“Thunder Lighting Purge!” Awtomatikong napapikit siya nang isang malakas na pag-ulan ng kidlat sa buong arena. Napatakip siya ng teynga at tama nga si Orion, mabubulag nga siya kung hindi siya agad pumikit dahil dama niyang malakas na skill ang ginawa ni Zach. nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa kaniyang katawan at dama niya ang impact dahil uminog ang buong arena at kasunod n’yon ay mahabang katahimikan. “Magwagi! Nakita niyo iyon! Nakita niyo ang ginawang Lightning purge ni Archer nang Embers mga manlalaro? Nagulat ba kayo? Talagang nagulat kayo dahil ako ay nagulat din! magwagi dahil ang nanalo sa araw na ito ay walang iba kundi si Archer ng Embers! Natalo niya ang isa sa pinakamagaling na si Maskoro! Akalain niyo iyon? isang malakas na palakpak naman diyan!” Umugong ang malakas

