Chapter 13

2185 Words
Parang tubig na nagsiagos ang kaniyang mga luha sa kaniyang mata habang nakatingin sa binata na ngayon ay nagsimulang humakbang papunta sa kaniya. “Where’s Kiyu?” Nakagat niya ang kaniyang labi at nagbaba ng tingin. Nanginginig pa rin ang kaniyang katawan. “S-si K-kiyu…” “Elowin, tell me! Where is Kiyu?” Nasa harapan niya na ito at hinawakan ang kaniyang balikat. Tiningnan siya nito at naghihintay sa kaniyang sasabihin. “Orion…”  “f**k!” Doon siya parang sinampal ng katutuhanan na wala na nga si Kiyu at siya ang may dahilan niyon.  “I’m sorry… A-ako ang may kasalanan kung bakit kami nagpunta rito.” “No, no. Ako ang may kasalanan, bilang captain dapat alam ko bawat galaw at kilos ng mga tao ko. f**k!” napamura ito. “We should go back in Gudgeon. Akuji need to know this.” Marahan siyang napatango at hindi na umimik. Alam niyang galit ang lalaki pero pinipilit lang nitong maging kalmado sa kaniyang harapan.  Nakikita niya sa kislap ng mata nito at galaw. “I’m really sorry, Orion. Sorry. Hinayaan ko siyang makuha nung lalaki, hinayaan ko siyang mawala…” “Lalaki?” “Lalaking may dalang itim na crystal. Nakamaskara. Kaya niyang mag-summon ng high level monster tulad ng Purko na umatake sa`min kanina.” Matagal ito bago nakasagot at tinitigan lang siya. Hinahanap nito sa kaniyang mata ng katotohanan kung nagsasabi siya. “Okay I believe you,” napabuntunghinga ito. “Hindi kayo dapat nagpunta rito ni Kiyu. Hindi safe ang Forest City tulad ng sabi ko sa`yo.” Napayuko siya ng tingina at alam niyang mali niya iyon. Mayamaya lang ay napasinghap siya. Nanghihina ang kaniyang katawan at dahil siguro sa enerhiyang naubos niya sa kakatapon ng firebolt sa halimaw. Marami siyang spells na ginamit kaya naiintindihan niya ang kaniyang katawan na sumuko.  “Let’s bring you home. Kami na bahalang maghanap kay Kiyu.” Hindi niya na magawang sumagot. Nanghihina siya at bago pa siya nakapagsalita, naging itim na ang lahat sa kaniya. Ang huli lang niyang maramdaman ay ang maagap na pagsalo ni Orion sa kaniya para hinid siya tuluyang sumadsad sa lupa. “Z-zach…” ito ang pangalan na tanging naisambit niya. - NAGISING  si Elowin sa ingay ni Amber at Briggy na nasa kaniyang harapan at halatang nagtatalo. Imbes na batiin ito, pinili niya ang magtulog-tulugan at pakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito. “Magagalit si Akuji nito oras na malaman niyang wala na si Kiyu!” Nakagat niya ang kaniyang labi sa sinabi ni Briggy. Tama ito. “Anong magagalit lang? Gaga ka ba! Kaya nga niya ayaw pasalihin minsan sa Quest si Kiyu dahil ayaw niyang mapahamak ito. Hindi lang siya magagalit, Brighid at alam mo iyon.” “Yeah. Alam ko. Sa’tin pa lang sinabi ni Captain ang masamang balita na ito at alam kong kapag sinabi ni Captain na ang kapatid  ni Akuji ay nagpunta sa Forest City kasama si Elowin, naku yari na talaga!” “Mangangalaiti siya sa galit at alam natin pareho kung paano siya magagalit.” Nakagat ni Elowin ang labi sa nalaman. Dahan-dahan kumawala ang luha sa kaniyang mata pero pinili niyang ‘wag magpahalata sa mga ito na umiiyak siya. Sinisisi niya ang kaniyang sarili kung bakit sila napunta sa ganoon sitwasyon ni Kiyu/ “Pero kasamahan natin si Elowin. Healer siyang tulad natin. Hindi naman siguro siya palalayasin ng Gudgeon Officials. Baguhan pa lang siya at maraming gustong matutunan. Ganiyan din tayo tulad sa kaniya nung bago pa lang tayo rito.” “Pero hindi sa paraan na alam mong mapapahamak at may mapapahamak ka.” Sandaling katahimikan ang nangyari at hindi niya na kailangan pang tanungin kung bakit. Alam niyang mahirap sa mga ito ang mawala si Kiyu. Matagal na ang mga ito na magkasama samantalang siya? Hindi pa siya nag-isang linggo sa lugar na ito at sa totoo niyan, para lang siyang estranghero. “Captain called us. May assembly raw sa hall.” Si Briggy ang kaniyang narinig na nagsalita at kasunod niyon ay narinig niya ang yabag ng mga ito papalabas sa kaniyang silid. Kasunod no’n ay ang tahimik na kapaligiran na pumuno ng apat na sulok ng silid. Eksaktong pagmulat niya ng mata ay ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha sa kaniyang mata. Parang gripong binuksan iyon at walang tigil sa pagpatak kahit anong pigil niya. Sinisi niya ang kaniyang sarili kung bakit nangyari ang ganito.  Dapat nung niyaya siya  ni Kiyu na mag-ensayo sa labas ng Gudgeon, hindi siya pumayag. Ngayon pa lang, hindi niya alam kung paano pakiharapan ang limang official at ang mga myembro. Naging pasanin lang siya. Naging pabigat. Tama si Orion, bawal nga sa lugar na ito ang tulad niya. Humugot siya ng malalim na hininga at sandaling tumitig sa salamin nang lumapit siya rito. May isang desisyon na pumasok sa kaniyang utak at alam ni Amulet na iyon ang tamang gagawin niya. Bago siya palayasin sa loob ng teritoryong ito, siya na ang maghahanap kay Kiyu! Hindi pa ito patay. Kinuha ito ng lalaking nakamaskara at iyon ang kaniyang hahanapin. Tama! Hahanapin niya ang lalaking iyon para bawiin si Kiyu at wala siyang pakialam kung anong level siyang meron ngayon. Isang araw lang sila magkakilala ni Kiyu pero tao pa rin ito sa totoong mundo at may masasaktan kapag napatay ito. Kailangan kong umalis at sundan si Kiyu!  Nagmadali niyang kinuha ang isang libro kung saan nakapaloob doon ang iba’t ibang klaseng magic at spells. Mas makapal iyon sa mga librong hinihiram niya lagi kay Amber at Brighid. Pinisil niya ang kaniyang Znthra button at lumabas do’n ang hologram. Agad siyang may pinindot doon sa screen at mabilis na pumasok ang libro sa hologram. Inikot niya sandali ang paningin sa loob ng silid at naghahanap ng pwedeng dalhin sa kaniyang pag-alis. Wala siyang maihaharap sa gabing ito kay Orion lalo na sa kapatid ni Kiyu. Lahat ng alam niyang makakatulong sa kaniyang pag-alis ay dinala niiya. Hindi naman siya nahihirapan gawin iyon dahil pwede iyon ipasok sa Znthra Holo Closet. Isa iyon lagayan ng mga local item. Patawad Amber, Briggy… patawad din Orion. Aalis ako para sundan si Kiyu at kunin sa lalaking kumuha sa kaniya. Hindi ko alam kung paano gawin ang bagay na iyon pero bahala na. Ayukong may mapapahamak ulit na buhay dahil sa pag-stay ko rito. Babalik ako na dala si Kiyu, pangako ‘yan. - “Dude, have you seen my brother Kiyu?” Sandaling natigilan si Orion sa ginagawang pag-inom ng tsaa nang marinig niya ng tanong na iyon ni Akuji kay Manolos. Nasa hall na sila at hinihintay ang ibang myembro. Limang minuto bago siya magsisimula. “No. why? Is he not with you?” “No. I went for a solo quest and I told him not to wander around. That lad is giving me headache!” “Yow chill dude. Your brother can handle himself. Kiyu is level 54 and he’s one of the best hunter here.” Natatawang tinapik ito ni Manolos sa balikat at binigyan ito ng tsaa. “He is my brother dude. You can’t erase the fact that I’m sick worrying about him everyday. I want him out and live in the real world. My brother is the only reason why I make myself stronger. Watashi wa kare o koko de shoina semasen. Watashi no ani wa totemo juyodesu.” Hindi siya nakaimik sa sinabing iyon ni Akuji. Mahalaga ang nag-iisang kapatid nitong si Kiyu kaya alam niyang lahat ginagawa nito para protektahan si Kiyu.  Lihim siyang napabuntunhinga. Kailangan niyang sabihin sa lahat ang nangyari ngayon araw. Hindi niya hahayaang may mawalang Gudgeons sa Forest City. Naniniwala siyang buhay pa ang kapatid ni Akuji pero sa nangyari ngayon, maalarma ang guilds at paniguradong magwawala ang mga official niya sa kaniyang sasabihin. “Hey!” Si Tala. Ang isa sa pinakamagaling na Mystic ng Gudgeon.  “Hey,” anas niya na hindi ngumingiti rito. “Akuji sounds upset.” Napatango siya. “He has the right to.” “What do you mean?” “Kiyu.” Kumunot ang noo nito at hinintay ang kaniyang sasabihin pero hindi na siya dumugtong pa. saka na niya sasabihin sa lahat kapag nakompleto na sila. “Orion…” “20 seconds left and I am about to start.” Tumango ito at naglakad papunta sa tabi ni Manolos at Akuji. Habang si Casmon ay nasa isang tabi at tila tinatamad na nakatingin sa kaniya. Sinulyapan niya ang hawak na timer at eksaktong pagtunog niyon sa uno ay nagsimula siyang magsalita. “Kiyu was taken by Maskoro.” Sandaling katahimikan ang nangyari nang sabihin niya ang balitang iyon na tila bombang sumabog sa mga ito. Walang nakapagsalita at walang nakaimik. Saglit na pinoproseso ng mga ito ang kaniyang sinabi. “Matsu! Jodandesu yo ne?” “I am not. Kiyu was taken alive and I don’t know where he is right now,” mabilis niyang saad. “I need to find my brother!” “No you can’t, Akuji!” “Why?! He is my younger brother, Orion! My younger brother. He was taken by Maskoro? For f*****g sake, why would Maskoro do that?! I know my brother Kiyu, he will never went out to the Forest City unless…that damn healer named Elowin asked him!” “You need to calm, Akuji. Yelling at me right now won’t help.” “Calm?! You tell me to calm when my brother is missing?” “Akuji.” Si Tala. Sandaling kumalma naman si Akuji nang tapikin ito ni Tala sa balikat. Ilang segundo nitong pinakalma ang sarili at nang magsalita ito, kalmado na ito. “How did you know that my brother was taken by Maskoro?” “Elowin was with him.”  “And?” muling nagtagis ang bagang nito.  “Only Kiyu was taken alive.” “f**k! Damn s**t! f**k! My brother needs me.” Agad siyang sumenyas kay Manolos nang magwala ito at akmang tatakbo papalabas. Sumunod naman si Manolos at ilang sandali lang ay tulog na bumagsak ang lalaki.  Lahat ng mga myembro ng Gudgeon ay nanatiling nanonood at nakikinig. Walang umeksina at walang naglakas ng loob na magtanong. Hinihintay siya ng mga ito na magpaliwanag siya sa paraan na maiintindihan siya ng mga ito. - Napakagat ng labi si Amulet at nagdesisyon nang umalis sa gabing ito matapos niyang makinig sa assembly meeting ng taga Gudgeon. Ayaw niyang siya ang maging dahilan ng pag-aaway ng mga ito. Hindi naman iyon pwede. Masyadong naging mabait ang trato ng Gudgeon sa kaniya at para suklian iyon, kailangan niyang mahanap ang lalaking sinasabi ni Orion na si Maskoro. Saka niya na hahanapin si Zach pagkatapos niya makuha si Kiyu. Kung sa anong paraan, hinid niya alam. Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang mga luhang nagsipatakan at agad nawala sa lugar na iyon. Kasama niya si Raberoo, hindi niya ito pwedeng ibalik kay Orion.  Takot siya iyon ang totoo. Hindi niya alam kung ilan pang high level monster ang kaniyang makakasalubong at ilang mga halimaw pa na tulad nung ahas na nakaaway nila ni Raberoo. Pikit mata siyang lumusot lumabas ng Gudgeon at agad sumalubong sa kaniya ang malamig na hangin nang Forest City. Nagtataka siya kung bakit Forest City samantalang puro mga halaman at mga kahoy ang kaniyang nakikita. Niyakap niya ang kaniyang sarili. Nagsimulang mangatal ang kaniyang katawan. Nawala sandali ang tapang na kaniyang naramdaman kanina pero kailangan niyang umalis ngayon. Wala na siyang dapat na balikan pa. iiwan niya ang Guild Territory na ito for good. Agad niyang pinisil ang Znthra button at pinalabas mula sa hologram screen si Raberoo. Isang kisap lang niya ng mata, nasa harapan niya na ang kaniyang alaga. “Rabi, we’re leaving.” Nakuha naman nito ang kaniyang sinabi. Sandali itong nag-unat ng likod at tumingon sandali sa paligid. Hindi na siya nagulat nang magliwanag ang dalawang mata nito at nagmistulang flashlight ang mga iyon. hindi pwedeng gamitin niya si Raberoo at paliparin ito na sakay siya. Agad siyang makikita ng Gudgeon kapag ginawa niya iyon kaya ang mas maigi, maglakad sila. Maglakad siya na may tapang na loob at nakahanda sa posibleng mangyari. Sinunod niya ang deriksyon na pinuntahan nila ni Kiyu kanina. Kahit alam niyang wala ro’n ang lalaki… baka magkaro’n siya ng idea kung saan ang sunod na deriksyon nung lalaking nagngangalang Maskoro. Iniisip niya kung player din ba ito. Zach, please pray for me. Naglalakad ako mag-isa para sa katangahang ginawa ko. I need you to look for me. I’m scared but I need to find Kiyu. Mahirap mawalan ng kapatid dahil naranasan ko iyon. Paalam sa ngayon Gudgeon. Pasensya sa sakit na dinulot ko. Sandali siyang huminga ng malalim at buo ang desisyon na hanapin na ang binatilyo. Bahala na kung ano ang susunod na mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD