basta-basta Healer or let me say isa tayong Cleric. kung hindi mo pa rin gets, manood ka na lang girl at konti ka na lang sa`kin, babatukan na kita.”  Natawa siya sa naging asta nito. Mabait sa kaniya ang dalawa kaya siguro mabilis silang magkasundo kahit kahapon sila nagkita-kitang tatlo o dahil pareho silang filipina at parehong nakakulong sa mundong illusyon lang ang lahat? Ilang sandali pa ay napakunot ang kaniyang noo nang magtaas ng magic rod si Amber at tinutok iyon sa kalangitan. Biglang nag-iba ang aura nito at inikot ang hawak nitong Netherlight kasabay ang malakas na pag-ihip ng hangin at pumapaimbuyog sa hawak nitong rod. “Great Goddess hear my plea, Grant the wish I chant to Thee, Bring clouds both large and gray Spend pouring and monstrous rains my way. Spare me from the wrathful sun. As I will it, so let it be done!” Napahawak siya sa kamay ni Brighid nang biglang nawala ang liwanag at sunod-sunod na kumidlat at kumulog. Naging kulay itima ng kalangitan at malalaki ang kidlat na ginawa ro’n na iniisip pa lang ni Amulet na matamaan siya, nanginginig na siya. Malakas na bumuhos ang ulan at kasabay ang malakas na pagkidlat at kulog. Halos hindi niya makita si Amber sa gitna na hindi nababasa. Tanging sila ni Brighid ang nabasa at pinagpyestahan ng ulan. Napahinga lang siya ng maluwang nang ibaba ni Amber ang rod nito at huminto ang nakakatakot  na ulan. Agad na lumabas ang araw at naging normal ulit ang paligid. “Wow! Na-miss ko ang ulan pero hindi pwedeng maglaro habang nasa training,” napabuntunghinga si Briggy sa kaniyang tabi. Habang siya ay biglang pinanginigan ng katawan. Ganoon pala iyon?  “Okay ka lang ba Elowin?” natatawang tanong ni Amber nang makalapit ito sa kanila. Ito lang ang hindi basa ang damit.  Tumango siya at ngumiti. “Oo naman, okay lang ako. Nagulat lang at hindi makapaniwala na totoo ang magic dito.” Sabay naman nagsitawanan ang dalawa at inakabyan siya ng mga ito. “Sa mundong ito lang totoo ang magic, Elowin. Sa totoong buhay, hindi.” Magkapanabay na saaad ng mga ito at kinindatan siya. “Okay go go! It’s your time to shine, baby. Show us what you got!” Tinulak siya ni Amber sa unahan. “Pero wala akong magic rod! Saan niyo  ba nakuha iyan at hihingi ako?” Muling nagsitawanan ang dalawa sa kaniyang naging tanong. “Ang funny mo talaga. Kaya nagustuhan ka namin agad ni Amber, right girl?” Tumango naman si Amber at humagikhik. “Right!” “Makakuha ka lang ng magical rod kapag nasa leve 6 ka na.” Biglang nalaglag ang kaniyang  balikat sa nalaman. Level 1 pa lang siya kahit balik-baliktarin niya ang kaniyang sarili sa Znthra, level 1 pa rin ang nakalagay sa kaniya. “Paano iyon?” “You need to kill a monster,” magkapanabay na saad ng dalawa.  “Ha?” napamaang siya. Siya, papatay ng halimaw?! Inisip pa lang niya ‘yong nakita niyang Oso na muntik ng dumali sa kaniyang buhay at ‘yong Paru-paro, tinatakasan na siya ng kulay. Papatay pa kaya? “Hindi kami nagbibiro, Elowin. Bago kami tumuntong sa Level 53 katakot-takot na hirap ang dinanas namin. Buhay rin ang naging puhunan. Marami kang pagdadaanan na quest at monster boss. Mukha lang kaming masayahin ni Amber pero ang totoo niyan, muntikan din kaming namata. Kaya alam namin makakaya mo. Saka, hindi naman nakakatakot ang mga halimaw na una mong papatayin. For example, isang malaking oso o kaya naman isang baboy ramo na lima ang sungay, gano’n bagay!” Napalunok siya nang marinig niya ang bagay na iyon. hindi pa man, parang gusto niya nang tumalikod at tumakbo pero andito na siya. Wala ng atrasan ito. Kailangan niyang labanan ang takot na ito para kay Zach. Para kay Zach Faulkner! “Turuan niyo ako, pakiusap!” Agad na ngumiti nang matamis ang dalawa at tumango. “Game!” BAGSAK ang katawan ni Elowin sa malambot na kama nang pumasok siya sa kaniyang silid. Mas mahirap pala kapag actual training ng spells at magic. Kesa ang magbasa ng libro at napatunayan niya iyon. masakit ang kaniyang kamay at buong likod. Kung anu-ano ang pinagtuturo sa kaniya ng dalawa pero walang reklamo ang narinig ng mga ito sa kaniya, dahil gusto niyang matuto. Gusto niyang lumaban! “Nakakapagod ang araw na ito!”  Parang gusto niyang magpagulong-gulong sa kama at ‘wag bumangon hanggang sa tubuan siya ng ugat at maging kahoy. “I see you’re working your ass out, hmm?” Nagulat siya nang biglang may nagsalita. Mabilis siyang napabangon at napatingin sa pinaggalingan ng boses, agad nagsalubong ang kaniyang kilay nang makita si Casmon na na malokong nakangiti sa kaniya. Nasa balcony ito at matamang nakaupo ito ro’n na parang pagmamay-ari ang kaniyang silid. Inis na bumaba naman siya sa kama at maarteng tinungo ang kinaroroonan nito. Agad siyang nameywang at tinaasan ito ng kilay. Hindi niya nakalimutan ang ginawa nito kagabi sa kaniya nung dinala siya nito sa ibabaw ng puno at pinagloloko. “Naligaw ka yata Mr. Co-Captain?” malditang tanong niya rito.  “Not so,” kampanteng sagot nito at sumulyap sa kaniyang kamay. “Training, huh?” “Paki mo?” asik niya rito. Natawa naman ito sa kaniyang naging sagot. “Viper!” Ngumisi ito. “Kung ayaw mong itulak kita mula rito sa balcony ng silid ko, umalis ka na at ‘wag ako ang pestehin mo Co-Captain!” pinanlakihan niya ito ng mata. Hindi ba nito nararamdaman na ayaw niya itong kausap? “Okay-okay, mainit ang ulo ng isang Elowin. I’m going! Ciao.” Kumindat ito at biglang nawala sa kaniyang harapan. Tanging maliliit na golden glitters lang ang naiwan sa hangin na palantandaan na nawala na ito at paniguradong ginamit nito ang teleport thingy na sinasabi ni Orion. Ilang beses niya munang kinalma ang sarili at saka siya nagtungo sa harap ng salamin. Wala pa rin nagbago, gano’n pa rin ang kaniyang hitsura. Kumikinang pa rin ang kaniyang balat at may tatlong crystal siya sa gilid ng mata kahit matapos siyang patuyuin ni Amber gamit ng magic nito. Nagtataka nga siya kung bakit siya lang ang kumikinang ang balat samantalang normal na kulay lang meron sa dalawang bagong kaibigan. Baka kapag tumaas na ang kaniyang level, baka mag-iiba rin siya ng anyo. “Hi guys,” masayang bungad niya sa dalawa sa kusina na masayang nagbibiruan at nagbabatuhan ng baso. Nagdesisyong siyang mamaya na siya magpahinga. Masyadong maaga pa ang gabi. “Oh Elowin, gutom ka na?” “Ha? Hindi.” Natawa siya. Inisip pala ni Amber na kaya siya bumaba ay nagugutom na siya in which totoo naman pero makakapaghintay ang kaniyang tiyan. Hindi siya napunta rito para kumain nang kumain at magpakamatay. “Alam mo girl, halika. Tuturuan ka namin paano mag-bake ni Amber ng tinapay!” Agad lumapit sa kaniya si Briggy at hinila ang kaniyang kamay.  Napasunod na lang siya sa hila ng babae at pinagmasdan ang ginawa ng dalawa na masayang nagmamasa ng harina. Parang walang mga problema ang mga ito. “Alam mo ba na unang pagdating ko rito, halos hindi ko alam ang gagawin ko. Mabuti na lang at and’yan si Amber at siya ang naging kasama ko at kasabay na sumuong sa panganib hanggang sa nakita kami ni Captain ni Co-Captain sa isang quest, niyaya nila kaming mag-join sa guild para maging Healer nila.” Pagsisimulang kwento ni Brighid. Ngumiti pa ito nang sumulyap sa kaniya. “Para kaming baliw no’n ni Brighid sa unang pasok namin dito.” Tumawa naman si Amber. Tapos na ito sa pagmamasa. Kalahati ng ginagawa nito ay ginagamitan nito ng magic. “Dahil ang totoo niyan, hindi namin gustong pumasok sa Znthra.” Sandaling natigilan ito at napasulyap kay Brighid. Dumaan ang kalungkutan sa mukha nito at hindi nakaligtas iyon kay Amulet. “Kinuha rin kayo tulad ko, ‘di ba? Dinukot din ba?” Siya na ang naglakas ng loob na sabihin ang bagay na iyon. “Ayan! Perfect na para lutuin ito Amber,” pag-iiba ni Briggy at ngumiti sa kaniya. Nakuha naman ang gusto nitong sabihin. Ayaw nitong pag-usapan nila ang bagay na iyon at naiintindihan niya. Kaya nagkasya na lamang siyang pagmasdan ang dalawa na masayang nagluluto at nagkikwento ng kung anu-ano sa kaniya. Tango at tawa lang ang kaniyang naging sagot sa katabilan ng mga ito. Dumeritso siya ng balcony matapos nilang maghapunan sa gabing iyon. tumambay siya roon at pinagmasdan ang kabuuan ng Gudgeon na nagmistulang glow in the dark ang dating. Luminous.  Napasulyap siya sa kalangitan. Walang bituin siyang nakikita at tanging tatlong buwan lang na full moon at dalawang crescent moon na nakaharap sa full moon. Zach…  Napakuyom siya ng kamao. Kung makikita niya ang binata rito, God knows kung anong unang gagawin niya!  Okay, hindi ito ang panahon at oras para isipin siya. Kailangan kong maging malakas at magkaroon ng experienced sa pamamagitan ng pagpatay ng mga halimaw, na imposibleng magagawa ko pero bahala na! Matamang pinakinggan ni Orion ang palitan ng plano ng kaniyang mga kasamahan at bilang kapitan ng Gudgeon, karapatan niyang pakinggan bawat suhestyon ng mga ito kahit meron na si Akuji. Mahalaga sa kaniya ang Pro’s and Con’s ng bawat planong gagawin ng kanilang guild. “Malapit na ang simula ng Guild War. Hindi pa handa ang ang teritoryo natin para sa paparating na away ng bawat teritoryo,” panimula ni Akuji. Nasa gitna sila ng malaking silid kung saan sila nagpupulong lima paharap sa malaking pabilog na mesa na kulay ng kalangitan sa gabi.  “Malayo pa iyon. Apat na black moon muna ang magdadaan at katumbas niyon sa mundong ito ay apat na buwan,” kampanteng sagot ni Casmon at marahang sinimsim ang basong may laman kape. Nakataas ang dalawang paa nito sa ibabaw ng mesa at bagot na bagot sa kanilang pagpupulong. “Ilang buwan na ba tayo rito? Kung tama ang pagkakabilang ko, isang taon at siyam na buwan na ako sa loob ng larong ito at ang apat na buwan ay mabilis. Huwag tayong pakampante,” seryusong saad ni Manolos. Hindi nito ginagalaw ang tsaa na nasa ibabaw ng mesa. “Ibang laro ang gustong mangyari ni Oscarios, iyon ang totoo. ang gusto ng baliw ng taong nasa likod ng larong ito ay ang ipapatay tayo lahat sa loob ng larong ito. Accept it.”  “Alam mo Casmon, kung wala kang matinong sasabihin sa pagpupulong na ito, umalis ka na at hindi ka nakakatulong!” asik ni Tala sa binata.  “I’m waiting you to say that, Tala. Ciao!” Agad itong kumindat at nawala sa kanilang harapan. “That piece of s**t!” napakuyom ng kamao si Tala. Napailing na lamang si Orion at marahang ininom ang tsaa. Tama si Casmon, ibang laro ang gusto ni Oscarios. Malapit na ang guild war at labin-limang teritoryo ang mag-aaway para lang makapasok sa isang panibagong pagsubok kung saan gagawin ang kasunod na ipapagawa ni Oscarios hanggang sa makuha nila ang susi ng totoong mundo. 15 guilds at ang tanging makakalabas sa loob ng Znthra ay isang guild territory lang. Ibig sabihin, kailangan nilang pumatay. Kailangan para sa sarili nilang kalayaan. Tanging pinakamalakas lang sa bawat guild ang pwede lumaban-laban sa ibang guild at sino ang mananalo, makakalagpas at haharap sa pang-ibang pagsubok. Panibagong pagsubok at panibagong myembro ng guild ang sasalang.  Sa bawat guilds, merong 100 minimun members at maximum ang 300. Ang alam lang niyang maraming myembrong guilds ay ang Embers habang ang Gudgeon ang pinakahuling meron maliit na myembro. Dahil ang totoo, hindi niya kailangan ng marami. Ang kailangan niya ay ang malalakas ang loob at matatapang. “Orion, you need to talk him. Casmon must need to participate on this meeting.”  “Okay, let me grab his ass back here.” Tumayo siya at biglang nawala sa harapan ng mga ito. “But I suggest you need to go back on your post now, we’ll talk this tomorrow again.” “Noted.” Sabay-sabay na sagot ng mga ito at nawala sa kaniyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD