Simula
Masyado akong namamangha sa paglibot ng aking mga mata sa kabuuan ng school namin. I'm from public school at ngayong high school na ako ay lilipat na ako sa pribadong eskwelahan dahil dito din grumaduate ang papa ko. Mahal pero kaya naman daw ang tuition bahala sila.Sana lang talaga di nanaman maging living hell ang life ko sa bagong school na ito.
"Kaya mo to Avyanna!"Pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko. Ito ang first day of school at wala pa akong masyadong kilala, iyong pinsan ko lang pero sa ibang section siya. Kainis sana kahit magkaklase na lang kami kasi kinakabahan talaga ako.
Mabilis ang araw na lumipas. Sa unang araw ng klase ay panay pagpapakilala lang naman ang ginawa, nakakabored. Wala din ako makausap kasi di naman ako sanay na ako ang nagaapproach. Sa mga libreng oras ko ay sa library lang ako nakatambay at nagbabasa ng mga horror story, mas nakakabored naman kung magpapasabog pa ako ng utak ko sa pag-aaral no. di naman ako studious.
"Hi Avyanna! Dun tayo sa gym kumain mamaya kasama si Coreen" ngumiti na lang ako sa kanya at tumango bilang tugon sa imbitasyon nya. So far sya at si Coreen ang pinakanaging close ko sa classroom. Kasi yung ibang mga nakasama ko tuwing break namin ay iniiwan ako bigla kahit nagpapaalam ako na may kukunin lang akong libro sa locker. Basta pag bumabalik ako sa table namin yung bag ko na lang ang natitira. Mga putspa.
Wala lang din naman sakin ang ganon dahil sa dati kong school ay mag isa lang din ako. Bahay at school lang talaga ako o kaya ay sa mga pinsan ko ako pumupunta pero yung kaibigang tulad ng iba ay wala talaga. Maybe I'm not that friendly and kalait lait kasi talaga ako kaya mas pipiliin nilang bullyhin ako kesa kaibiganin ako.
"Eunie, pasend naman sa akin yung assignment natin sa Science hindi ako nakakuha ng kopya e" message ko kay Euni dahil nawala sa isip ko ang assignment na yun, first subject pa naman iyon kaya hindi ako makakahabol kahit mangopya pa ako kay Euni dahil lagi din akong sakto kung dumating sa school.
Eunie:
Pano kung ayoko?:P
Panakunot ako ng noo dahil sa reply niya sa akin. Hindi naman sya ganito magtxt sakin kasi mahinhin yun at malambing.
Ako:
Dali na. Mapapagalitan nanaman ako sa klase kapag wala akong naipasang assignment ee. Pleasseeeee
Hindi naman nagtagal at nagreply agad siya. Ang bilis magreply ahh. Siguro'y wala syang ginagawa sa kanila ngayon.
Eunie:
Ayoko nga di ko naman alam yung assignment niyo ni Eunica.
Whaaat? Tiningnan kong mabuti ang Cellphone number at ang mga nakaraang conversation naming ni Eunie, tama naman ang numero na natext ko. Sino to?
Ako:
Sino ka?
Eunie:
Hindi ako sinuka, iniri ako ng mommy ko.
Nabwisit ako sa sagutan nung gumagamit ng number ni Eunie. Wala naman syang boyfriend kaya sigurado ako na hindi ito boyfriend. Napagdesisyonan ko na lang na wag na lang magreply. Bwisit! Aagahan ko na nga lang sa lunes ang pagpasok. Sana may magpakopya sakin para di naman ako masyadong gahol sa oras.
*KRINGG
Napalingon ako sa cellphone ko at nakitang si Eunie ang tumatawag. Hay salamat siguro Nabawi na nya ang phone niya.
"Eunie sino ba yung bwisit na may hawak ng phone mo! Pa—"
"Di kaya ako bwisit" naputol ang sinasabi ko ng narinig ko ang boses sa kabilang linya. Lalaki! Baka ito yung katext ko kanina. Ang lamig ng boses parang ang gwapo. Sino kaya ito?
"Hello? Sino ba to? At nasan si Eunie?" hininaan ko ang boses ko natural kasi na malakas ito dahil na din siguro kabitenya ako. Sabi nila malalakas daw ang mga boses namin e. tsaka nakakahiya ang ganda ng boses niya tapos ako parang palengkera.
"Wala siya, umalis kasama ang mama niya"
"Ah ganun ba, osige pasabi na lang na nagtext ako sa kanya"
"tss" lang ang narinig ko sa kabilang linya at bigla na din itong naputol.Like What the F? What was that