Chapter 14

3297 Words
“Saan si Elowin?!” takang napatingin si Ambrosine kay Brighid. “Nasa silid niya. Nagpapahinga siya, ‘di ba?” Si Brighid na sandaling lumingon kay Ambrosine. May binabasa itong isang libro ng mga magic. “Wala siya roon.” “Anong ibig mong sabihin na wala siya? As in namatay na?” Sandali itong napairap sa kaibigan at mabilis na binawi ang libro na hawak ni Brighid. “Hindi gaga! Ibig sabihin niyon, umalis si Elowin na hindi nagpaalam sa`tin.” “Paanong umalis? Si Captain nagdala sa kaniya kahapon at hinayaan natin siyang magpahinga sa kaniyang silid.” “Gaga ka! Hanapin natin siya sa labas. Baka magkita sila ni Akuji! Alam mo naman na mainit ang dugo nung tao kagabi dahil nawala ang kaniyang kapatid. Paniguradong pahihirapan niya si Elowin ‘pag nagkataon.” “s**t! Tama ka. Bilis! Unahan na natin si Akuji. Naku naman kasi si Elowin bakit siya lumabas agad ng silid ngayong umaga.” Sabay-sabay na lumabas ang mga ito at naghanap sa dalagang nagngangalang Elowin. Nagtaka naman si Casmon nang makita ang dalawang Healer na aligaga at parang may hinahanap. Nasa sanga siya ng isang mataas ng kahoy habang pinagmasdan niya ang dalawa. “Saan kaya siya? Tinanong ko na si Elfina pero wala raw Elowin ang kumuha ng kaniyang binibigay na bulaklak.” Si Brighid. “Kung gano’n, saan siya? Patay na! Sabihin mong mali ang iniisip ko, Brighid.” Sabay na nagtinginan ang mga ito at napatakip ng bibig. “You mean, naglayas siya?!” Agad siyang tumalon pababa sa harapan ng mga ito. “Hey Ladies.”  Sabay na napatingin ang dalawa sa kaniya. Hindi ito nakapagsalita at lihim na nagtulakan. “Did I heard it right? Elowin ran away?” Napakagat ng labi si Ambrosine na tumingin sa kaniya at marahan tumango. “That’s one of my guess. She ran away.” “Maybe she blame herself of what happened,” mabilis na singit ni Brighid. Napailing siya sa narinig. Hindi siya nagkamali ng inakala. Sandaling nilagay niya sa ilalim ng baba ang kamay at nag-isip. Ngayon ang kapatid ni Akuji ang nawala sa kanila at ngayon sumunod ang babae. Bahagya siyang napailing at natawa. Hindi niya akalain na matapang itong umalis para ipain ang sarili na mamatay sa labas ng Gudgeon.  Masyadong padalos-dalos ito sa desisyon. Pero sa kabilang bahagi naiintindihan niya ang rason nito kung bakit. Lalo na ngayon si Akuji na hindi mapakali pero dahil ang utos ni Orion na huwag itong gumawa ng hakbang na walang pahintulot nito, kaya kalmado muna ito pero kilala niya ang kaibigan hapones.  “Let’s try and see if Elowin really ran away.” Tiningnan niya ang items niya na nakuha sa bawat Quest. May isang item siya na nakuha para malaman at makita ang isang player na nagtatago o kung saan ito. Iyon nga lang may limitasyon, tanging sa loob lang ng teritoryo lang ito pwede magamit pero pwede na rin. Hinagis niya ito sa hangin at mabilis siyang pumikit. Hinahanap niya sa bawat bahay at bawat sulok ang mukha ng dalaga pero wala siyang makitang presinsya nito. “She’s not here anymore,” anas niya. “Oh My God!” - “Orion!” “Not now, Casmon. Kausap ko pa si Tala.” mabilis na sagot ni Orion kay Casmon. Nasa harap sila ng fountain at pinag-uusapan ang gagawin hakbang. “Oh jeez!” Natawa si Casmon. “Your little Elowin ran away, haven’t you notice?” Natigilan siya at napalingon sa kaibigan. “What?” “Don’t mind Elowin, buddy. She’s nothing, anyway.” Kumindat ito at biglang naglaho sa kaniyang harapan.  Fuck what? Lihim na napakuyom ang kaniyang kamao sa isipin na umalis ang babae na hindi niya alam! Mabilis siyang nagpaalam kay Tala. “Orion, wait!” Hindi niya hinintay si Tala. nag-teleport siya patungo sa silid ni Amulet at tama si Casmon, wala na ro’n ang dalaga. Akmang aalis siya sa silid nito nang mahagip niya ang isang papel na nakaipit sa ilalim ng unan. Isang kisap lang ng mata, hawak niya na ang sulat at dinaanan ng isang tingin iyon. Alam niya ang laman ng sulat. Nalamukos niya iyon at pinilit kalmahin ang sarili. Kagabi pa ito nawala. Kagabi pa ito umalis na hindi man lang niya nalaman?! Damn. I should put someone to guard her. I did not expect this way to happen. Huminga siya ng malalim. “See? Told you buddy.” “I got her letter.” Humarap siya kay Casmon at pinakita rito ang sulat na dahan-dahan natutupok sa kaniyang kamay na umaapoy. “I need to get her. The Forest City is a danger place for her! Fuck.” “Woah calm down.” “I won’t be long, Casmon. I will be back as soon as I get her.” “f**k! You serious?” “Yeah, I am dead serious. Don’t tell Tala I’m heading east. I’ll be back before evening.”  “Orion—”  Hindi niya pinatapos itong magsalita, nawala na siya sa harap ng kaibigan at sa isang kisap ng mata… nasa labas na siya ng Gudgeon. “Amulet saan ka ba nagpunta?” nagtagis ang kaniyang bagang. - Sandaling niyakap ni Amulet ang sarili. Pinilit niyang pakalmahin ang pusong nag-uunahan sa pagtibok-t***k. Mabuti at natakasan niya ang isang mabangis na halimaw na humahabol sa kaniya. Tanging si Zach lang ang nagbibigay ng lakas ng loob niya sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa. “Rabi, tingnan mo ang paligid. Wala na bang humahabol sa`tin?” Sandaling lumingon ang alaga niya sa paligid at umiling. Nakaramdam siya ng hapo at pagod. Kagabi pa sila lakad nang lakad. Buong tapang niyag hinarap ang kaniyang takot kahit ang totoo, gusto niyang bumalik ng Gudgeon at mag-iiyak sa balikat ni Orion. Nasisindak siya at natatakot pero wala ng balikan. Hindi siya pwedeng bumalik kahit anong mangyari hangga’t hindi niya nakikita si Kiyu. Kung  wala siguri si Raberoo na kasama niya, baka kanina pa siya napatay. Ilan na bang halimaw ang sumalubong at nasasalubong nila? Marami-rami na rin at kadalasan si Raberoo ang pumatay sa mga iyon.  Hindi lang basta-basta tamed monster ang binigay sa kaniya ni Orion, kundi isang alagang kaya siyag protektahan hanggang kamatayan. Malayo na sila sa Gudgeon, iyon ang alam niya. Wala na itong balikan pa. Siguro sa mga oras na ito, napansin na ni Amber at Briggy na wala siya sa silid at nabasa na mga ito ang kaniyang sulat. “Rabi,” tawag niya sa alaga. Agad itong lumapit sa kaniya at napasandal siya sa katawan nito. Ang totoo niyan, may sugat siyang natamo. Nasa gilid iyon ng kaniyang tiyan at may kalakihan ang sugat na iyon pero wala siyang makitang pulang dugo. Ang nakikita niya ay kulay ginto.  Palatanong sa isip niya ay kung bakit hindi niya kayang gamutin ang sarili kung isa naman siyang Healer?  “Magpahinga muna tayo sandali,” suhestyon niya. Nagpalingon-lingon siya sandali at pinasadahan ng tingin ang buong paligid.  Ang tanging nakikita ng kaniyang mata at nagtataasang kahoy at panganib. Wala siyang makitang lugar na pwedeng pagpahingaan niya. Nanginginig na rin ang kaniyang tuhod at nanghihina na siiya. Gusto niya munang magpahinga at uminom ng tubig. Bakit nga pala hindi siya nagdala ng tubig?  Nakaramdam siya ng ginhawa nang marinig niya sa kalayuan ang agos ng tubig. Agad siyang napalingon kay Raberoo na walang kapaguran naramdaman. Hindi tulad niya na hapung-hapo na at ilang sandali lang ay bibitaw na ang kaniyang kaluluwa. “Rabi, puntahan natin ang agos ng tubig na naririnig ko!” Mabilis siyang sumampa sa likod nito at napahanga siya nang makita ang malaking ilog na bumungad sa kaniya. Nagmistulang crystal ang tubig nito sa sobrang linaw at kumikislap-kislap iyon. Ang mga bato sa bawat tabi ay mga nagagagandang bato at kung nasa totoong mundo ito, pwede na itong mabenta sa mahal na presyo. Marami rin mga bulaklak ang nakikita niya at lahat ng mga iyon ay nagagandahan sa kaniyang mata isali pa ang mga paru-paro na masayang nagsasayawan. Saglit siyang napalunok ng laway nang maalala ‘yong malaking paru-parong halimaw na umatake sa kaniya sa Forest City.  Bumalik siya sa hwesyo nang ibaba siya ni Raberoo sa naggagandahang bulaklak. Huminga siya ng malalim at sandaling pinakiramdaman ang paligid kung may panganib ba siyang nararamdaman. Napansin niyang walang tahimik at walang panganib kaya kumalma ang kaniyang puso. Uhaw na uhaw na siya kaya nagmamadali niyang tinungo ang ilog. Hindi naman siguro ito nakakalason. Sumunod sa kaniya si Raberoo habang siya ay umiinom ng tubig. Manamis-namis ang lasa ng tubig, hindi tulad sa mineral water na binibili niya sa convinient store. Natural na masarap itong inumin. Hindi naman siguro ito nakakalason dahil uminom din ang pusang-tigre niyang alaga. Kahit papaano, nabawi niya ang kaniyang lakas. Sandali siyang huminga ng malalim at kasunod na kaniyang ginawa ay humiga sa damuhan.  Ang lambot! Napangiti siya.  Para siyang nakahiga sa ulap at isama pa ang mga nagagandahang mga paru-paro na kaniyang nakikita. sa kaniyang tabi, humiga si Raberoo at pinagmamasdan siya. Nakangiting humarap siya rito at hinimas niya ang ulo nito kahit hindi niya naabot. “Thank you Rabi…” Kahit ayaw niyang ipikit ang mata, parang may kung anong humihila ro’n para matulog siya at magpahinga… bahagya niyang kinusot ang mata. Ayaw niyang matulog lalo na at nasa Forest City siya. Baka kapag ginawa niya ang matulog, hindi na siya magising. Shit! B-bakit pakiramdam ko inaantok ako at hinihila ang diwa ko para matulog…   Kasunod na kaniyang naramdaman ay tuluyan siyang bumigay… natulog siya sa tabi ni Raberoo. Nagising lang siya nung marinig niyang nagalit ang kaniyang alaga. Doon lang siya parang bumalik sa kaniyang hwesyo na nasa Forest City siya at nasa lugar ng mga halimaw. Napatingin siya sa inaangilan ni Raberoo, nakita niyang isang malaking wolf ito! Huh?! Napakapit siya sa katawan ng tamed monster niya.   Malaki ang halimaw sa kaniyang harapan ngayon. Itim ang buong kulay nito maliban sa mata nitong kulay ng dugo. Mataas ag mga pangil at pumapatak ang mga laway na nagmumula sa bibig. Sa itaas nito, nakita niya ang Health points bar ng halimaw.  Napalunok siya nang wala sa oras. May dalawa siyang option: ang sumakay sa likod ni Raberoo at umalis sila o ang kalabanin ang halimaw.  No! kung gusto kong iligtas si Kiyu, kailangan kong lumaban. Hindi ang tumakbo nang tumakbo. Matapang siyang nag-ipon nang apoy sa kaniyang kamay at hindi na nag-chant pa ng spells. Wala siya sa Gudgeon at walang makakakita sa gagawin niyang deritsong pag-atake ng kalaban. “Firebolt!” malakas niyang sigaw nang akmang susugod na ito sa kanila. Natamaan naman ang halimaw sa mukha at mas lalo itong nagalit sa kaniyang ginawa.  Napalunok siya nang wala sa oras sa kislap ng mata ng halimaw. Mas lalong lumiit ang pulang mata nito! “Rabi!” isang sigaw lang niya sa kaniyang alaga, agad itong lumapit sa kaniya at sumakay siya sa likuran nito. “Firebolt!” mabilis na igkas ng kaniyang kamay sa halimaw nung lumipad paitaas si Raberoo. Napahiyaw ang lobo sa kaniyang ginawa at hindi niya inaasahan ang pabiglang buga nito ng apoy sa kanila. Kung hindi naging madali sa pag-iwas ang kaniyang pusang-tigre, baka natusta siya nung apoy. “Rabi kailangan ko ang tulong mo!” Kahit hindi niya sabihin iyon, alam niyang kaya siyang protektsyunan ni Raberoo kahit hindi pa siya lumaban. “Firebolt!!!” magkapanabay ng apoy niya at apoy ni Rabi ang binigay nila sa halimaw na nasa kanilang harapan. “Yes! We got him.” Ang lawak ng kaniyang ngiti nang makitang natumba ang lobo at mula sa Health Points bar nito, nakunan iyon.  “Rabi be ready! Alam kong— God!” nagimbal siya nang makitang umalulong ito ng malakas.  Halatang nasaktan ito sa kaniyang ginawa at nasaksehan niya ang pagbitak-bitak ng katawan ng lobo at naging mas malaking lobo ito. Naging triple ang laki nito at ang mahahabang kuko nito ay naging bakal at sobrang tulis! Ang balahibo nito ay naging parang patalim tulad nung Purko na umatake sa kanila ni Kiyu. Wait, hindi kaya?! Agad siyang nagbitaw ng protection spell nang bumuga ito ng puro patalim sa lokasyon nila ni Raberoo pero alam niyang hindi magtatagal ang protection spell na kaniyang ginawa. Bago pa siya nagbitaw ng panibagong chant, nakita niya sa kalayuan ang lalaking kumuha kay Kiyu. Si Maskoro! “Firebolt!” muling igkas niya sa kaniyang kamay at sunod-sunod na bulang apoy ang lumabas sa kaniyang kamay at deritso itong tumama sa lobo. God! Mas lalo yatang lumakas ang halimaw na ito. Hindi ko siya kakayanin. Kailangan namin makaalis ni Rabi. “Rabi, alis na tayo!” nakita niyang nagbiyak-biyak ang protection spell na kaniyang ginawa at bago pa iyon tuluyan nasira, nakaalis na sila ng kaniyang tamed monster. Sa isag kisap lang ay wala na sila sa ilog at wala na sa harapan nila ang lobo at ang taong si Maskoro. Hindi! s**t. s**t! Si Maskoro nga pala ang kailangan ko para mahanap si Kiyu pero kapag hindi namin ginawa ni Rabi ang tumakas, baka patay kaming bumagsak.  Malakas siya. Malakas na malakas at wala akong panlaban pero hindi ko naman pwedeng hayaan si Kiyu dahil lang sa`kin. Kailangan namin bumalik ni Rabi at subukan kong kausapin si Maskoro— Napaigik siya nang may tumama sa kaniyang likod. Gusto niyang tingnan kung ano iyon pero umiikot ang kaniyang paningin. Nahihilo siya at ilang sandali lang nito ay mahuhulog siya. “Hindi!!!” malakas siyang napasigaw nang pareho silang bumagsak ni Raberoo sa tubig. Lumubog siya sa tubig at pinilit niyang ikampay ang kamay pero hindi siya marunong lumangoy. At kahit marunong man siya sakali, nahihilo na rin siya at ilang sandali pa ay naramdaman niyang tuluyan  lumubog ang kaniyang katawan sa tubig. “Hey… hey!” Ito ang huling narinig niyang boses. Inisip niyang si Raberoo ito na nagsasalita pero hindi boses babae iyon. Gusto niyang imulat ang mata pero masyadong mabigat ang talukap ng kaniyang mata para imulat pa iyon. Dito sa tubig yata nakatadhana mamatay ang buhay niya. “Amulet…” Kasabay nang pagbigkas ng lalaki sa kaniyang pangalan ay ang pagbalik ng alaala niya sa nakaraan niya na kasama si Zach nung nasa Pinas ito at pinuntahan siya. - “Knock-knock!” Papungas-pungas siyang bumangon. Tatlong katok ang narinig niya sa pintuan ang nagpagsing sa kaniyang diwa at sinabayan pa ng boses na hindi niya alam kung kakagising lang din ba dahil husky iyon at bedroom voice iyon. “Amulet gumising ka na d’yan!”  Ito ang malakas na sigaw ng kaniyang kasamahan sa apartment na kanilang inuupahan. Apat silang babae at kaniya-kaniya sila ng kwarto sa may kalakihan na apartment sa Quezon City. “Ito na… Bakit ba ang ingay-ingay niyo? Kita niyong natutulog ang tao.” Napakamot siya sa ulo.  Saturday kaya ang gusto niya ay matulog buong araw para mamayang gabi ay gising siya at para makausap si Zach. baliktad ang kanilang oras pero kaya niyang mag-adjust para sa lalaking mahal niya. Nakakapuyat man pero worth it naman ang kaniyang pagpupuyat! Hindi na siya nag-abalang patungan ng roba ang kaniyang suot na manipis na pantulog. Pare-pareho lang naman silang babae at walang malisya sa kanila kahit nakahubad sila pareho. “Amulet bilis! Lumabas ka na!” “Ito na!”  Narinig niyang naghagikhikan ang mga ito sa labas. Sandali muna siyang napatingin sa kalendaryo kung birthday niya ba at parang kilig na kilig ang mga ito. Napakunot siya ng noo, hindi niya birthday.  Nag-ikot na lang siya sandali ng mata at tinungo ang pintuan para buksan ang mga maiingay na ka-room mate. “Surprise!!!” Awtomatikong nawala ang lahat ng kaniyang kulay sa katawan nang marinig ang hiyaan ng kaniyang mga kasamahan sa bahay at nakita ang lalaking kausap pa lang niya kaninang madaling araw. “Hi love!” Malakas niyang naisara pabalik ang pintuan. No way!  Si Zach?! natitilihang sigaw niya sa sarili. Hindi! Nanaginip lang siya ng gising. Kagabi lang ay nagkausap sila hanggang madaling araw at kakasabi lang nito na pupunta ito sa Africa para sa meeting. Pinadala ito ng boss nito sa South Africa. “Amulet?” Si Zach. Baritunong-barito ang boses nito at ang sarap sa pandinig ang American accent. “Yes?” Bigla niyang binuksan ang pintuan at totoo nga ang kaniyang nakikita! Hindi siya biniro ng kaniyang mata. Hindi siya nasubraan ng polvoron. Nasa harapan niya ang lalaking matagal niya ng gustong makita.  Nagmistula siyang bata sa harapan nito. 6 ft tall ito at may kalakihan ang pangangatawan dahil alam niyang nagwo-work out ito sa gym 3 times a week.  Inabot niya ang kamay nito at marahan pinisil iyon. halos magsiunahan sa pagtibok ang kaniyag puso nang maramdaman ang init na nagmula ro’n. Sunod na kaniyang ginawa ay ang abutin ang pisngi nitong namumula dahil sa init ng panahon at— napatili siya! "Zach!!!” Nagsitilian din ang kaniyang mga kasamahan nang yakapin niya ito nang mahigpit at gumanti rin ito ng yakap. Mas mahigpit ang binigay nito. “How… How did you get here?! I mean, last time we talked, you are in Texas and you said you were planning to fly on Cape Town, Africa for work! And now—” Hindi niya natapos ang sasabihin dahil bigla nitong pinutol ng halik ang salitang sasabihin niya. Mas lalong umugong ang malakas na tilian ng kaniyang mga kasamahan na kulang na lang ay nakita ang mga ito ng famous singer na kumakanta sa gitna ng stage. “Oh my God! They kissed! They kissed?!” Agad niyang inikot ang kamay sa leeg ni Zach at hinila ito papasok sa kaniyang silid. Nagsigawan ang mga kasamahan niya sa kilig at mabilis niyang nilock ang pintuan ng kaniyang kwarto habang walang tigil ang palitan nila ng halik sa isa’t isa. Hindi pa siya nakapag-toothbrush, nakapagmumog, o kaya nakapagligo pero kasalanan nito ang lahat! Masyado siya nitong ginulat. Agad siya nitong inihiga sa kaniyang magulong kama dahil sa pakikipag-usap niya rito kagabi na umikot-ikot na siya sa kama sa kilig. Mabilis nitong hinubad ang suot nitong t-shirt na suot at makasalanan man sabihin, tumambad sa kaniyang mata ang abs nitong six packs! Parang gusto niyang himatayin sa kilig. Bago pa siya nakabawi sa kilig na kaniyang naramdaman, muli siya nitong kinuyumos ng halik at wala siyang pakialam kung maririnig sila ng kaniyang mga kasamahan sa gagawin nila. “Love!” napasinghap siya nang haplusin ni Zach ang kaniyang pisngi.  Ngumiti naman siya ng matamis. Handa na siyang ipagkaloob dito ang kaniyang pagkakababae na matagal niya ng iniingatan… “I love you. I love you so much love.” Masuyong ngumiti si Zach nang kintalan siya nito ng halik sa labi, punong-puno iyon ng pagmamahal na matagal na nilang naramdaman sa isa’t isa. “I love you too, Zach. I love you more than you could ever imagine.” Sa sinabing iyon, narinig niya ang malakas na sigawan ng kaniyang mga kasamahan sa labas. “OMG!!! Babaeng-babae na si Amulet! Isa na siyang tunay na dalaga!” Pareho silang natawa ni Zach at ang akala niya ay aangkinin na siya nito ay naiwan sa ere. Humiga lang ito sa kaniyang tabi at niyakap lang siya nang mahigpit. “I don’t want to take your virginity, love… I can wait,” pabulong na anas nito sa kaniyang teynga. Napangiti siya sa  sinabi nito. Lumingon siya kay Zach at yumakap ng mahigpit dito. Kaya sobra niya itong mahal dahil ang taas ng respito nito sa kaniya. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD