Chapter 15

2063 Words
“Amulet…” “Zach…” May tumapik sa kaniyang pisngi. Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mata pero agad din siyang napapikit ulit sa liwanag na sumalubong sa kaniyang mata. “Patay na ba ako?” mahinang anas niya. Pinipilit niyang i-adjust ang kaniyang mata sa liwanag, nasisilaw siya. “I’m glad you awake.” Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses. Nakatalikod ito at nakatingin sa labas ng bintana. Marahan siyang napabangon. Doon lang niya naisip na wala siya sa langit at hindi pa siya patay tulad ng kaniyang inakala. “Sino ka? Saan si Raberoo?” deritsahan niyang tanong. Palingon-lingon siya at hinahanap ang kaniyang alagang binigay ni Orion. Wala ito. “Your tamed monster is resting.” Napatango siya. Saglit niyang inalala kung ano ang nangyari. There! Naalala niya na ang nangyari. May tumama sa kaniyang likod at bumagsak sila pareho ni Raberoo sa tubig. Lumubog sila pareho at may narinig siyang boses ng lalaki na tumawag sa kaniyang pangalan. “You okay?” “Ha?” “Nakita kitang bumagsak sa tubig kasama ang tamed monster mo.” “S-salamat sa pagligtas sa`kin…” Hindi ito sumagot. Habang siya, napatitig siya dito. Iniisip niya kung nasa Gudgeon ba siya ulit. “Nasa Gudgeon ba ako?” “No,” walang paligoy-ligoy na sagot nito habang nanatili pa rin nakatingin sa labas ng binatana ang atensyon nito. “Kung gano’n, saan pala ako?” Nag-ikot siya ng tingin. Ibang kapaligiran ang kaniyang nakikita. Isa itong silid at malaki ang silid na iyon. Puro glass mostly ang kaniyang nakikita at konti lang ang napapansin niyang mga bulaklak. Bahagya rin niyang naramdaman ang lamig kaya nayakap niya ang sarili. Saan ba siya? Nasa winter area ba siya napunta at kung hindi siya nagkakamali, snow ‘yong nakikita niya sa bintana na pumapatak. Malabong nasa Forest City siya dahil spring na spring vibes ang dating sa lugar na iyon. Wala nga siya sa Gudgeon pero saan lumalop ng Znthra na naman siya napunta?! “Embers.” “H-ha?” natigilan siya sa narinig. “E-embers?” pinilit niyang inalala kung saan narinig ang pangalan na iyon. Napasinghap siya nang maalala niya ang sinabi ni Kiyu. Paano ako napunta rito sa Embers?! Gusto niyang isigaw ang tanong na iyon pero hindi na pala kailangan dahil dahan-dahang humarap ito sa kaniya. “Amulet…” Parang bombang sumabog sa kaniyang harapan ang katagang iyon nang makita niya ang kabuuang mukha ng lalaking nasa harapan niya. Awtomatikong nagsibagsakan ang mga luha sa kaniyang mata at walang tigil sa pagpatak ang mga iyon na parang ilog. Biglang naninikip ang kaniyang dibdib at kahit anong pigil niya sa pagpatak ang mga iyon, hindi niya magawa. Parang kahapon lang, kahapon lang ay masaya sila. Parang kahapon lang ay mahal na mahal nila ang isa’t isa. Parang kahapon lang, nagpaalam ito sa kaniya at biglang nawala ng dalawang buwan. “Z-zach?” Dumaan ang sakit sa kislap ng mata nito nang banggitin niya ang pangalan nito. Kitang-kita niya ang pagpatak ng mga luha sa magagandang mata nitong kulay asul at hindi niya napaghandaan ang ginawa ni Zach, bigla siya nitong niyakap ng sobrang higpit. Habang siya ay natulala lang sa ginawa nito at hindi nakaimik. Wala siyang maisip o sa madaling salita, naging tila yelo ang lahat sa kaniya. Ang tanging naramdaman lang ni Amulet ay ang kaniyang luha na walang tigil sa pagpatak ang mga iyon. Ibang Zach Faulkner ang kaniyang nakikita ngayon. Magulo ang makapal nitong dark brown na buhok pero bagay rito ang kaniyang nakikita. habang ang asul na mata nito sa totoong mundo ay ngayon naging kulay ginto. Walang nagbago sa mukha nito, gano’n pa rin gwapo. Kung may napapansin man siyang kakaiba, ang suot nitong damit. Kung hindi siya nagkakamali, isang warrior si Zach tulad kay Orion. “Yes love, it’s me. It’s me Zach…” Doon lang siya nagising at tuluyan na realize na nasa harapan nga niya ito at hindi siya nanaginip. Nasa harapan niya si Zach at yakap siya nang mahigpit. Napapikit siya at impit ng napaiyak na yumakap din dito ng sobrang higpit. Pakiramdam niya, kapag bibitaw siya rito, mawawala ito ulit. Iiwan na naman siya nito! “God, Amulet! I don’t know why you are here. f**k love! I don’t really know why you are here.” Hindi siya sumagot. Umiiyak lang siya sa dibdib ni Zach habang magkayakap sila sa isa’t isa ng mahigpit. Parang kailan lang ay pumunta ito sa Pinas. Nag-leave siya sa trabaho at nagpunta sila sa La-Union at Batanes para sa isang masayang bakasyon. Ang dami nilang alaalang ginawa sa konting panahon na pagbisita nito. Dalawang linggo lang silang magkasama pero pakiramdam niya, dalawang taon na ang katumbas na iyon. “I thought… I thought I would never see you again, Zach…” napahikbi siya. Bumabalik sa kaniyang isip ‘yong dalawang buwan na sobra siyang nasaktan sa pag-iwan nito sa kaniya. Hindi ito sumagot. Nanatili lang silang magkayakap. Nung maramdaman niyang okay na siya, bumitaw siya rito pero walang balak itong pakawalan siya. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. Humiwalay lang ito sa kaniya nung may kumatok sa pintuan at deritsong pumasok do’n ang isang babaeng nakasuot ng puting boots na napapalibutan ng balahibo ng hayop ang itaas niyon, hapit na puting damit na mahaban ang manggas at itim na highwaist jean. sa likod nito ay isang sibat at pana na nakasabit. Habang ang buhok nito ay naka-pony tail. “Archer, we need to talk.” Deritso ang tingin nito kay Zach. saglit lang itong sumulyap sa kaniya at agad din nagbawi ng tingin. Napatitig siya sa babae. Maganda ito at ayon sa kaniyang kalkulasyon, isa itong huntress. “Let’s talk outside.” “Okay.” Nauna na itong tumalikod at lumabas. “See me at the lake garden, Archer.” May kung anong kirot ang kaniyang naramdaman nang makita kung paano ka-close ang mga ito. Babae siya at sa paraan ng pagtitig ng babae kay Zach ay alam niya na ang ibig sabihin ng kislap ng mga mata nito. “Archer?” pang-uulit niya sa pangalan ni Zach sa mundong iyon. Gusto lang niyang linawin kung tama ba na ito ang Captain ng Embers tulad ng sinasabi ni Kiyu. “Is there something wrong, love?” “Ikaw ang Captain ng guilds niyo?” takang tanong niya kasabay ng panlaki ng kaniyang mata. Ngayon pa lang, hindi na siya makapaniwala sa nalaman. “Yeah. How did you know it?” Nalaglag ang kaniyang panga sa nalaman. Ito ang sinasab ni Kiyu— natigilan siya. Si Kiyu?! Napahawak siya sa kaniyang ulo. Ang hinahanap niya ay ang binatilyong kapatid ni Akuji pero si Zach ang kaniyang nakita. Ang lalaking ito naman talaga ang unang plano niya pero kailangan din siya ni Kiyu. “Hey-hey, where you going?” Mabilis siyang nahawakan ni Zach sa kamay nang takbuhin niya ang pintuan. “Kailangan ko ng umalis, Zach. Babalik pa ako sa Forest City para malaman kong nasaan si Kiyu!” “Kiyu?” napakunot ito ng noo. “Yes. Kapatid siya ng official namin sa Gudgeon. 15 years old pa lang siya at kung hindi sa`kin, hindi sana siya kinuha ni Maskoro. Masaya ako na nagkita tayo rito, Zach. In fact ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako. Ikaw ang gusto kong makita sa Znthra, pero kailangan ni Kiyu ang tulong ko.” Akmang kakawala siya sa hawak nito nang hawakan nito ang kaniyang magkabilang balikat at hinarap dito. “Amulet listen,” anas nito, “Nasa Embers ka. Ibig sabihin, nasa south ka. Ang Guild territory ng mga Gudgeons at ang Forest City ay nasa North at papuntang East.” “Ano?!” “Yeah and I am not joking, Amulet. Ngayon ang tanong ko, paano ka napunta sa Iu River nang Crystal City. Isang bahaging ilog ito ng Crystal City.” Napapantastikuhang napatingin siya rito. Anong pinagsasabi nitong Crystal City? Alam niyang kagabi pa siya tulirong naglalakad kasama si Raberoo pero hindi niya makuha ang ibig sabihin ni Zach. ang alam lang niyang City ay ang Forest City at ang main capital City na Znthra. May ibang City pa ba siyang hindi alam? “Iu River, ‘yong kinabagsakan niyo ng tamed monster mo.” There! Naalala niya. Ang buong akala niya ay nasa Forest City iyon. Naguguluhan siya sa sistema ng mundong kinagagalawan nila. “H-hindi kita maintindihaan, Zach.” “Love,” tinitigan siya nito. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at giniya siya pabalik sa kama at pinaupo ro’n. “Listen, I need you to tell me. How did you get there? Magkakaaway ang turingan ng bawat guilds, but as long as you are under on my protection here, no one can harm you. But first you need to tell me.” Napailing-iling siya. Ang alam lang niya ay naglakad lang siya at naglakad. Walang tulugan sila ni Raberoo. Nakipagbuno sa mga halimaw at himalang nakakaligtas. “Hindi ko alam Zach. Ang alam ko, umalis ako sa Gudgeon. Umalis ako para hanapin si Kiyu kay Maskoro.” Napakuyom naman ang kamao nito at kitang-kita niya ang pagngalaiti ng bagang nito. “Hinayaan ka lang ng Captain niyong umalis?! Paano kung napatay ka ng mga halimaw na nakasalubong mo sa Forest City? Damn!” galit itong tumingin sa kaniya. “Hindi nila alam na umalis ako.” “Kahit na!” tumaas ang boses nito. “Delikado ang Znthra, alam mo ba ‘yon, Amulet! Napakawalang kwenta ng kapitan niyo at irresponsable. Hinayaan niya ang tulad mong umalis! f**k it. Damn, Amulet! Damn it.” “A-alam ko…” napayuko siya. Totoong delikado ang Znthra. “K-kailangan ko ng umalis, Zach. Naghihintay sa`kin si Kiyu—” Hindi niya natapos ang gustong sabihin nang yakapin siya nito. “Then I’ll go with you,” mahinang anas nito sa kaniyang teynga. “Ha?” “I’ll go with you, Amulet. I can’t let you die.” Parang may kung anong humaplos sa kaniyang puso sa sinabi ni Zach pero nang maalala niya ang pag-iwan nito sa kaniya dalawang buwan na ang nakaraan, umahon ang pagtatampo sa kaniyang puso. Marahan niya itong itinulak. “No. Hayaan mo akong umalis. Kaya ko ang sarili ko.” “Amulet… listen, hindi mo kaya ang sarili mo rito lalo na at baguhan ka pa lang,” pagsusumamo nito. “2 months ago, nakipaghiwalay ka sa pamamagitan lang ng isang salita. 2 months ago, iniwan mo ako sa ere. 2 months ago, hinayaan mo akong lamunin ng insecurities at sakit sa pag-iwan mo! 2 months ago, sinabi mo sa`kin ang larong ito at binawalan mo ako na pumasok kahit anong mangyari pero dahil sa larong ito, kaya mo rin ako iniwan. Iniwan mo ako na nangangapa mag-isa! Alam mong ikaw ang naging mundo ko, pero dahil dito… dahil dito, nakalimutan mo ang pangako natin sa isa’t isa. Nakalimutan mo iyon! Nakalimutan mo ako Zach, nakalimutan mo na may tayo.” “Amulet… let me explain.” Umiling siya. Hindi niya kailangan ang explanation ni Zach. masayang-masaya siya na makita ito at makausap pero may karapatan din siyang magalit sa pagbiglang abandona nito sa kanilang relasyon. Tapos umasta ito na okay silang dalawa? Alam nitong gaano niya ito kamahal tapos iiwan lang siya sa ere gamit ang isang salitang ‘good bye?’. “No! I don’t need those. Now, will you let me through? Kailangan ko pang hanapin si Kiy—” Naiwan sa ere ang kasunod niyang sasabihin nang sakupin ni Zach ang kaniyang labi. Sunod-sunod na nagsibagsakan ang kaniyang mga luha at wala ng lakas ang kaniyang kamay para itulak ito papalayo. Dahil ang totoo, si Zach pa rin ang nasa puso niya… ito pa rin. Samantalag si Akaara ay nanatiling nakatayo sa labas ng pintuan habang hilam ang mata sa luha. Hindi ito umiimik at hinayaan lang ng dalaga na pumatak ang mga luha nito habang nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawang taong ngayon ay magkahinang ang labi at kitang-kita ang pagmamahalan. “Siya pala si Amulet… A-ang babaeng sinasabi mong m-mahal na mahal mo…” -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD