Chapter 16

1840 Words
“Orion, we need to go back in the Gudgeon.” Marahan siyang napabuntunghinga sa sinabing iyon ni Casmon. Sumunod ito sa kaniya nung umalis siya sa silid ni Amulet. Nasa Forest City sila at naghahanap kay Amulet pero kahit sa radar item na kaniyang ginamit, hindi niya ito makita. Pasapit na ang gabi at ilang sandali lang ay maglalabasan ang mga halimaw. Hindi siya natatakot sa mga halimaw. Kaya nilang patayin ni Casmon iyon na isang kamay lang ang gamit dalawa.  Ang iniisip niya ay ang kalagayan ng babae at kung saan ito ngayon. “Where the hell is she!” “We need to go back, Orion or the whole guild you build will put into mess.” Napabuntunghinga siya. Matagal siya bago nakasagot, “Okay.” Napilitan siyang umatras. Kailangan niya rin kausapin ang kaniyang officials at may mahalaga siyang sasabihin sa mga ito. Hindi niya pwedeng hayaan mamatay sa loob ng Znthra si Amulet. - “Kanina ka pa ba rito, Akaara?” Ngumiti naman ang dalaga nang makita nito si Archer. “No.” Tumango siya at agad na nagsalita. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. “Kailangan ko umalis sandali sa Embers.” Walang reaksyon ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. “Bakit?” “I need to help her.” “Who is she?” “My long time girlfriend.” Matagal itong nakaimik at tinitigan siya ng dalaga na parang inaarok ang kaniyang mga mata. “Okay. But I’m going with you.” “No, Akaara. The guilds need you. You are the Co-captain and wiithout you, this guilds will—” “Carry on its own,” dugtong nito. “Ang sabi mo, sandali ka lang aalis. Kung gano’n babalik din agad tayo sa Embers. Hangga’t wala pa ang guild war, hindi pa delikado. Ang tanging kaaway lang ay ang mga halimaw na sakaling makakasalubong natin sa daan pero hindi na iyon bago sa`kin. Marami na tayong napatay na halimaw at kailangan mo ako sa laban.” “Listen Akaara, alam ko ang kakayahan mo. Pero kailangan ka ng Embers.” Hindi ito sumagot, tumalikod lang ito at nang sumulyap ito sa kaniya, nakita niya ang pagtalim ng mata nito. “Final na ang desisyon ko, isasama mo ako kung gusto mong makaalis ka ng walang problema. Kundi mapipilitan akong hamunin ka sa Arena at hamunin makipaglaban.” Saka ito umalis matapos nitong sabihin ang katagang iyon na ikinailing-iling ni Zach. - Napatitig si Amulet sa kaniyang pulsuhan kung saan nando’n ang kaniyang Healer Tattoo nakaukit. Mas lalong naging vibrant ang kulay nito. Hindi niya maintindihan kung bakit pero dahil siguro sa nangyari ito ng mga nagdaan araw. Pinisil niya ang kaniyang braso kung saan ang Znthra button saka lumitaw ang hologram sa ere. Nakita niyang nasa level 3 na siya. Napangiti siya. Mababang level pero malaki na iyon para sa kaniya. Siyempre, sa tulong din iyon ng kaniyang Raberoo. Konting drop items lang ang kaniyang nakuha at inipon niya ang mga iyon. nagkaroon na rin siya ng golds pero wala siyang nakuhang diamonds. Kailangan pa niyang maging malakas at tumaas ng level. Tama rin si Zach, paano niya kakalabanin si Maskoro lalo na ang Porku kung ganitong level siya meron? Baka isang galaw lang niya, namatay na siya. Hindi niya kakayanin si Maskoro pero paano na si Kiyu kung hindi siya maghahanap dito? “Before you were going to save someone else, save yourself first. Level 3 ka pa lang, Amulet. But I will help you to upgrade. Magtiwala ka lang sa`kin, okay? We will help your friend Kiyu.” Napatango siya nang maalala niya ang sinabi ni Zach. Aaminin man niya o hindi, kailangan niya ang tulong ng lalaki. Pride na lang niya ang nagsasabing hindi. Pero ang puso niya, nagsasabing kailangan niya ito. “Amulet.” Napalingon siya ng tawagin siya ni Zach. Napangiti siya nang masilayan ang kagwapuhan nito. “Hey!” “Dito muna tayo sa gabing ito, bukas na bukas din ay aalis tayo.” Napatango siya. Hindi na siya nagpumilit pa sa kagustuhan na umalis agad. Tanggap niya ng wala siyang kalaban-laban kay Maskoro. “Sure. Basta bukas din ay aalis agad tayo para hanapin siya, ha?” “Yes.” Ngumiti ito at lumabas ang magagandang dimple nito. Kahit wala pala sila sa totoong mundo, kaya pa rin nitong ipadama sa kaniya ang pagmamahal nito. Lihim na namula ang kaniyang pisngi. “Let’s eat?” “Ha?” Namula siya. “Eat what?” Iba  yata ang tinatakbo ng kaniyang utak. Natawa ito sa kaniyang reaksyon. “I love you everytime you blushed, love.” Nag-iwas naman siya ng tingin. “G-gutom na ako.” “Hmm, sabayan mo ako.” Hinawakan nito ang kaniyang kamay at sa isang kisap lang ng mata, nasa isang malaking silid na sila at nando’n ang iba’t ibang klaseng pagkain. Hindi pa man, nanunubig na ang kaniyang bagang sa nakita. Hindi lang prutas ang nakita niya, pati na rin kanin at ibang lutong karne at isda. Napatingin siya kay Zach at ngumiti lang ito sa kaniya. “Gutom na rin ako, love.”  Ngumiti ito. Muling sumingkit ang mata nitong kulay ginto at bagay rito ang mata nito ngayon. “Kailangan mong kumain ng marami para bukas may lakas ka.” “Yes po.” Natatawang sagot niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakakapagsalita ito ng tagalog kahit may American accent sa boses nito. Parang dati lang ay umiiyak ang araw sa tuwing tagalog ang lecture nila. Lagi itong nabubulol at napapa-face palm dati ‘pag tinuturuan niya. - Kinabukasan, maaga pa lang ay nagsimula na silang nag-gayak para umalis. Pinalitan din ni Zach ang kaniyang suot para hindi siya lamigin sa paglalakbay na gagawin nila. Isang white bustier blouse at labas ang kaniyang tiyan, kitang-kita rin ang ukit ng kaniyang cleavage. Pinaresan ito ng isang black leather shiny stretchy legging pants  at  mahabang kulay puting cloak. Masyadong revealing pero  nagustuhan niya. Habang sa kaniyang paa ay suot niya ay itim na boots. Isali pa ang arm bracelet niya sa kaliwa na hugis spiral at may tatlong crystal tulad  nung nasa gilid ng kaniyang mata.  Ibang-iba ang kaniyang dating nung tumingin siya sa salamin lalo na at ang buhok nya ay humaba iyon at naging dark brown curly. Kung nasa totoong mundo siya at ganito ang kaniyang pustura, mapapagkamalan siyang isang dyosa. Namangha siya sa bagong damit na suot niya at ang mahal din ng presyo ng binili nitong damit sa Znthra store. Nagkahalaga iyon ng isangdaan diamonds para lang sa isang damit. Ang totoo niyan, siya ang pumili at pinaunlakan lang siya nito gamit sa sarili nitong diamonds. “ “You look like a goddess love, a sexy goddess!” Natawa siya sa papuring iyon ni Zach at inismiran ito. Ang pagkakilanlan niya kay Zach, tahimik ito at hindi masyadong kumikibo pero pagdating sa kaniya, nagiging matabil ito at maingay. Pero ando’n pa rin ang paminsan-minsan na pagiging tahimik nito lalo na ‘pag sa maraming tao. Hindi ito nakikipag-usap sa ibang babae maliban na lang kung siya ang nagpupumilit na harapin at kausapin ang gustong makipagkaibigan dito. Ganito ang pagkakilanlan niya kay Zach nung lagi itong nagpupunta ng Pinas para bisitahin siya. Natigil lang ang pagbibisita nito sa Pinas nung sabihin nitong nawawala ang kambal nitong kapatid na hindi pa niya nakikita kahit sa picture. Mag-aapat na taon silang may relasyon ng binata. Desi-otso pa lang siya no’n nang sumubok siya sa isang dating site at trip na nakipagchat sa mga foreigners. Nung una, trip-trip lang at wala siyang pakialam dahil alam niyang mga manloloko ang mga nasa labas. Pero nung minsan isang araw, nakasalubong niya randomly si Zach, nagkaroon sila ng parehong taste sa isang bagay. Iyon ay ang mga kanta. Mahilig siyang kumanta at doon nagsimula ang lahat hanggang sa nakapaglagayan sila ng loob at nanligaw ito sa kaniya. Hindi rin niya pinatagal ang panliligaw ni Zach, agad niya itong sinagot at hindi siya nagsisi sa bagay na iyon. nagtapos siya ng Kolehiyo na may mataas na marka dahil dito at isa si Zach ang tumulong sa thesis niya sa at sa mga projects niya. Hindi pangkaraniwan ang utak nito at hindi sa exaggerated siya magkwento pero totoo iyon. Halimaw ang utak ng binata. Umabot muna ng dalawang taon bago sila nagkita ng binata at nasa Manila na siya nagtatrabaho. Naging malamig lang ang kanilang relasyon simula nung nawala ang kapatid nito pero pinili niyang intindihin ang lalaki. Pinilit niyang intindihin kahit nasasaktan siya. Hindi siya bumitaw, mas lalo niyang pinaramdam dito na nasa tabi lang siya rito kahit ilang milya ng kanilang pagitan dalawa. Ganoon niya ito kamahal! Para itong kabute, lilitaw sa video call at chats nila kung gusto nito. Hindi siya nagreklamo, inisip niyang naging emosyonal lang ito sa pagkawala ng kapatid nito at kaibigan na si Zaydan at Carver. Hanggan sa kinwento nito ang isang laro, Znthra, isang nakakamatay na laro ayon dito. “Amulet?” “H-ha?” napatingin siya kay Zach. Nakatitig ito sa kaniya ngayon. “They abduct you, right?” Nag-iwas siya ng tingin nang maalala ang gabing may humablot sa kaniya at sapilitan siyang pinasok sa isang van. Mahalaga pa ba iyon pag-usapan? “I am sorry. It is my fault. I never think of you. I thought they will never find your address. Si Zaydan ang kambal ko ang totoong dahilan kung bakit ako nandito, Amulet. Si Zaydan at Carver kaya ako nagpresintang pumasok sa larong ito kahit alam kong ayaw na ayaw mo. I’m sorry, nasama ka sa mitsang ginawa ko. Lahat ng lead na makakapagturo sa`yo ay binura ko pero hindi ko akalain na pati ikaw ay madamay sa ginawa ko.” “Z-zach…” Ngayon lang niya nalaman ang katotohanan. “Bakit ngayon mo lang sinabi ito sa`kin? Bakit hindi mo sinabi sa`kin noon?” “Dahil ayukong mapahamak ka.” “Zach, girlfriend mo ako…” “At sobrang mahal kita, Amulet.” Hindi siya nakasagot. Namayani sa kanila ang mahabang katahimikan. Marahan siyang humugot ng hangin at nilawakan ang pag-unawa, hindi ito ang panahon para maging emosyonal para sa kanila ni Zach. Wala sila sa totoong mundo kaya ang dapat niyang isipin ay ang kaligtasan nila. Ngumiti lang siya kay Zach at niyakap ito. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay kung paano sila makalabas sa larong ito at kung paano mahanap si Kiyu. Wala siyang karapatan magalit. Hindi siya magagalit kahit nagsinungaling ito. Gano’n pa rin ang kaniyang nararamdaman. “I’m… I’m sorry.” “No love, I should be the one saying sorry.” Ngumiti lang siya at nang humiwalay siya rito, ginulo niya ang buhok ni Zach na lagi niyang ginawaga rito nung nasa Pinas sila. “Natagpuan mo na ba ang kambal mo at kaibigan?” “Soon.” Ngumiti ito at hinawakan ang kaniyang kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD