Chapter 9

3020 Words
Sa ibabaw ng malaking puno siya nagtungo. Nakatayo lang siya roon at marahang pinag-aralan ang galaw ng hangin at ang deriksyon niyon habang ang tatlong buwan ay matamlay na nakatunghay sa kaniya. “Casmon,” anas niya. Nasa likod niya ang kaibigan. Naramdaman niya ito. “Admit it Orion. We can’t make it. This place has its own entrance and no exit.” “You’re being weak again, Casmon. We’ll defeat this world and you must believe on that.” “And Amulet, what’s your plan about her?” Awtomatikong napalingon siya sa kaibigan. Nakaupo ito sa ere at matamang nakatiningin sa kaniy. Marahan binabasa ang kaniyang reaksyon at sasabihin. “How did you know her name? Did she tell you?” kumunot ang kaniyang noo.    Nagkibit lang ito ng balikat. “What about her? She’s not helpful but yeah, she’s trying hard.” “Elowin has a strong spirit.” Nagkibit siya ng balikat at muling tumingin sa paligid. “Bumalik ka na sa loob, kailangan ka para sa meeting.” Kahit ang totoo, wala na ang officials dahil pinabalik niya sa mga pwesto nito kung saan ang magbantay sa loob at sa labas ng gate. “Ah I hate meeting and stuffs.”  “Palitan mo ang bantay sa panagalawang gate kung ayaw mo.” “Mas gusto ko ‘yan. Ciao!” Hindi na kailangan lumingon ni Orion. Alam niyang iniwan na naman siya ng magaling niyang kaibigan na minsan lang matinong kausap. Natigilan si Amulet nang masulyapan niya si Orion lumitaw sa balcony ng silid nito. Kahit nasa kalayuan ito, nakikita niya ang binatang naglakad at malalim ang iniisip. Aminado siyang gwapo ang binata at babae siya kaya alam niya ang bawat titig ni Tala rito. Ano kaya ang iniisip niya? Hindi kaya siya magagalit kung tatanungin ko siya sa ulit sa labinlimang guilds? Gusto ko lang malaman.  “Elowin ito na ‘yong librong hiniram m—” natigilan si Amber nang makita siya nitong nakatangin kay Orion mula sa balcony. “Crush mo siya ‘no?” Napakunot naman ang kaniyang noo at umiling. “Ah no? bakit?” Natawa naman ito. “Kidding!” Natawa naman siya at tinanggap ang librong binigay nito. Hiniram niya iyon dahil magpapractice siya ngayon gabi. Alam niyang imposibleng makuha niya agad-agad ang gustong makuha pero hindi siya matutulog ngayon gabi. Magsisimula siya sa basic chanting spell at protection kung paano pumatay ng halimaw.  Marami siyang natutunan sa dalawa kanina kahit nakatingin lang siya sa mga ito. Tama si Brighid, magugulat na lang siya sa ibubuga ng kaniyang utak. Plano niya ay kapag tulog na ang dalawa, saka siya pupunta sa field at do’n mag-eensayo. Nasa loob lang iyon ng Gudgeon at hindi siya mahihirapang pupunta ro’n dahil na rin sa mga luminous plant at mga kahoy na nasa paligid. “Okay siya, mauna na ako ha? Kailangan ko pa matulog at maaga kaming aalis bukas ni Brighid sa quest. Iyon nga lang, hindi ka pa namin pwedeng isama. Delikado para sa`yo.  But one day, isasama ka namin.” Ngumiti lang siya at tumango. Naiintindihan niya at hindi siya sasama sa quest na sinasabi nito na hindi siya handa. Kaya mamayang gabi, seryuso na siyang magpapractice. Isang makapal na libro ang hiningi niya kay Amber at doon nakalagay ang kailangan niyang gamitin na chant at magic. Nandoon din sa libro kung anong mga klaseng halimaw ang makakasalamuha niya sa unang level hanggang level 10 at kung paano mapapatumba ang mga iyon. This is it! Walang makakapatigil sa`kin ngayon. Kung kinakailangan ko si Raberoo na gawin tagabantay sa`kin ngayon gabi, gagawin ko ‘yon. Nang makitang tahimik na ang buong kabahayan. Dahan-dahan siyang  pumuslit papuntang hagdanan hanggang sa makalabas siya. Malamig ang simoy ng hangin pero hindi niya ininda ang bagay na iyon.  May limang nakikita siyang nagbabantay at parang nagroronda sa bawat paligid pero hindi siya nahirapan na lusutan ang mga ito. Dahil siguro rin sa kaniyang taas na pangkaraniwang height ng isang filipina. Napahinga siya ng maluwang nang makalayo na siya at binaybay ang daan papuntang field. Wala siyang nakasalubong na bantay at alam niyang ligtas ang buong paligid kaya okay lang. “Hi Raberoo!” mabilis niyang bati sa Tamed Monster na binigay sa kaniya ni Orion. Agad naman siya nitong hinalikan nang makita siya at napangiwi siya ng wala sa oras sa laway nitong dumikit sa kaniyang mukha. “Okay Raberoo, magbantay ka lang sa`kin ha? Kailangan kong mag-practice ng sariling akin at wala kang ibang gagawin kundi ang bantayan lang ako, okay? ‘Wag ka rin umalulong at baka marinig tayo. Ang lakas pa naman ng boses mo. Baka marinig tayo ng bantay kapag nagkataon.” Umungal naman ito bilang sagot na kaniyang tinakpan din agad ang bibig. Pumikit naman ito at hinilig ang ulo na ibig sabihin ay nakuha ang kaniyang sinabi. Ngumiti siya rito at hinaplos ang ulo nito.  Nang masiguradong handa na siya sa gagawing pag-eensayo sa gabing iyon, pumwesto siya sa ilalim ng puno. Nasa tabi lang niya si Raberoo at matamang pinagmamasdan ang kaniyang ginagawa. Kaya ko ito! Kaya ko ito. Kung kaya ng mga taong nandito sa loob ng Znthra, mas lalong kakayanin ko rin. Dapat ko lang tandaan ang mga tinuro ni Amber at Brighid. Pampalakas niya sa sarili at huminga ng malalim.  Natatakot siya na baka mali-mali ang kaniyang gagawin at hindi maayos ang chant na kaniyang gagawin para protektahana ng sarili. But this is it! Isa siyang Healer.  Agad niyang itinaas ang kaniyang kamay sa langit at pinikit ang mata. Nagsimula siyang magsalita ng basic chanting spells para maglabas ng apoy mula sa kaniyang palad. Ang sabi sa kaniya ni Amber, huwag apoy ang kaniyang piliin. Ang una niyang dapat matutunan ay tubig kung paano pero tapos na siya sa ganoon stage kanina. Kaya ngayon, apoy ang kaniyang gustong subukan. Nag-concentrate siya. Pinikit niya ang kaniyang mata ng mariin at tinutok sa lupa saka siya nagsimulang mag-chant ng spell. “Hear me goddess, hear me.  Grant me fire for I need thee. Give me power as I strike thine enemies And vanish them into eternity!” Nang sambitin niya ang mga katagang iyon, naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang kamay at nang magmulat siya ng mata… nakita niyang lumalagablab na apoy at mabilis na tumama sa lupa. Hindi kalakasan pero sapat na para mamangha siya. Biglang napaungol ng malakas si Raberoo pero sinenyasan niya itong okay lang kaya bumalik ito sa pagkakaupo at pinagmamasdan siya sa kaniyang ginagawa. “Ang ganda!” napahanga siya sa apoy na nasa kaniyang kanang kamay. Kapag binuka niya ang kaniyang kamay, lumalabas do’n ang apoy. Kapag kinukuyom niya, nawawala ro’n ang apoy. Pwede kayang ‘wag na akong gumamit ng spell? Meron kaya niyon? Pero ang sabi ni Brighid sa`kin, Mage lang ang pwedeng gumamit no’n. Healer lang ako kaya kailangan ko ang chanting of spells tulad nila. “Firebolt!” Tumama ang apoy sa lupa. “Wow! Ang ganda nito. Astig!” napailing-iling siya. Mukhang hindi siya nito matutulog. Kung pwede lang sana isa siyang Healer Mage.  “Raberoo pagmasdan mo ang gagawin ko, ha?” sumulyap siya sa kaniyang alagang hayop na tinatamad na nakatingin sa kaniya. “Gagawa ako ng firebolt ulit at magluluto tayo ng barbeque kapag nakahuli tayo ng halimaw.” Natawa siya sa sariling kagagahang naisip. Mula sa malayo, nakamasid lang si Orion at naiiling na nakatingin sa babaeng naglalaro ng firebolt sa kamay. Imbes na sitahin ito at tanungin kung ano ang ginagawa nito mag-isa sa  gabing iyon, hinayaan na lamang niya ang dalaga sa ginagawa nito. Alam niyang nag-eensayo ang dalaga. “She’s naïve and weak.” Natawa siya nang magsalita si Maponos sa kaniyang likuran. “Hey,” aniya. “I saw you looking at her. The new healer.” “Yeah. She’s trying her best to live.” Matagal ito bago sumagot. Napatitig ito sa dalaga at umiling-iling. “Still I don’t like that woman.” “Watch her.” Tinuro niya si Amulet na naglalaro ng malaking apoy sa kamay. Natigilan naman si Maponos at napatitig sa dalaga. “What is she doing? Is she’s burning herself down to the groud?” “She’s not. Elowin is practising her magic and skills and look what she got.” Natatawang saad niya habang nakatingin pa rin sa dalagang tuwang-tuwa sa apoy na nasa kamay nito. “A firebolt,” simpleng saad ni Maponos at tumalikod, “I gotta go. I don’t have time stalking behind the bushes.” Natawa siya sa sinabi ni Maponos. Hindi siya nang-stalk kay Amulet kung iyon ang pinapahiwatig nito. Nagkataon lang na papunta siya sa gawing ito at napansin niya ang dalaga kaya hindi na siya nagtuloy pa at pinagmasdan na lang itong nag-eensayo. “Oh look Raberoo!” masayang pinaglaruan ni Amulet sa kamay ang malaking firebolt na nagawa pero agad din niya iyon pinakawalan sa lupa.   Napaatras pa siya at muntikang uminog ang kaniyang mundo. Ang lakas ng tahip ng kaniyang puso! Muntikan siya ro’n, ah. Napalunok siya ng laway at nagseryuso. Wala ng laru-laro at kailangan niyang matuto kahit umangat lang siya papuntang level 6 at magkaroon ng rod. Hindi siya uuwi hangga’t hindi niya mararamdaman na kaya niya ng pumatay ng halimaw! Kailangan niyang mag-upgrade. Kailangan niyang pumatay ng halimaw para makawala siya sa lugar na ito. Kailangan! Mula sa dalawang oras na pag-eensayo at pag-chant ng mga spells, sandali siyang nagpahinga sa ilalim ng puno na parang glow in the dark ang dating. Ngayon pa man, paborito niya ang malawak na field na iyon. hindi pa lang niya natanong kay Amber kung anong pangalan sa field na kaniyang kinahihigaan at pinag-praktisan ngayon. Hapung-hapo siya. pakiramdam ni Amulet nanghihina siya. Naubos niya yata ang kaniyang enerhiya sa pag-eensayo at pag-ulit nang ulit hanggang sa magawa niya. Ganito pala ang feeling na may kapangyarihan sa mundong ito, nakakatuwa na nakakatakot. “Raberoo, sa tingin mo makakauwi pa kaya ako? Makikita ko pa kaya ang pamilya ko?” tumingin siya kay Raberoo na nakadapa sa kaniyang tabi at matamang nakamasid sa kaniya na parang binabantayan siya. “Si Zach, makikita ko ba siya rito? May pagkakataon ba na makita ko siya?” Tiningnan lang siya ng hayop at napangiti siya sa naging tingin nito sa kaniya. Kung nakakapagsalita lang ito, sasabihin nito nababaliw na siya. Ha?! Napasinghap siya. Bigla siyang napabangon mula sa pagkakahiga. Mula sa kalayuan, may nakita siyang puting kuneho na tumalon-talon sa damuhan. Agad siyang tumayo at sinundan ito. Mahilig siya sa mga bunny at baka pwede niya rin itong gawin alaga tulad kay Raberoo. “Stay here, Raberoo. Kukunin ko lang ang kuneho, ha?” Tinakbo niya ang kinaroroonan ng puting kuneho at hinabol ito. Nang makita naman siya nito ay tumakbo ito papalayo. Natakot yata sa kaniyang presinsya. “Bunny wait!” Nawala ito. Pumasok na ito sa loob ng kagubatan papalabas. Ang sabi ni Amber, ang kagubatan ay  hindi na sakop ng Gudgeon kaya kung gusto niyang safe at secured ang kaniyang buhay, manatili siya sa loob ng Gudgeon para sa sariling kaligtasan. “Ayan siya!” napangiti siya nang gumalaw-galaw ang matataas ng damuhan at lumabas do’n ang isang kunehong hinahabol niya. Akala niya pumasok na ito ng tuluyan sa kagubatan? “Hey little fella, are you lost? Come here, let’s be friend!” masayang saad niya at lumuhod para hindi matakot ang kuneho sa kaniyang presinsya. Dahan-dahan naman lumapit sa kaniya ang hayop pero kasunod no’n ay nagulat siya nang biglang lumaki ito at lagpas sa tangkad niya ang taas! Bigla siyang napaatras. Naulit iyon nakita niyang Oso na pulang-pula ang mata at ganito ang kunehong nag-iba ang hitsura sa kaniyang mata. Hindi na ito cute! Isa itong kunehong halimaw!  Nang akmang dudumugin na siya nito, bigla niyang itinaas ang kamay sa deriksyo nito bago pa nakalapit si Raberoo para daluhan siya. “Firebolt!”  Nagulat siya nang biglang lumabas iyong sa kaniyang kamay at deritsong tumama iyon sa kunehong halimaw na hindi niya alam ang pangalan. Napatingin siya sa kaniyang kamay at gulat na napatitig doon.  Paano nangyari iyon? Hindi ako nag-chant ng spell bago ko pinakawalan ang firebolt na iyon? Napuno siya ng katanungan ng mga sandaling iyon habang nakatitig sa kaniyang kamay. Nahimasmasan lang si Amulet nang umungol si Raberoo at galit na galit sa kaniyang tabi at hinihintay ang halimaw na susugod sa kaniya ulit. Napatingin siya sa kuneho, doon lang niya napansin na natamaan ito sa tiyan at namimilipit ito sa sakit habang nagbabaga lalo ang matang nakatingin sa kaniya. Sa taas nito, lumitaw ang Health Points o HP. Kulay pula ito at nag-wawarning ito sa uluhan ng halimaw na critical. Isa itong table top na nag-determine ng bawat manlalaro o kaaway kung gaano kalaking damaged ang nasira ng kalaban. Kapag naubos ang health points ng halimaw na nasa kaniyang harapan, panalo siya! “Firebolt!” Inulit niya ang pag-igkas ng kamay at mula roon lumabas ang apoy. Tumama iyon sa ulo ng kunehong halimaw at natumba ito! “Yes!” napasigaw siya sa sobrang tuwa nang sumabay sa hangin ang katawan nito at naglaho.  Agad niyang niyakap si Raberoo na umiiling-iling lang sa kaniyang tabi. Pati si Raberoo parang totoong totoo na hayop. Sana meron ganitong hayop sa totoong mundo! “Nakita mo ‘yon, ha, Raberoo? Nakapatay ako  ng halimaw. Nakapatay ako! Kaya ko na rin tumawag ng firebolt na hindi nagcha-chant ng spells.” Humagikhik siya. “Pero secret lang natin ‘yon, ha? Ang sabi ni Amber, dahil isa akong Healer, kailangan ko ng spell kapag aatake sa kalaban.” Bumitaw siya sa pagkakayakap dito at tinakbo ang punong nakatayo sa may kalayuan. Mabilis siyang umupo ro’n. Gano’n pala ang pakiramdam kapag nakapatay ng isang halimaw sa mundong ito. Agad niyang pinisil ang kaniyang braso at lumabas do’n ang isang hologram. Napatitig siya ro’n at pinagmasdan ang kaniyang level. Napangiti siya, alam niyang ilang araw lang at lilipat siya sa level 2. Siya ang pinakamahina sa Gudgeon pero pasaan ba at magiging matapang at malakas siya balang-araw. Kailangan lang niya mag-practice at mag-training hanggang sa isama siya ni Brighid at Amber sa quest na sinasabi nito. Agad siyang humiga sa katawan ni Raberoo nang makalapit ito sa kaniya. May koneksyon sila sa isa’t isa ng tamed monster na binigay sa kaniya ni Orion at nagpapasalamat siya rito na binigyan siya nito ng ganitong regalo. Pinagmasdan niya ang kalangitan na may tatlong buwan na nakatunghay sa kaniya. Maganda iyon at parang gusto niyang matulog do’n mismo sa tabi ni Raberoo. Napangiti siya at muling pinagmasdan ang kaniyang kamay. May achievement siyang nagawa ngayon araw. Hindi siya makapaghintay na ikwento iyon sa dalawang kasamahang Healer. Nagpasya siyang ipikit ang mata at muling binalikan sa alaala ang masayang sandali nila ni Zach na magkasama. Mapait siyang ngumiti nang maalala ang masasayang ngiti ng binata at masasayang ngiti nito. Habang si Orion ay napailing nang pagmasdan niya ang dalagang alam niyang mahimbing ng natutulog, katabi ang tamed monster na kaniyang binigay rito. Walang ingay na tumalon siya mula sa sangang kinauupuan niya kanina.  Nakamasid lang siya kay Amulet na nag-eensayo at nakita niya kung paano nito dahan-dahan hinarap ang takot na nasa katawan. Nakita niyang nagsusumikap itong mamuhay sa loob ng Znthra. Napabuntunghinga siya nang makitang mahimbing na itong natutulog. Sinenyasan niya ang si Raberoo na ‘wag maingay at naiintindihan naman ito ng hayop. Bumalik ito sa pagkakahiga at matamang nakatingin sa kaniya. “Tsk. Hindi ka pwede rito matulog sa labas.”  Nagpasya si Orion na buhatin ang dalaga at hinid nag-react si Raberoo sa kaniyang ginawa. Hanggang sa mabuhat niya si Amulet wala pa rin reaksyon dito, marahil napagod ito sa pag-eensayo.  Ito ang isa sa malupit na katotohanan sa mundong ito, normal na makaramdam ng gutom at pagod pero hindi ang tawagin ng kalikasan. Convenient naman iyon para sa kanilang lahat.  “Raberoo, follow me.” Umungol ang hayop at sumunod sa kaniya nang humakbang siya. Sa ikalimang hakbang na kaniyang ginawa, nasa silid na siya ni Amulet. Dahan-dahan niyang inihiga sa may kalambutan kama ang babae at inayos ang unan nito sa ulo. “Z-zach…” sandaling hinawakan nito ang kaniyang kamay. Nanatiling nakapikit pa rin ang mata nito. “Zach p-please don’t go away.” Hindi siya kumibo nang marinig ang binanggit nitong pangalan. nanatili siyang nakatayo sa tabi ng dalaga habang hawak ang kaniyang kamay at pumipigil sa kaniya. “I love you…” mahinang anas nito. Maingat niyang tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. Bahagya siyang napailing at nagpasyang tumalikod. May quest pa sila kasama si Tala kaya kailangan niyang magpahinga na rin. Isang sulyap muna ang kaniyang binigay kay Amulet saka tuluyan naglaho sa silid nito. “I saw that.” Nanunudyo ang matang anas ni Casmon nang maglakad siya papunta sa kaniyang silid. Magkatabi lang sila ng silid ng lalaki. Lahat ng limang official ay sa iisang bahay lang nakatira, kasama na ro’n si Tala. “You are supposed to be in the guard post.” “Wew! Change topic.” Kangising bwelta nito na tiningnan lang niya ng kaswal ang kaibigan. Ganito na si Casmon, kaya siguro magkaibigan silang dalawa dahil sa magkaiba nilang ugali. Hindi niya ito pinansin, nagtuloy-tuloy lang siya papunta sa kaniyang silid. “Paalala lang kaibigan kong kapitan ng Gudgeon, bawal ang ma-inlove sa mundong ito. Alam mo ang patakaran.” Napabuntunghinga siya ng wala sa oras. Wala sa ayos na naman ang pinagsasabi ni Casmon at kung anu-ano ang naiisip. Sinong nagsasabi na magmaahal siya sa mundong ito? Isa lang ang nasa utak niya at iyon ay ang makawala sila ro’n sa Znthra. May girlfriend siyang naghihintay sa kaniya sa totoong mundo na hindi alam ni Casmon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD