Chapter 11

3013 Words
Bawat classes ay mga guhit na nakaukit sa bawat kanang pulsuhan. Ang alam niya, limang classes ang meron sa Znthra: Hunter, Warrior, Healer, Rogue, Mystic. Bawat classes ay may kaniya-kaniyang skills.  “Raberoo,” mahinang tawag niya sa kaniyang tamed monster nang palabasin niya ito. Agad itong naglambing sa kaniya at nag-unat ng likod. Iisipin na talaga niyang isa itong malaking pusa.  “Labas tayo?” Tiningnan siya nito na parang nakukuha ang kaniyang sinabi. Ngumiti naman siya at pinisil ang kaniyang braso. Lumabas ang hologram at tiningnan niya ang mapa ng buong Znthra. Malaki ang Znthra at nakikita niya ro’n sa mapa ang bawat pangalan ng mga guilds. Tinuro niya ang Gudgeon at lumabas ito sa screen. Ang nakakaganda lang sa mapang nakikita niya, hindi nakikita ang kanilang lokasyon ng bawat isa. Agad niyang pinindot ang lugar sa hologram, lumabas ito sa screen.  Hinawi niya ito papunta sa kabila at tiningnan niya kung hanggang saan ang teritoryo ng Gudgeon.  “1 miles,” napabulong siya sa sarili, “Malayo pero baka pwede akong ihatid ni Raberoo.” Napabaling ang kaniyang tingin dito at napangiti. “Tama! Raberoo, let’s go. Sa labas ng Gudgeon tayo mag-ensayo.” Lumarawan ang excitement sa mata nito at umungal bilang tugon. Kahit papaano, masaya siya na kasama niya lagi si Raberoo. Hindi niya naramdaman mag-isa siya. Mabilis silang nakapuslit ni Raberoo habang sakay siya sa likod nito. Muntik pa siyang mahulog kung hindi siya agad nakahawak sa makapal nitong balahibo. Huminga muna siya ng malalim nang makalabas sila ng tuluyan. Naalala niyang sa loob ng kagubatan siya dinagit nung isang malaking paru-paro na halimaw. Hanggang ngayon palaisipan pa rin kay Amulet kung paano siya nakatakas at nakalayo sa mga panahong ‘yon. Dahil na rin siguro litung-lito siya o ano. ‘Wag na nga iyon ang kaniyang isipin! Agad niyang tinapik ang ulo ng kaniyang tamed monster at nagsimulang maglakad. Malalaki at malalagong dahon ang kaniyang nakikita. Isali na rin ang malalaking punong-kahoy. Literal na kagubatan ito. Tiningnan niya ang kaniyang dalawang kamay at marahang kiniskis iyon. Ngayon niya naramdaman na malamig ang paligid. Inisip niya, dahil siguro sa malalagong mga dahon at matataas na puno kaya nahirapan ang araw na sumilip sa kaniyang kinanatayuan. Nagsimula siyang mag-chant ng spells para protektahan ang sarili. Hindi man iyon kalakasan spell pero sapat na iyon para hindi siya agad susugurin ng mga halimaw na makakita sa kaniya. “Raberoo!” tawag niya sa alaga. Sumunod sa kaniya ito habang ang teynga ay naghugis tulis na parang pinapakinggan nito ang kapaligiran. Agad itong humarang sa kaniyang daraanan na parang pinoprotektahan siya. Umungal ito na parang may nakitang hayop o halimaw na hindi niya nakikita. “Anong nakikita mo?” medyo kinabahan siya sa paraan ng pagtitig nito sa isang kahoy sa may kalayuan. Malaking kahoy iyon at maraming mga nakapulupot na mga luminous plant. “Here Raberoo.” Hinaplos niya ang ulo nito pero mas lalong naging agresibo ito. Nanatiling nakatitig ang mga mata nitong kulay buwan sa iisang deriksyon, ang puno.  Doon na siya kinabahan. May nakikita nga ito na hindi niya nakikita. Lihim siyang napalunok at huminga ng malalim. Hindi siya pwedeng matakot. Kaya siya pumuslit at nagpunta rito dahil gusto niyang pumatay ng halimaw at para tumaas ang kaniyang EXP. Nag-focus siya at nagsimulang mag-chant ng panibagong spell. Firebolt, iyon ang mas kaya niyang gawin. Sunod-sunod siyang napalunok ng laway nang mas lalong lumakas ang ungol ni Raberoo at handa itong lumapa ng taong buhay sa hitsura nito. Mas humaba ang pangil nito at naging dugo ang mga matang matalin na nakatingin sa kahoy. Sandali niyang pinikit ang kaniyang mata at nang imulat na iyon, doon niya nakita ang isang malaking ahas na nakulupot sa isang malaking kahoy at ang katawan nito ay ang mga halaman. Ang ulo nito ay nasa ibabaw ng puno at nakaumang ang bibig nitong isang metro ang haba at ang dalawang pangil nito, tumutulo ro’n ang venom na paniguradong nakakalason din. Para itong chameleon na nag-camouflage sa isang tabi para hindi mapansin ng kaaway pero iba sa kaniyang sitwasyon. Ito ang nag-camouflage para makabiktima ito ng tulad niya. “Raberoo no!” mabilis niyang hinarangan ang hayop na binigay sa kaniya ni Orion at nagpaulan ng firebolt sa ulo ng heganteng ahas. Alam niyang halimaw rin ito ayon na rin sa kulay ng mata nitong kulay dugo! Malakas na humiyaw ang ahas at masakit sa teynga ang ingay na pinakawalan nito. Nasaktan ito sa firebolt na kaniyang binigay! Nakaramdam siya ng kasiyahan kahit papaano pero hindi niya napaghandaan ang pag-igkas ng buntot nito sa hangin. Kung hindi naging madali si Raberoo, malamang lumipad na siya sa malayo. Dalawa ang buntot ng ahas at pasalamat siya na walang ulo ang mga buntot nito kundi mahihirapan siya. Inisip niya, mga simpleng halimaw lang ang kaniyang kakalabanin tulad nung isang kuneho. Mukhang nagkamali yata siya.  “Firebolt!” muli niyang inigkas ang kamay at natamaaan ahas sa ulo.  Humiyaw ito at akmang kakagatin siya nito pero mabilis siyang nakaiwas. Muntik siyang nadali kung hindi lang naging mabilis ang kaniyang katawan na parang may sariling isip. Napatingin siya sa ahas, ang Health Bar nito ay nasa critical level na. Napatanga siya saglit sa bagay na iyon at sandaling pinakiramdaman ang sarili. Bakit ang bilis niya yatang gumalaw ngayon? Medyo nanibago siya sa reyalisasyon na iyon. Bumalik lang ang kaniyang diwa nang humiyaw si Raberoo. Nagulat siya nang makitang nakapulupot ang katawan ng ahas sa kaniyang alaga. “Rabi no!”  Awtomatikong napatakbo siya papalapit sa ahas at iniiwasan ang bunganga nitong handang-handa ng lumapa sa kaniya. Nag-iipon siya ng apoy para sunugin ang bunganga nito at para bitawan ang kawawang Raberoo niya. “Stay there Rabi! Papatayin ko lang ang halimaw na ‘to!” At bigla niyang inigkas ang kamay sa bunganga ng ahas nang akmang lalapa sa kaniya. “Mamatay ka na! Mamatay ka.” Biglang nangisay ang ahas nang palunukin niya ito ng apoy mula sa kaniyang kamay. Nabitawan nito si Raberoo na agad niyang nilapitan. Napansin niyang may sugat ito pero hindi gaano kalaki. “Come here, girl.” Hinaplos niya ang ulo nito. Gumalaw ang teynga nito at dahan-dahan nagbalik ang mata nitong kulay dugo sa kulay buwan. Nag-chant din siya ng healing spell para mawala ang sugat nito. “I’m sorry, napahamak ka.” Napalingon siya sa ahas. Dahan-dahan nilipad ng hangin ang katawan nitong naghugis polygonal pieces at nawala.  Agad niyang pinisil ang kanang braso at nakita niya sa hologram na may drop item ang ahas na kaniyang pinatay. Isa iyon antidote na nasa pulang botelya at itim na singsing na ahas ang desinyo. Napakunot lang ang kaniyang noo sa items na nakuha pero gumuhit ang saya sa kaniyang mukha nang makitang may naipon siyang 30 gold coins! Napangiti siya at mahigpit na niyakap si Raberoo. Malaking halaga na iyon sa kaniya! Ganito pala ang feeling kapag may naipon ng coins. Tiningan niya ang kaniyang level, mas lalo siyang napangiti nang makitang nasa level 2 na siya! “Rabi, level 2 na tayo. Konting push na lang at makakuha rin tayo ng apprentice rod na gagamitin natin.” Tumango lang si Raberoo at naglambing sa kaniyang paananan. Ipupusta niya talagang pusa ito si Rabi. Kulang na lang dito ay ngumiyaw at pusa na talaga. Mayamaya pa ay niyaya niya na ang kaniyang tamed monster na bumalik na sila sa Gudgeon, bukas ulit, at papasok sila rito sa kagubatan para pumatay ng mga halimaw at tumaas ang kaniyang EXP. Habang sa kalayuan, mula sa mataas na kahoy… napangiti ang lalaking nanonood kay Amulet. Napailing-iling ito at masayang nakita na nag-improve ang kakayahan ng dalaga. - Napasunod ang tingin ni Zach kay Akaara nang mauna itong maglakad papalabas sa loob ng Quest. Kakatapos lang ng kanilang Quest at galit ito sa kaniya. “Akaara,” tawag niya sa pangalan ng dalaga.  Hindi ito lumingon. Naghihintay ito ng kaniyang sasabihin. “Are you mad at me?” “And why would I?” balik tanong nito at lumingon sa kaniya.  Napabuntunghinga siya at hindi na muling nagtanong. Wala siyang panahon para alalahanin ang galit nito. Ang mahalaga sa kaniya ay ang planong hindi matutulo ang guild war na gustong mangyari ni Oscarios. Malakas ang naging kalaban nilang monster boss sa quest na kanilang pintuan at kung wala siya sa likuran ng dalaga, napatay na ito. Kaya naiintindihan niya kung bakit galit ito. Galit ito sa kadahilanang niligtas niya ng ilang beses ang buhay nito simula nung nasa Embers na siya at naging Captain ng guild. “Archer, thanks for the win bro!” Tumango lang siya sa kasamahan. Bente katao silang pumasok sa Quest at ang mga kasamahan niya ay nakalabas na. Hinihintay na lang niya ang sampong team na pumasok din sa Quest na makalabas ang mga ito. Ang usapan nila ay sa Town Hall sila magkikita at may pagpupulong siyang gagawin. Pinisil niya ang kaniyang  kanang braso at lumabas do’na ng hologram screen ng Znthra. Tiningnan niya ang naipon na gold coins, diamonds at mga items na nakuha mula sa drop item. Napatango siya. hindi pa sapat ang kaniyang diamonds para sa bibilhin na item na kailangan na kailangan niya. Isa iyong item kung saan mahahanap niya si Zayden at Carver. Mahal ang item na iyon at kailangan niya ng 10,000 diamonds para mabili ang bagay na iyon. Nakakakuha lang silang mga players ng diamond kapag hard level quest ang kanilang nilalaro at dapat solo player. Walang kasama. Parang suicide mission din iyon sa mga manlalaro pero sa kaniya, challenging iyon. “I need more diamonds,” napabuntunghinga siya at hinawi ang hologram. Nawala ito sa kaniyang harapan habang mataman siyang naghihintay sa kaniyang mga kasamahan. Isang oras din siyang naghintay bago lumabas ang mga ito sa isang portal kung saan siya matamang nakatayo. Agad niyang pinasadahan ng tingin ang mga ito, ang iba ay hapung-hapo pero kahit papaano, masaya siya sa nalaman na kompleto ang kaniyang mga miyembro. Wala siyang balak na bawasan ang mga ito kahit isa. Mahalaga sa kaniya ang Embers at lahat ng mga manlalaro. “Captain.” Napalingon siya. Si Ariona ito. Ang pinakabatang miyembro ng Embers. 15 years old at isang huntress tulad ni Akaara. “Yeah?” “Have you seen Akaara?” kahit deritso ang pagtatanong nito, may respito pa rin ang tono ng boses ng dalagitang nasa harapan niya. “She left already. I guess, Akaara is on the Embers.” Napatango naman ito at bahagyang inayos ang buhok.  “You must be troubled why I am calling you and asked all of you to meet me there after the quest,” pagsisimula niya, “The truth is, none of us this week will join any quest or party. I need all of you to take a rest and give yourself a time to think. We’re not here to kill and be killed.” Deritsahang saad niya sa kaniyang mga miyembro.  Walang nagsalita matapos niyang banggitin ang bagay na iyon. lahat nagpapakiramdaman at naghihinatay ng kung sino ang unang magsasalita. “If we won’t fight, you know what will happen next Captain.” “What will happen you think?” mabilis niyang balik na tanong sa kamasahan nilang Rogue. “All of us will die.” Umiling siya. “We’re not. Believe me. Now go, all of you take a long rest. Black moon is coming, it means guild war.” “Yes, guild war is coming, I guess we should train more and kill more monster. We have no time to sit and take rest.” “No. we don’t need this guild war and I will make sure to stop that war before it happen. I won’t let Oscarios win this. We are prisoners on the world he created and please, don’t let him overpower your mind. If you can’t defeat him on the real world, you can defeat him here. You just need to trust me.” Lahat nagsingayon sa kaniyang sinabi at wala ng umimik pa. kilala ng mga ito si Oscarios dahil paulit-ulit na lumalabas ang mukha nito sa Znthra City. Nasa malaking billboard ang mukha nito sa ibabaw ng Znthra tower na paulit-uit na nagsasalita at nag-reremind na malapit na ang guild war at kailangan nilang sumali lahat sa war na gusto nito. Sa kanang gilid nito ay ang mga pangalan ng guild territories. Sa kaliwa ay sampong player na naka-rank kung sino ang pinakamagaling simula una hanggang pang-sampo at nasa pang-apat siya sa ranking.  Ang pangatlo ay ang lalaking nagngangalang Orion nang Gudgeon. Pangalawa ay si Zethro ng Evernite. Pang-una ay si Askaris nang Dark Shifters. Palaging pinapakita ni Oscarios ang Exitus, isang uri ng susi na kailangan nilang hanapin para makalabas nang tuluyan sa mundong Znthra pero bago nila makuha, kailangan munang gawin ang lahat ng gusto nitong ipagawa sa kanila. That son of a gun! Napamura siya sa isip. Mahirap ang kanilang sitwasyon na kinakasangkutan ngayon lahat. - Napatitig si Amulet sa kaniyang kamay nang gabing iyon. Gusto niyang sabihin kay Amber at Brighid ang nangyari ngayon araw pero parang may pumipigil sa kaniyang gawin iyon. “Hoy, kanina ka pa tulala sa kamay mo. Anong nangyari? Masakit ba?” untag sa kaniya ni Briggy. Ngumiti naman siya at umiling. “Wala. Nalilito lang ako, pwede ba mag-cast ng firebolt kahit hindi ka nag-chant ng spells?” Nagtinginan naman ang dalawa at mabilis na umiling nang tingnan siya. “Why?” Napatango siya at napahugot ng hangin. Nagpasya siyang tumayo at nagpaalam sa mga ito na aakyat na siya sa kaniyang silid at magpapahinga na pinayagan naman agad ng mga ito.  “Raberoo!” tawag niya sa kaniyang alaga nang palabasin niya ito. Agad nag-unat ng likod ito at malambing na hinalikan ang kaniyang paa. “Labas tayo?” Nagningning naman ang mata ng hayop at tila nagustuhan ang kaniyang suhestyon na lumabas sila. Hindi sila mag-eensayo. Sasanayin lang niya ang kaniyang sarili na sakay sa likod ni Raberoo at isali na rin ang takot  niya sa matataas na bagay. Nasa mundong ito siya kaya kailangan niyang mamuhay ng walang takot at pangamba. Dapat isipin niya ay paano makalabas at paano makita at mahanap si Zach. Mabilis siyang sumampa sa likuran ni Raberoo at walang alinlangan na tumalon ito sa balcony na sakay siya sa likuran nito. Isa sa pinakamaganda sa kaniyang pusang tigre, lumilipad ito habang napapalibutan ng apoy ang kamay at paa. Okay, hindi ako takot sa heights. Hindi ako takot sa— napalunok siya nang pagtingin niya sa ibaba, mga punongkahoy na lang ang kaniyang nakikita. Masyadong mataas ang naging lipad ng kaniyang alaga. “Rabi, ‘wag masyadong mataas! Mamatay yata ako nito!” Nakaintindi naman ito at binababaan ang lipad. Huminto sila sa ibabaw ng isang kahoy at ilang beses na lumunok ng hangin. Huling alaala niya nung dinala siya ni Casmon sa ibabaw ng kahoy, halos mangisay ang kaniyang tuhod sa sobrang takot. Bwesit kasi ang Casmon na iyon! Isang araw, makakawala rin  siya rito. Lahat ng mga players, makakawala sila rito. Konting push lang at sana mahanap niya na si Zach.  “Bawal ang mga tulad mo rito sa taas, prinsesa.” Awtomatikong napalingon siya nang may nagsalita sa kaniyang likuran. Kakasabi niya lang sa sarili na naiinis siya sa presinsya ni Casmon at  ngayon heto sa  kaniyang likuran. “Bakit? Pagmamay-ari mo ba ito?” Natawa ito at namulsa. “Gusto mo ikaw ang gawin kong pagmamay-ari?” Umikot ang kaniyang mata sa sinabi ni Casmon. Nakakapangdiri naman ito. Kahit gwapo ito at tisoy, wala siyang balak pumatol. “Nga pala, nasabi ko ba sa`yo kung sino ang unang tumulong sa`yo nung palutang-lutang ka sa talon?” “May talon dito?” Muli itong natawa sa kaniyang tanong.  Amuse na amuse itong tiningnan siya at tumango. “Oo, talon na kung saan palutang-lutang kang nakita ni Orion at—” “At ano?” “Niligtas. Hinalikan ka lang naman ng kaibigan ko sa labi at bigla kang—” Galit na tiningnan niya ito at nakaangil si Raberoo rito. “Hey there princess!” bahagya itong umatras. “Si Orion ang nakakita sa`yo at nagdala sa Gudgeon. Siya rin ang nagpalit niyang kasuotan mo.” Napamulagat siya sa narinig at agad napatakip ng katawan. Inisip pa lang niyang si Orion ang nagpalit ng damit at nakita ang buong katawan niya, pinamulahan na siya ng mukha! “It’s not what you think princess,” muli itong humalakhak at tuwang-tuwa na nabibwesit siya sa prinsensya nito. “He never undress you.” Umismid siya at hindi pinansin si Casmon. Nagsisisi yata siyang pumunta rito sa itaas ng puno kasama si Rabi. Mas gugustuhin pa niyang kasama si Orion o kaya si Kiyu.  “Rabi, let’s go.” Tumalima ang tamed monster niya at agad siyang sumakay sa likod nito. “I heard you were looking for a certain man named Zach Faulkner.” Bigla siyang natigilan at deritsong napatingin sa lalaki. Seryuso na ang aura nito ngayon taliwas sa ppinapakita nitong kagaguhan sa kaniya sa tuwing nagkikita sila. Baguhan pa lang siya rito sa Gudgeon, mainit na agad ang kaniyang dugo sa binata.  “Kilala mo siya?” agad lumarawan ang kasiyahan sa kaniyang mukha kahit punong-puno ng pagtatanong ang kaniyang utak. Namulsa ito at mataman siyang tiningnan. “Hindi.” Parang may dumagan sa kaniyang balikat nang sabihinin nito ng deritso ang bagay na iyon. Kung sabagay, ano pa ba ang aasahan niya kay Casmon? “Okay,” aniya. “Bakit mo siya hinahanap? Nandito rin ba siya sa Znthra?” sunod na tanong nito habang nanatiling nakatingin sa kaniya.  “Pakialam mo?” Tinapik niya ang ulo ni Raberoo. “Rabi, let’s go. Magpahinga na tayo para bukas.” Isang sulyap muna ang kaniyang binigay kay Casmon saka sinabihan si Rabi na umalis na sila habang nakasunod lang ang tingin ni Casmon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD