“At ang kasunod natin kalahok sa araw na ito ay walang iba kundi si Maskoro nang Rock City! Naku! Mukhang magandang labanan ito ngayon. Sa taga-tagal, ngayon pa lang may sumubok ulit na makipagpatayan kay Maskoro. Kumustahin natin siya sa pamamagitan ng isang masigabong hiyaw!” malakas na saad ng announcer, nakaupo ito sa itaas at palutang-lutang sa hangin. Daring ang damit na kinulang sa tabas ng tela. Hiyawan ang buong paligid na parang sanay na sanay na ang mga players na nando’n na makakita ng mga players na magpapatayan. Lumabas si Maskoro at may suot pa rin itong maskara. Tahimik itong naglalakad papasok sa arena at nang magtaas ito ng tingin, deritso ang nakakatakot na mata nito papunta sa kaniya. Napalunok si Amulet. Hindi niya alam kung bakit siya nakadama ng takot sa tinging b

