Chapter 12

2718 Words
Tulad ng  napag-usapan nila ni Kiyu, pumuslit silang dalawa at nagtungo sa bahagi ng kagubatan. Kung hindi siya nagkakamali, tinatawag ito ni Orion na Forest City. Pero tingin niya, tanging Gudgeon lang yata ang guild ang nasa Forest City.  Papunta silang timog at ipupusta ni Amulet na hindi ito ang kagubatan na kaniyang tinakbuhan nung una na kung saan hinabol siya ni Orion. Sa tuwing naaalala niya ang kagagahan noon, napapailing siya at napasapo ng ulo. Kung wala siguro si Orion, matagal na siyang patay. “Hindi tayo mapapansin ng kuya ko at nang ibang official. Pwede ka ritong mag-ensayo at pumatay ng halimaw. Huwag kang mag-alala, dito ako sa tabi at magbabantay,” deritsahang saad ni Kiyu. 15 years old pero kung umasta, parang matanda na ito sa edad nito. “Ano ‘yon?” napatingin siya sa unahan nang marinig niya ang malakas na lagaslas ng tubig. Sinundan naman nito ang kaniyang tinitingnan na deriskyon saka napangiti. “ Nigara Falls.” “Nigara Falls?” pag-uulit niya sa sinabi nito. “Yes. Narinig ko na d’yan ka nakita ni Captain nung palutang-lutang ka.” Napangiwi siya sa narinig. Wala rin filter ang bibig ni Kiyu magsalita. “Pwede ba natin puntahan?” Sandali muna itong nag-isip at ngumiti. “Pwede! Wala naman si kuya, eh. Tala!” Nagliwanag ang kaniyang mukha at mabilis nilang pinuntahan ng kasama niyang binatilyo ang falls na sinasabi nito. Nung nasa bungad na sila ng sinasabi nitong falls, halos mapanganga siya sa nakita. Sobrang ganda! Hindi siya makapaniwala sa nakitang tanawin. Kahit hindi totoo iyon sa tunay na buhay, hindi niya pa rin maiwasang hangaan ang kagandahan ng lugar.  Mataas ang apat na talon. Sa paligid nito ay mga bulaklak na ang gagandang pagmasdan. Ang mga bato na nasa gilid ay kumikinang at parang crystal. Iba’t ibang kulay ang kaniyang nakikita at hindi niya mapigilan ang sarili na humanga! “Ang ganda naman pala rito, Kiyu!” “Oo. Isa sa pinakamaganda rito sa Forest City ang Nigara Falls. Walang masyadong pumupunta rito dahil mahigpit na pinagbabawal ito ni  Captain. Pero may ibang matitigas ang ulo at isa na tayo ro’n.” Napangiwi siya sa huling sinabi ni Kiyu. Isa nga siya sa matigas ang ulo pero sa kadahilan na gusto niyang lumakas at mahanap si Zach kaya gano’n. “Ang ganda manatili rito pero kailangan ko pa pumatay ng halimaw para sa EXP ko.” Ngumiti naman ito at tumango. “Tayo na, doon tayo banda.” Tinuro nito ang kabilang bahagi ng Nigara Falls. Matataas ang mga punong-kahoy na nakikita niya at napapalibutan din ang mga ito ng mga halaman na magaganda at hindi nakikita sa totoong mundo. “Hindi ka ba nila hahanapin?” mayamaya ay tanong niya kay Kiyu nang malayo-layo na sila sa Falls. Nagkibit ito ng balikat. “Si kuya siguro hahanapin ako pero may tiwala naman si kuya Akuji sa`kin. Kaya malabong hahanapin nila agad tayo kung sakaling malaman nilang wala tayo sa Gudgeon.” Ngumisi ito nang sumulyap sa kaniya. “Kung sabagay, kahit bata ka pa. Alam mo na kung ano ang mundong kinalalagyan natin ngayon.” “Hindi ko ginusto ang mapasok dito.” Napatango siya. Sino ba ang tama ang pag-iisip na gustong mapasok dito? Kaya alam niya ang pakiramdam nito. Dapat sa edad nito ngayon, nasa school ito at nag-aaral kasama ang mga kaibigan. “Kasama ko si Kuya Akuji no’n. Papuanta kami sa kasal ng pinsan namin nang biglang may dumukot sa`min na van. Kasunod niyon, nung magising kami pareho ni kuya… Nandito na kami sa Znthra. Pareho kaming walang alam sa lugar na ito at parehong hindi alam ang gagawin. Natatandaan ko pa nung una kaming inatake ng malaking baboy ramo, kung hindi napatay ni kuya ‘yon siguro kami yong matagal ng patay na ngayon.” Sandali itong tumigil sa pagkikwento at humarap sa kaniya. “Saka lang namin ‘to nakilala ang Gudgeon nung nasa Znthra City kami ni kuya.” “Znthra City?” biglang sumikdo ang kaniyang puso. Hindi niya alam kung anong  meron sa binanggit nito at ganito ang kaniyang naramdaman. “Yes Znthra City! Ang pinakasentro ng lahat. Imagine 15 guilds tayo, ‘di ba? Bawat guilds malalaki. May mas malaki pa nga sa Gudgeon, iyon ang Embers. Ang pinakamaraming myembro ay ang Embers. Kung tama ang kalkulasyon ko, nasa 290 sila at ang captain nilang si Archer ay nasa top 10 players na magagaling sa loob ng Znthra. You see, Elowin, pati dito sa loob ng Znthra, may ranking sa lahat ng players.” Napatango siya. Ngayon lang niya nalaman na may ganito sa Znthra, hindi niya iyon nabasa sa libro o baka masyadong focus sa chanting spells ang kaniyang ginawa? Hindi rin masyadong nagkikwento si Amber at Briggy sa kaniya. Pili lang ang sinasabi ng mga ito o dahil hindi rin siya nagtatanong. Kung sabagay, baguhan pa lang siya sa Gudgeon at naiintindihan niya kung  ‘di pa masyadong nagtitiwala ang mga ito. “Pang-ilan ka sa ranking?” Napakamot naman ito sa ulo sa kaniyang naging sagot. “Ako? Hehe.” Ngumiwi ito. “Hindi ako kasinggaling ni Orion, Casmon at kuya Akuji na nakayang umapak sa top 10 ranking.” Nagulat naman siya sa narinig at sandaling hinila ang braso nito. Pinaharap niya ito sa kaniya. “You mean, isa si Orion sa magaling na manlalaro sa mundong ito?” Tumango naman ito at ngumiti. “Yes. Kaya kung napapansin mo, kung ano ang sinasabi niya, lahat sumasang-ayon. Siya ang ating kapitan at si Tala…” sandali itong tumigil, “At si Tala, may gusto sa kaniya na hindi niya napapansin.” Agad naman niyang tinakpan ang bibig nito. Matabil ang bibig ni Kiyu at baka saan pa mapunta ang kanilang usapan dalawa. “Hep! Tama na ‘yan at baka buong sekreto ng—” Awtomatikong natigilan siya nang mabilis ang kamay ni Kiyu na takpan ang kaniyang bibig. Biglang nagseryuso ang aura nito at sumenyas ang isa nitong kamay na ‘wag siyang maingay. “May iba tayong kasama rito.” “Halimaw?” naexcite siya sa narinig. Hinanda niya ang sarili na pumatay sa araw na iyon. “Hindi.” Pumikit ito at inaamoy ang hangin. Nang magmulat ito ng mata, naging kulay abuhin ang kulay gabing mata nito. “High level monster!” “Ha?” Nakita niya ang takot na lumarawan sa mukha ni Kiyu nang tingnan siya nito. “Magtago tayo Elowin!” Bago pa siya nakapag-react, nahila na siya nito paunta sa malaking punong-kahoy at sa isang kisap lang niya nang mata, nasa malalaking sanga na sila ng puno kung saan pwede sila magtago. “High level monster? Wala naman akong makita, ah.” Sumenyas ito sa kaniya na ‘wag siyang maingay. May tinuro ito sa kaniyang deriksyon at napatakip siya ng bibig sa nakita. Lumarawan ang takot sa kaniyang mata at kung hindi pa siya hinila ni Kiyu… Malamang nahagip na siya ng tingin nang heganteng halimaw. Isang heganteng halimaw na apat ang paa at sa paa nito, may mga matatalim na tila bakal na nakapalibot. Kulay dugo ang mata at napapalibutan ng matatalim na tila bakal ang leeg. Bawat balahibo nito ay parang patalim na kasinghaba ng dalawang dangkal. Kung ihahambing niya ang halimaw, para itong isang porcupine na mas nakakatakot ang  hitsura. Sumenyas sa kaniya si Kiyu na ipikit niya ang mata na sinunod niya. Naririnig niya ang yabag nito papalapit sa kanilang gawi. Mahigpit niyang nayakap ang sarili habang nagtatago sila na halos lumilindol na ang kapaligiran sa bawat hakbang na ginawad ng apat na paa nito. Halos lumuwa ang kaniyang kaluluwa nang bumunot ito nang isang kahoy at itinapon sa kanilang pinagtataguan. Gustong-gusto niya ng sumigaw pero pinili niya ang huwag madala sa sindak.  Napatingin siya kay Kiyu, kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito. Ibig sabihin, hindi basta-basta ang halimaw na nakita nila ngayon. Gusto lang naman niyang mag-ensayong pumatay at tumaas ang EXP, hindi ang magpakamatay agad. Kung sa laro pa sa cellphone, easy monster ang gusto niya munang patayin. Hindi upgraded agad na alam niyang ikakamatay niya agad ‘pag nagkataon! “K-kiyu…” Sumenyas sa kaniya ang binatilyo. Nakuha naman niya ang ibig nitong sabihin. Pinapatahimik siya nito. Isang malakas na alingawngaw ang pinakawalan nito kaya sabay silang napatakip ni Kiyu ng teynga. Masakit iyon sa pandinig at mababasag yata ang kanilang eardrums. “Bumalik na tayo, Kiyu!” “Hindi pwede! Makikita niya tayo. Hindi tinatawag na High level monstet ‘yan kung pipitsugin lang, Elowin. Mamatay tayo, maniwala ka.” “Pero akala ko ba ang mga tulad nila ay nasa Dungeon at Quest lang?” Hindi ito sumagot. Muli silang napatikip ng teynga sa ikalawang alingawngaw na binigay ng halimaw. Ano ba ang gawin nila? Kung si Kiyu nga na nasa mataas na level, takot dito. Ano pa kaya siya? “Hindi natin siya kayang dalawa, Elowin.” “Pero akala ko nasa quest or dungeon lang ang mga tulad nila/” “May nag-summoned sa halimaw na ‘yan. Wala tayong pwedeng gawin kundi ang magtago hangga’t kaya natin magtago.” Sunod-sunod siyang napatango. Pilit na lang niyang kinakalma ang sarili kahit takot na takot na siya. Sandali niyang pinikit ang mata at nag-isip ng kung anong gawin.  Protection spell, yes!  Agad niyang itinaas ang kamay at pinormang bilog iyon. Nagtatanong si Kiyu kung ano ang kaniyang ginagawa pero saka niya ito sasagutin kapag nakagawa na siya ng protection shield nila. Hindi man kalakasan barrier ang kaniyang gagawin but at least kaya sila nitong proteksyunan kahit ilang minuto.  Ilang minnutog siyang nag-chant ng limang klase-klaseng spells para mas lalong mapatagal ang proteksyon ibibigay ng gagawin niyang shield. Nang magmulat siya ng mata para sa kahuli-hulihang gagawin niyang spell, biglang may tumama na patalim sa balikat ni  Kiyu. “Kiyu!” natigil siya sa ginawa habang ito ay napapikit sa sakit. Umulang ng patalim ang kalangitan! Agad siyang hinila ni Kiyu pero mabilis niyang sinambit ang kahuli-hulihang spell. Awtomatikong nagsirado nagkaroon ng barrier ang kanilang kinatatayuan at ang mga patalim na umulan galing sa kalangitan, ay hindi nakalusot sa protection na kaniyang ginawa. “Patay ako nito sa kuya mo!” nataranta siya nang makitang nasasaktan ito habang hawak ang patalim. Malalim iyon at mukhang masakit na masakit iyon kahit wala siyang dugong nakikita. Sa mukha a lang ng binatilyo, alam niyang nasasaktan na ito. Huminga siya ng malalim. Isa siyang healer kaya mapapagaling niya ito though hindi siya kasinggaling ni Amber at Brighid. Nilagay niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Kiyu at nagsimulang magbigay ng spell para matanggal ang patalim at mawala ang sugat. Lumarawan ang saya sa kaniyang mukha nang matanggal ang patalim at nawala ang sakit na nakalarawan sa mukha nito. Tumingin ito sa kaniya at napangiti. “Salamat.” “Ayuko lang patayin ng kuya mo.” Napangiwi ito nang banggitin niya ang kuya nito. Saka siya napatingin sa barrier na kaniyang ginawa, konting minuto na lang at mawawala na iyon. napansin din niya ang halimaw na nasa harapan na nila ito pero hindi sila nakikita. Parang pinapakiramdaman nito ang kanilang presinsya ni Kiyu na nagtatago sa kahoy. “Mukhang walng balak umalis ang Porku monster na ‘yan sa harapan natin. Kapag nagkataon, pareho tayong mamatay.” Tumalim ang kaniyang matang tiningnan ito. “Papayag ka bang papatayin agad?” “Hindi, siyempre. Sa takot ko lang kay kuya, mas malala pa sa kahit anong halimaw ‘yon.” Natawa siya sa sinabi ni Kiyu. Mukhang hindi halata rito na takot ito sa sariling kapatid. Bumalik lang siya sa kaniyang hwesyo nang makitang dahan-dahan nagkaroon ng c***k ang shield na kaniyang ginawa. “God!” nanlaki ang kaniyang mata nang makitang dahan-dahan kumalat ang malaking c***k niyon at hindi na siya pwedeng mag-chant ng panibagong spell. Baguhan pa lang siya at limited lang ang pwede niyang gawin na protection shield. “Anong mangyayari kapag nakita tayo ng halimaw na ‘yan?” wala sa sariling tanong niya sa kasamang binatilyo. “Mamatay,” deritsahang sagot nito. Hindi kami pwedeng mamamatay dito! Awtomatikong napatalon silang dalawa pababa sa lupa nang tuluyang nasira ang ginawa niyang proteksyon. Nakita sila ng halimaw na nagbabadya ng panganib ang presinsya. “Elowin run!” “Oo!”  Sabay silang kumaripas ng takbo habang  hinahabol sila nito. Iniiwasan nila ang mga patalim na pinapaulan nito sa kanila pero imposibleng maiiwasan nila ang ginagawa ng halimaw na tingin niya ay isang demonyo na galing pa yata sa pinakailalim ng impyerno!  “Ilag!” mabilis siyang natulak ni Kiyu. Bumalandra siya sa isang tabi sa lakas ng tulak nito. Pero kung hindi naman siya tinulak  nito, malamang sa ulo niya tumama ang matalas na patalim na galing sa katawan ng halimaw. “Kiyu!” “Tumakbo ka na, Elowin!” “No! Hindi ko papayagan na iwan ka rito.” Malakas niyang sigaw. Akmang papalabasin niya si Raberoo nang pigilan siya ni Kiyu. “Huwag na huwag mong gagawin iyan. Kakainin niya ng walang kahirap-hirap ang tamed monster mo ng wala kahirap-hirap, maniwala ka! May kakayahan ang halimaw na ito na mang-hipnotismo ng kahit anong tamed monster.”  Mabilis siyang tumango sa sinabi nito. Habang ito ang nakikipaglaban sa Purko at sa mukha pa lang ni Kiyu, nahihirapan ito. Panay ang ilag nito sa ginagawang pag-atake ng halimaw. Natuliro siya bigla at nag-isip kung ano ang gagawin. Hindi siya pwedeng  tumunganga na lang habang nahihirapan ang binatilyong kasama niya na harapin ang kaaway nila sa araw na iyon. “Kiyu!” napasigaw siya nang masugatan ang tagiliran nito at kanang hita. Tumagos sa hita nito ang isang mahabang patalim! Kulay ginto ang nakikita niyang likidong lumabas sa hita nito. Wala siyang panahon para mag-chant ng limang spells. Lihim siyang nagdasal na sana sa kaniyang gagawin ay matulungan si Kiyu. Wala siyang sinayang na oras, agad niyang tinaas ang kaniyang kamay papunta sa deriksyon ng halimaw. “Firebolt!”  Tatlong magkasunod-sunod na bolang apoy ang pinakawalan niya sa katawan ng halimaw. Saglit nawala ang atensyon nito sa binatilyong kasama niya.  “Kiyu!” Nakuha naman nito ang kaniyang ibig sabihin. Alam niyang hindi nasaktan ang halimaw sa kaniyang ginawa pero sapat na iyon para makabili sila ng oras. Kung may kaya man na kumalaban sa heganteng halimaw na nasa harapan nila, si Kiyu iyon.  Gamit ang palaso at sibat,  pinaulanan ito ni Kiyu pero tulad ng kanilang inaasahan… balewala iyon dito. Mas lalo lang itong nagalit sa kanila. “Takbo Elowin! Sa talon, pwede tayong magtago ro’n. Ayaw ng mga Porku nang tubig! Bilis.” Mabilis siyang napasunod sa sinabi nito pero bago pa siya nakatakbo, nagulat siya nang marinig niya ang malakas na sigaw ni Kiyu. May tumama sa kabilang hita nito na patalim at mula sa kung saan, may lumabas na isang lalaki. Nakamaskara ito at may hawak na itim na bilog na crystal sa isang kamay. “Stop.” Huminto ang halimaw sa tabi nito at para itong alagang hayop na sumunod sa utos ng amo. Napahinga siya ng maluwang! Buti na lang at may taong tumulong sa kanila pero nagkamali siya nang gumawa ito ng isang itim  na portal. Napaatras siya. Kinabahan siya sa nakikita at bago pa niya masabihan si Kiyu na umalis na sila dahil mas delikado ang lalaking kaharap nila ngayon, biglang nawala ito kasama ang halimaw at si— Kiyu. “Kiyu?!” napalingon-lingon siya. Sumikdo ang kaniyang puso nang makitang wala ang binatilyo! Muli niyang inulit ang pagtawag sa pangalan nito pero walang Kiyu, wala ito.  Nagsimula siyang kabahan at manginig. Hindi pwedeng wala ito! Muli niyang tinawag ang pangalan nito at halos mamaos na ang kaniyang boses, wala na ito. Kinuha ito nung lalaking lumitaw na may dalang itim na crystal at gumawa ng portal. Napaluhod siya sa lupa at sunod-sunod na nagsibagsakan ang kaniyang mga luha. Sa kahibangan niyang matuto at maging matapang, naging ganito ang nangyari. Hindi niya ito ginusto. “Elowin!” Eksaktong paglingon niya, nagtama ang mata nila ni Orion. Nasa kanang kamay nito ang isang matalim at mahabang falchion sword na ngayon lang niya nakita. Doon lang niya napagtanto na iba ang kasuotan nito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD