Chapter 10

2367 Words
Nasa harap ng malaki at malawak na lawa si Zach nang mga oras na iyon. Walang ekspresyon na pinagmamasdan niya mula sa tubig ang repleksyon ng tatlong buwan. Dalawang buwan, dalawang simula nang pumasok siya sa larong ito. Isa sa sa kaniyang misyon ay ang hanapin ang Exitus ng Znthra at pakawalan ang mga taong nasa loob kasama na ang kaniyang matalik na kaibigan at fraternal twin na dalawang taon ng nawawala.  Matagal niya itong sinubaybayan ang Znthra, isa itong laro na ginawa mismo ni Oscarioss. Isang larong illegal na balak nitong ilabas sa masa sa susunod na taon at kokontrolin ang mga tao. Target ni Oscarios, nasa edad 15 hanggang 28 ang ipapasok lang nito sa larong virtual reality.  Sa loob ng dalawang buwan niya rito, marami siyang natutunan pero hindi niya nahanap ang kaniyang matalik na kaibigan at ang kaniyang kambal. Dalawang guilds pa lang ang kaniyang napupuntahan at wala sa dalawang guilds si Zaydan o si Carver. Nasa 2,999 na kabataan mula 15 hanggang 28 ang edad ang nawala sa magkaibang lugar noong taon 2038-2039. Walang nagawa ang media at nasa gobyerno. Parang bulang nagsilaho ang mga ito. Ang iba, inisip na napunta sa ibang dimensyon. Ang iba, inisip na binenta sa Black Market.  Lumipas na lang ang isang taon, walang nangyari. Walang sagot mula sa nakakataas. Pinabayaan ng panahon. Walang naghanap sa mga kabataang nawala. Nagbulagan ang gobyerno at hinayaan na limutin ang nangyari pero siya hindi. Gumawa siya nang kaniyang sariling hakbang mag-isa. Si Zaydan na lang ang tanging pamilyang meron sa kaniya at hindi niya hahayaan pati ito ay mawala. Fraternal twins sila ni Zaydan at patay na ang kanilang ina at ama sa isang operasyon. Parehong FBI agent ang kanilang magulang. Ngayon, sumunod siya sa apak nito. Isa siyang mechatronical engineer at isa rin siyang undercover agent ng FBI. Tanging nag-iba lang ng landas ay ang kaniyang kakambal na mas pinili maging Doctor. Pero ngayon nandito siya sa loob, saktong nasa 3,000 na katao na silang nasa loob ng Znthra. Siya ang gagawa ng hakbang para mahanap ang dalawang taong importante sa kaniya kahit isang malaking kabobohan ang kaniyang ginawang pagpasok sa Znthra.  Sinadya niyang i-hack ang account ni Oscarioss at nag-iwan dito ng ng trace na alam niyang ikakatrigger ng ulo ng matanda. Sa kaniyang ginawa, kinuha siya nito at dinala ng mga tauhan nito sa isang tagong laboratory at doon niya nakita ang maraming kabataan na nawala. Walang malay at may mga suot na Nerve Gear ang bawat ulo at transmitting device. Puro puti ang suot ng mga ito at nasa loob ng isang high tech Cryo Chamber  at may apat na apparatus na nakakabit sa katawan.  Nagwagi ang kaniyang plano. Iyon naman talaga ang kaniyang gusto, ang kunin nito at gawing manlalaro. Alam niya na ang uri ng laro, hinack niya mismo ang system at nakuha ang ilan sa impormasyon kung anong klaseng mundo ang Znthra at kung gaano ito kaganda at kadelikado.  Bago siya dinakip ng mga tauhan nito, nagpaalam siya kay Amulet nang isang salitang ‘Good bye’ kahit alam niyang hindi makatarungan iyon sa parte ng dalaga. Mahal na mahal niya ito at balak niyang pakasalan si Amulet kahit 21 pa lang ito at siya ay 22. Mahal niya ang dalaga pero may laban siyang dapat unahin at alam niyang maiintindihan siya nito. Nasabi na rin niya rito at naikwento ang mundong Znthra kaya kahit alam niyang nasaktan ang dalaga sa kaniyang naging desisyon, pinilit niyang putulin ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng isang mensahe kahit masakit iyon sa kaniyang parte. Babalik siya balang-araw, iyon nga lang kung handa pa si Amulet na tanggapin ang kaniyang pag-ibig. Babalik siya pagkatapos niyang mailabas si Zaydan at si Carver. Hindi lang ang dalawa, kundi pati na ang lahat. “Amulet…” malungkot siyang napabuntunghinga at napakuyom ng kamao nang sambitin niya ang pangalan nito.  “Hey, can’t sleep?” Napalingon siya. Nakita niya si Akaara, isa itong Huntress at isa sa tumulong sa kaniya na makapasok sa Embers. Isa siyang baguhan pero siya na ang bagong tumayong Captain nang mamatay sa Quest ang kanilang leader. Isang suicide mission ang ginawa nito nang mag-isa itong sumugod sa dungeon boss.  Sa ngayon nasa Level  70 siya pero wala pa rin siyang lead kung nasaan si Zaydan at Carver. “Yeah, and you?” “Same,” nagkibit ito ng balikat at tumabi ng upo sa kaniya, “Nakita mo na ba ang kapatid mo?” Ngumiti siya. Magaan ang kaniyang loob kay Akaara, tinuring niya itong malapit na kaibigan at isa ito sa official. Ito ang Co-Captain ng Embers.  “No lead.” Napabuntunghinga naman ito sa kaniyang sinabi. “Malapit na ang guild war,” anito na sinundan ang kaniyang tinitingnan lawa. “Handa na ang lahat ng Embers para sa paparating na guild war. Pero naawa ako sa mga buhay na mawawala sa araw na iyan.” “We could stop the war, Akaara. Hindi natin kailangan makipag-away sa mundong ito sa kapwa natin priso na nandito sa loob. Lahat tayo ay gustong makawala at makabalik sa reyalidad.” Malungkot itong lumingon sa kaniya, “How I wish na ganiyan lang kadali lahat. Isang taon na ako rito at sa announcement na pinadala ni Oscarioss apat na buwan na ang nakalipas, mangyayari ang guild war sa ayaw at sa gusto natin.” Tumaas ang kanang sulok ng kaniyang labi at matiim na tiningnan ang repleksyon ng buwan sa tahimik na lawak. Alam niya ang bagay na iyon pero hindi niya pahihintulutan mangyayari ang  guild war na gusto ni Oscarios. Ilalabas niya lahat ng mga taong nasa loob ng Znthra. “Archer…” “I won’t let Oscarios win, Akaara. I’ll defeat him no matter what.” “Paano? Pagkatapos ng guild war, pitong guild territory lang ang pwedeng makakapasok sa panibagong quest.” Humarap siya sa dalaga at ngumiti rito. “Rest now. Akaara. We have a party tomorrow.” “Yeah, a quest.” Huminga ito ng malalim at nagpaalam na sa kaniya. Sinundan lang niya ito ng tingin at saka siya nagpasyang tumayo para magpahinga kahit ang totoo, walang pahinga ang kaniyang utak. “I’m sorry Amulet...” pinilig niya ang kaniyang ulo nang lumitaw ang malungkot nitong mga mata na parang handang iiyak. “I don’t want them to hurt you as well. Mas gugustuhin kong ganito ang mangyari sa`tin kesa ang kunin ka rin ni Oscarios sa`kin.” - NAGTAKA si Amulet kinabukasan nang magising siyang nasa ibabaw ng kaniyang kama na siya nakahiga at nasa sahig si Raberoo, natutulog. “Raberoo!” Nagmulat ng mata ang hayop at deritsa siya nitong tiningnan.  “Sorry ginising kita.” Ngumiwi siya. Sa mukha ni Raberoo, para siya nitong susunggaban ng buhay. “Sino ang naghatid sa`kin dito, ikaw ba?” Tiningnan lang siya nito nang isang segundo at muling bumalik sa pagkakatulog. Napakamot na lang siya sa ulo at walang magawa kundi ang bumaba sa kama at magsimulang maggayak. Walang orasan sa loob ng bahay na iyon kaya kinailangan niyang tumakbo at magtungo sa bintana.  “Magandang umaga!” Si Elfina ang maagang bumungad sa kaniya. May bulaklak itong binigay sa kaniya at bago pa siya nakapagpasalamat, lumipad na ito papalayo kasama ang mga kasamahang Elfin. Nahuli yata ang gising ko. Alas-otso na ayon na rin sa sinag ng araw. Agad siyang tumakbo papunta sa harap ng salamin at nakuhang pagmasdan ang sarili. Para siyang batang hamog sa kaniyang buhok at damit na marumi.  Natawa siya sa kaniyang repleksyon na nakita. Kahit nasa isang laro siya, para pa rin totoo ang lahat. Isa sa tinuro sa kaniya ni Brighid, ang mag-cast ng spell para sa sarili para manatili siyang malinis at fresh like baby. Hindi na kailangan maligo dahil isang chant lang, instant nakaligo at fresh na sila. Agad niyang pinikit ang kaniyang mata sa harap ng malaking salamina at nag-chant ng cleansing spell. Pagmulat niya ng mata, nakaayos na ang kaniyang buhok at puting-puti na ulit ang kaniyang damit. Mabilis niyang tinakbo ang hagdanan at do’n niya nakita si Brighid at Amber sa kusina na masayang nagbabatuhan ng mga plato at baso, gamit ng mga rod  ng mga ‘to. “Hi, good morning!” “Good morning din!” panabay na saad ng dalawa at nagsitigil na sa paglalaro ng batuhan. Mabilis na umupo ang mga ito sa mesa kung saan nakahanda na ro’n ang tinapay at gatas. “Today is a quest day! Kaya aalis kami kasama si Captain. Iiwan ka muna namin, Elowin. Okay lang ba sa`yo?” Si Amber ang mabilis na nagsalita. Masiglang nakangiti ito sa kaniya. “Oo naman. Mag-practice ako rito kaya no worries.” “Yeah tama ‘yan.” Si Brighid na mabilis sinubo ang isang tinapay. “At ikaw ha, saan ka galing kagabi? Muntikan kaming mamatay ni Brighid kagabi sa sobrang kilig! Nakita ka namin. Yiehhhh!” Sabay na naghalakhakan ang mga ito at binato siya ng ubas mula sa kung saan at hindi niya alam saan galing. Anong kilig at nakitang pinagsasabing mga ito? “Si Captain. Alam mo bang pangku-pangko ka niya kagabi? OMG!” sabay na naghiyawan ang mga ito at muli siyang binato ng ubas. Awtomatiko siyang naging tuod sa sinabi ng dalawa na kilig na kilig pa. hindi ma-process ng kaniyang utak ang pinagsasabi ng mga ito. Tuluyan lang siyang nakapag-isip ng maayos nang tumayo na ang mga ito at nagpaalam na sa kaniya. Aalis na ang mga ito. “Briggy! Amber, wait!” mabilis siyang napalingon pero wala na ang mga ito.  Si Orion ang naghatid sa`kin?  Napabuntunghinga siya nang wala sa oras. Hindi niya kasi akalain na pinangko siya nito at inihatid pa sa Healer House kung pwede naman siya nitong hayaan matulog na kasama si Raberoo sa field. Matapos siyang kumain ng tinapay at uminom ng gatas. Tinawag niya si Raberoo na alam niyang may pagkatamad. Agad niyang pininsil ang kaniyang braso at nung lumabas ang hologram, binalik niya ang kaniyang tamed monster sa loob. Matulog muna ito. Sa araw na iyon, nagpasya siyang bumalik sa field at doon nag-ensayo ulit. Tama si Brighid, magugulat na lamang siya sa kaniyang sarili na kaya niya pala magmemorya ng maraming spells. Inisip na lamang niya na dahil wala siya sa totoong mundo kaya gano’n. kaya mabilis sa kaniyang isaulo ang bawat spells na nababasa niya sa libro. Ang goal niya sa araw na iyon, ay ang pumatay ng halimaw. May napatay na siya kagabi at siya na yata ang pinakamasaya sa unang pinatay niya kahit ‘di man lang umusog ang kaniyang level.  “Okay, level 6 lang para sa rod na kailangan ko!” huminga siya ng malalim at muling nag-ensayo. “Ikaw ‘yong bago?” Nagulat si Amulet nang biglang may nagsalita sa kaniyang likuran. Isa itong batang lalaki na sa tingin niya ay nasa 15 years old pa lang at kung ‘di siya nagkakamali, isa itong japanese. “Yeah, marunong kang magsalita ng tagalog?” Natawa naman ito sa kaniyang naging tanong. Tinuro nito ang braso at nakuha niya ang gusto nitong sabihin. Ang Znthra. Nakalimutan na naman niya na lahat pala ng lenggwahe ay posible sa sa Znthra, na kahit siya, kaya niyang magsalita ng sampung lenggwahe bawat segundo. “Wala kayong quest?” tanong niya rito at sandaling sumandal sa malaking  punongkahoy. Kanina pa siya nag-eensayo at paubos na ang kaniyang enerhiya sa pagcha-chant. “Hindi ako pinayagan ng kuya ko.” Napakunot ang kaniyang noo at bahagya siyang napaunat ng likod. “Kuya?” “Si Akuji, kuya at kapatid ko siya sa totoong mundo.” Sandali siyang natigilan sa nalaman. Matagal siyang napatitig sa batang nasa kaniyang harapanan. “Anong pangalan mo?” “Kiyu.” Napatango siya. Gusto niyang tanungin kung bakit at paano napunta ito sa Znthra pero mas pinili niyang manahimik. Wala siya sa posisyong magtanong sa batang nasa kaniyang harapan. “Bakit naman ayaw ka niyang payagan?”  Napakamot ito sa ulo at umupo sa kaniyang tabi, mga kalahating metro ang layo. “Walang magbabantay sa territory.” Napangiti naman siya sa sinabi nito. Sa bata nitong edad, alam na nito ang salitang responsabilidad. “Ilan ba mostly ang pumupunta sa Quest?” “Bakit?” balik tanong nito. “Gusto kong sumama.”  Napangiwi ito sa kaniyang sinabi at napakamot ng ulo. “Hindi pa pwede, mamatay ka ro’n sa loob. Kailangan mo munang mag-ipon ng experienced at mag-upgrade ng level.” Siya naman ang napangiwi sa sinabi ni Kiyu. Ito nga ang kaniyang  ginagawa kaya siya nag-eensayo. “May napatay ka na bang halimaw?” Natawa siya sa paraan ng pagtanong ni Kiyu. Para itong matanda na nakikipag-usap sa kaniya. “Tawagin mo muna akong ate Elowin.” Tiningnan lang siya nito at umilling. “Bawal dito ang tumawag ng ate or kuya. First base ng pangalan ang tawagan dito lahat.” Tama, naalala niyang sinabi iyon ni Amber. Pero bakit si Briggy at Amber, captain ang tawag kay Orion? Pinilig niya ang ulo at ngumiti sa batang kaharap.  “Mag-eensayo pa ako, mamaya na ulit tayo mag-usap ha?” Tumango naman ito at tumayo sa kinauupuan. “Gusto mo bang pumatay ng mga halimaw? Wala sila kuya at si Orion. Pwede tayong lumabas ng Gudgeon.” Ngumiti lang siya sa offer ni Kiyu. Ngayon pa lang, ramdam niyang magkakasundo sila agad nito. “Huwag muna sa ngayon. Baka bukas pwede na. Ngayon kailangan ko munang mag-practice Kiyu at baka imbes na ang halimaw ang patayin ko, ako ang napatay.” Natawa ito sa kaniyang sinabi at halos nawala ang singkit nitong mata. “Sige, bukas. Babalik ako rito. Sayonara!” kumaway ito at nawala sa kaniyang paningin.  Inisip niya, isa itong Hunter ayon na rin sa suot nito at sa bow and arrow na nasa likod. Not bad, bagay kay Kiyu ang napili nitong Class. Binaling niya ang kaniyang tingin sa tattoo na nasa kaniyang kamay. Hinanap niya ito sa librong pinahiram sa kaniya ni Amber kung bakit iba ang nakaukit sa kaniya pero wala kahit sa libro. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD