Chapter 17

1754 Words
May gusto pa sana siyang sasabihin pero pumasok na si Akaara at sinabi nitong aalis na sila. Napabuntunghinga na lamang siya at pinilig ang kaniyang ulo. Ibig sabihin, mas inuna siyang tulungan ni Zach na hanapin si Kiyu kesa ang hanapin ulit ang kambal nito. Sa parteng iyon pa lang parang gusto niya nang umiyak. Siya pa rin pala ang inuuna nito at nanalangin siya na sana ay hindi siya maging sagabal nito sa kanilang paglalakbay. “Mas mabilis ang daan natin kung sa Main Capitan ang daan natin,” mayamaya ay saad ni Akaara. Nasa labas na silang tatlo at nagsimulang maglakad. Kaya ito tinatawag na Crystal City dahil lahat ng nakikita niya ay halos mga nagkikislapang crystal. Isali pa ang ang mga snowflakes na kaniyang nakikita. May parte ng paligid na napapalibutan ng yelo, may parteng hindi. Gusto sana niyang itanong kung bakit pero pinili niya ang magmasid. “That’s what I’m planning. Mas mabilis natin mahanap ang kaibigan mo, Amulet kapag sa Znthra City tayo magsisimula. Paminsan-minsan, nando’n si Maskoro.” Napalingon siya kay Zach na nasa kaniyang tabi. “Maskoro?” “Yes. Isa siyang player na tulad natin pero mas piniling mag-isa at  bumuo ng sariling guilds niya na sarili niya rin ang myembro. He’s dangerous. Kaya niyang magpalit-palit ng mukha kapag gusto niya.” Napalunok siya sa bahaging iyon habang si Akaara ay tahimik lang na nakikinig. Sigang-siga itong tingnan sa suot nito. “Pwedeng isa sa`tin ay si Maskoro. Ganiyan siya ka delikado, Amulet. Hindi mo alam kung sino at ano ang tunay niyang mukha. Malalaman mo lang na siya ang taong hinahanap mo kapag nagsuot na siya ng maskara at nag-summoned ng high class monster.” “Paano mo nasabi ito? Paano mo nalaman?” Ngumiti lang ito sa kaniya at ginulo ang kaniyang bangs na bahagyang tumapik sa kaniyang mata. “Archer knows everything.” Si Akaara ang sumingit. Napatingin naman siya rito at sandaling sumulyap ito sa kaniya. “Kaya kung ako sa`yo, maniwala ka sa kaniya kung sinabi niyang delikado o hindi. Alam ni Archer ang kaniyang pinagsasabi.” Marahan siyang tumango. Tatandaan niya ang bagay na ito simula ngayon. Sa kanilang paglalakbay, hindi siya nahihiyang mag-ensayo habang naglalakad sila. Nagmemerorya siya ng spells at ibang magic na pwedeng makatulong sa kaniya sa laban sakali. Pinagpraktisan niya ang mga dahon at bato na kanilang nadadaanan at nakikita niyang nagiging lumalakas kahit konti ang kaniyang skill. “Archer,” Si Akaara. Sandali silang nagpapahinga sa malaking bato habang siya ay umiinom ng tubig.  Nakaupo siya habang si Akaara at Zach ay nakatayo at nakatingin sa paigid, at alerto. Nasa Crystal City pa rin sila ayon sa kaniyang nakikita. “Yeah?” “Maybe we could use tamed monster to get us there.” Tinutukoy nito ang Znthra. “I’m afraid we can’t.” Napatingin naman siya kay Zach. “Bakit?” “Just trust me. We can’t used our tamed monster.” “Okay,” mabilis na sagot ni Akaara. Habang siya, nadagdagan na naman ang mga katanungan sa kaniyang utak. Bakit? Bakit bawal gamitin, anong meron sa Crystal City na pinagbabawal ng lalaki iyon? “Tapos na ang pagpapahinga natin, now let’s move.” Napatango siya sa sinabi ni Zach at tumayo. Kahit gusto niyang umupo muna sandali. Sandali siyang nag-unat ng kamay nang malakas na pagsabog silang narinig sa unahan. “Ano ‘yon?!” “Monster.” Si Akaara ang sumagot. “Ha?” “Stay on our back, Amulet. We’ll handle it.” Si Zach naman na mabilis hinawakan ang kaniyang kamay na pinaparamdam sa kaniya na ligtas siya rito. Pero gusto niyang lumaban! “Archer!” Nagulantang siya nang biglang may apoy ang papunta sa kanilang deriksyon. Hindi niya na magawang sumigaw nang yakapin siya ni Zach at mabilis na nailipat sa ibabaw ng mataas na kahoy. “Stay here love.” Mabilis siya nitong hinalikan sa noo at iniwan siya sa ibabaw ng sanga. Zach! pero naiwan na lamang ‘yon sa kaniyang lalamunan nung makita niya ang halimaw na sinasabi nito. Napakapit siya nang wala sa oras sa puno nang makita ang buong kabuuan ng isa, tatlo, sampong halimaw na nasa kanilang harapan. Para itong malaking puting oso na maraming pangil sa bibig at limang mata. Malalaki ang mga ito at kung siya ang tatanungin, hinidi niya iyon kakayanin. Napalunok siya ng wala sa oras. Tama si Zach, mas mabuting sa ibabaw ng sanga lang muna siya at baka  maging sagabal lang siya kapag nagkataon sa laban ng mga ito.   Napasinghap siya nang mula sa kung saan, lumabas ang malaking double edge sword ni Zach. Mahaba iyon at nasa gitna ng malaki at mahabang espada ang hawak niyon. Tingin niya, hindi basta-basta ang weapon nito na napapaligiran ng asul na enerhiya. Mag-ingat ka!  Napakagat siya nang labi nang magsimulang umatake ang mga halimaw sa mga ito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya si Zach na nakikipag-away. Pero pinapangako niyang hindi siya tutunganga lang sa ibabaw ng sangang kinauupuan. Gagawa siya ng spell at healing power kapag nasugatan ang mga ito na pinalangin niya na sana ay huwag. “Lightning arrow!” Napanganga siya nang magbitaw ng isang sibat si Akaara at tatlo ng halimaw ang natamaan. Napahiyaw ang mga ito sa sakit at hindi basta-basta ang kidlat na tumama sa mga ito mula sa kalangitan. Nakita niyang bumaba ang health points bar ng bawat halimaw pero hindi sapat iyon para mapatumba agad ito ni Akaara. Napabaling ang kaniyang tingin kay Zach, para itong hangin sa kaniyang mata na nakikipaglaban sa mga halimaw na galit na galit. Mukhang ayaw sila nitong palabasin ng Crytsal City sa mukha pa lang ng mga ito. Mabilis ang bawat galaw ni Zach at napapahiyaw ang bawat halimaw na tinatamaan ng double edge sword nito na napapalibutan ng asul na enerhiya. Napasigaw pa siya ng tuwa nang mapatay nito ang isang halimaw. Pinutulan nito ng leeg ang aatake sanang halimaw sa likuran nito. Parang mga laruan lang sa mga ito ang mga iyon at siya ay naging audience sa mga ito habang nakikipag-away. Hindi na pala niya kailangan gumawa ng protection spell dahil kung titingnan, parang balewala lang sa mga ito ang nakaaway. Ngayon lang niya napagtanto na hindi basta-basta si Zach at Akaara. Hindi na kataka-taka kung bakit Captain at Co-Captain ang mga ito. Nagpasalamat lang siya dahil hindi siya nakasalubong ng ganito karaming halimaw sa Forest City. Paisa-isa lang ang mga iyon kaya nagkakaroon sila ng pagkakataon ni Raberoo na tumakbo at magtago o kaya si Raberoo ang tumatapos sa mga ito. “Archer! On your back.” Si Akaara ang sumigaw at napatingin siya kay Zach. May isang halimaw na akmang bubuga ng apoy rito, akmang itataas niya ang ang kaniyang kamay para preteksyunan ang lalaki nang isang kisap lang ng mata, nakita niyang nasa likuran nang halimaw si Zach at tinusok ang ulo nito. Napahiyaw ang halimaw at dahan-dahan nawala ito sa hangin. Paano nangyari iyon? Nag-glitch ba siya? Gulat siyang napatanong sa kaniyang sarili. Hindi niya inasahan ang ginawa ni Zach. “Multi-lightning arrow!” Muling umulan ng sibat sa kalangitan at dertisong pinunterya ng mga sibat ang mga halimaw. Pero sa pagkakataong ito, hindi na tatlo kundi maraming sibat na tumama sa bawat katawan ng mga ito at si Zach ang tagatapos. Pinagpuputulan ito ng binata ng mga ulo saka tuluyan nawala sa hangin ang mga ito. Para siyang nanood ng movie sa kaniyang nasaksihan at hindi kapani-paniwala. Gusto niyang pumalakpak at sumigaw sa saya pero nang makita niya ang kakaibang titig ni Akaara kay Zach, biglang nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha. May karapatan siyang magselos pero hindi sa ganitong sitwasyon kaya pinilig niya ang ulo at hindi pinansin ang mga kakaibang titig ni Akaara.  Ang tanong na lang niya ay kung paano makababa ng kahoy. Pwede bang tumalong? “Amulet.” Nagulat pa siya nang may nagsalita sa kaniyang likuran. Doon lang niya napansin na nasa tabi niya na si Zach at nakangiti. “Alis na tayo?” Napatango lang siya. Hindi na siya umangal nung pangkuin siya nito at sa isang kisap lang ng mata, ay nakababa na sila mula sa napakataas na kahoy. “A-ang galing niyong dalawa.” “Don’t mention it.” Si Akaara na agad na tumalikod at naunang naglakad. “Tuturuan kita kung paano makipaglaban.” Nagliwanag naman ang kaniyang mata. Akala niya, hanggang magic at spell lang silang mga Healer? “Really?” Tumango ito at pinisil ang kaniyang ilong. “Yes but for now, we have to go and move forward. Ayaw mo naman sigurong kainin ng halimaw ang gwapong boyfriend mo rito, ‘di ba?” Natawa siya sa sinabi ni Zach. Kung ibang tao ang kaharap nito baka isipin ng kausap nito na seryuso ito. “What’s next?” mayamaya ay tanong niya kay Zach nung magsimula na silang maglakbay na parang walang nangyaring away laban sa mga halimaw. “Next is we are going to Znthra, love.” “Stop calling me love.” Natigilan naman ito at napatitig sa kaniya. “And why is that?” “Wala tayo sa totoong mundo, Zach.” Napatango naman ito na parang naintindihan ang kaniyang sinabi. “I get it. So what do you want me to call you?” “In Gudgeon, they call me Elowin.” Ngumiti ito at ginulo ang kaniyang bangs. “Okay, Amulet.” “Zach!” “See? You called me by my names. I will call you Amulet and you can call me here Zach. I don’t care if we are here stuck in Znthra and looking for your friend and our way out, I just want to cherish every seconds here with you now, Amulet.” Namula ang kaniyang pisngi sa deritsahang sinabi sa kaniya ni Zach. Tama ito, kahit naman siya, sanay siyang tawagin na Zach ito sa tunay na pangalan nitong Zacharius. “Kung habang-buhay kayong mag-uusap d’yan, mauuna na ako sa inyo.” Si Akaara. Ngumiti naman ng nakakaloko sa kaniya si Zach at hinawakan ang kaniyang kamay. “Let’s go, Amulet.” “Yeah.” Ngumiti rin siya. Samantalang sa isang kalayuan, napangisi ang lalaking nagngangalang Maskoro na hindi nila alam na nakamasid lang sa kanila. “The real game begin.” Tumalon ito mula sa mataas na puno at unti-unting naglaho ito sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD