Chapter 02

1553 Words
Athena Kinabukasan... Hindi siya nagluto ng kakanin para ibenta, dahil kailangan niya ang natitira niyang pera sa pamasahe niya papunta sa bahay ni Gigi sa kabilang barangay. Mas mabuting maghanap na siya kaagad kaysa matapos ang isang buwan na palugit ni Don Ramon sa kanya. Sa tricycle siya nakasakay ngayon. Kinontrata niya ito hanggang sa bumalik siya sa barangay nila, kaysa maghanap pa ulit siya ng tricycle na iba, mas okay na rin iyon. Ang layo pa naman ng kabilang barangay dahil walang bahayan ang dinadaanan nila bago ang barangay kung nasaan si Gigi. Tumapat ang tricycle sa maliit na bahay na bahagyang malayo sa kalsada. Bumaba siya ng tricycle, pero parang walang tao sa loob ng bahay, nakasara ang kasi ang pinto. "Igilid mo na lang kuya ang tricycle mo." "Sige, Athena. Makikita mo naman ito pag labas mo." "Sige po." Lumakad siya palapit sa bahay ni Gigi. Tumigil siya sa tapat ng pinto ng bahay nito at kumatok. "Gigi! Tao po!" Ilang beses pa siyang kumatok pero wala namang nagbubukas ng pinto. Sinubukan niyang pumunta sa gawing bintana na bahagyang mababa at sakto ang mukha niya, kaya makikita niya ang nasa loob. Nakita nga niya si Gigi na tulog pa, nakalilis pa ang damit hanggang tiyan. "Gigi, gumising ka na tanghali na!" may kalakasan niyang saad. Tamad nitong dinilat ang mga mata, pero pumikit ulit. "Gigi!!" Napadilat ito ng tuluyan at tumingin sa bintana kung nasaan siya. Kumunot ang noo nito na mukhang inaalam kung sino siya, nang biglang nanlaki ang mata nito ng mapag-sino ang nasa bintana. "Athena?!" Ngumiti siya. "Ako nga." Nagmamadali naman itong tumayo at lumapit sa bintana. "Mabuti at napadalaw ka, ang tagal na rin nang huli tayong nagkita!" Masayang-masaya ang mukha at tono ng boses nito. "Alam mo naman na wala akong pahinga." "Sino ba ang meron, pero saglit lang, punta ka na sa harap ng pinto bubuksan ko ng makapasok ka dito sa loob." Umalis ito sa kwarto maging siya sa tapat ng bintana. Pumasok siya kaagad ng saktong pagbukas nito ay siyang pagtapat pa lang niya sa pinto. Napakunot pa ang noo niya habang umuupo dahil sa suot ni Gigi na short na masyadong sakat sa p********e nito. "Napansin ko lang. Hindi ba masakit?" Naguluhan naman ito sa tanong niya. "Ang alin?" Ngumuso siya sa gawing short nito. Napayuko naman si Gigi at napangiti. "Ayos lang hindi naman masakit, medyo maluwag naman." "Mukhang hindi, dahil bakit parang masikip at masyadong sakat sa p********e mo." "Ganito kasi ang sinusuot ko sa trabaho ko kaya sanay na." Napatingin siya sa mukha ng kaibigan niya. "Anong trabaho?" "Sa bar." Pumaling ang ulo niya. "Yung may mga umiinom at nagsasaya?" "Oo, pero teka napansin ko na ang laki ng eyebag mo, may problema ka siguro?" Maliit naman siyang ngumiti kay Gigi. "Meron nga, at malaki." Umupo naman ito sa tabi niya na mukhang makikinig ng mabuti sa sasabihin niya. Ganun naman si Gigi pag may problema siya, upo agad sa tabi niya at makikinig ito. "Ano 'yon? Baka matulungan kita." Napabuntong-hininga siya. "Kailangan ko kasi ng trabaho, yung malaki ang sahod, Gigi. May kailangan lang akong bayaran at malaki 'yon. Hindi sapat ang pagbebenta ko ng kakanin para makabayad sa isang tao." "Magkano ba?" "One hundred thousand." "Ha!" Gulat na gulat ito sa one hundred thousand na sinabi niya. "Oo nga, one hundred thousand." "Teka... paanong nangyari na may utang ka na one hundred thousand?" Gulong-gulo ito kasi paano nga naman sila magkakaroon ng ganung halaga na utang e kahit kumain lang sila ng kanin hindi sila nangungutang ng ulam sa tindahan. "May matanda kasi na nagbibigay ng tulong sa amin, ilang buwan na rin. Kahapon pumunta siya ng bahay para maningil sa tinulong niya, at ayoko ng gusto niyang kabayaran kaya magbabayad ako ng one hundred thousand pesos." "Bakit? Ano ba ang gusto niyang kabayaran?" "Ang maging parausan ako ng matanda na 'yon." Nanlaki ang mata nito. "Hindi nga?" "Oo nga." "Grabe naman pala ang matanda na 'yon!" "Sinabi mo pa.".Napatulala saglit si Gigi. Kaya pinukaw na niya ang atensyon nito. "Huy! Natulala ka na diyan." Maliit itong ngumiti habang kumakamot sa ituktok ng ulo. "Meron akong alam na kikita ka ng malaking pera, pero baka ayaw mo rin ng ganung trbaho." "Ano? Sabihin mo para malaman ko kung mag-aaply ako o hindi." "Maging special woman." "Special woman?" "Yes." "Ano 'yon?" Napangiwi at hindi niya alam kung ano ang itsura na pinapakita ni Gigi sa kanya. "Bayaran na babae sa bar namin." Napa-awang labi niya. "See, sabi ko naman sayo baka hindi mo magustuhan dahil parang walang pinagkaiba sa gusto ng matanda na sinasabi mo." Pinilig niya ang ulo niya. "Iyon ba ang trabaho mo?" Ngumiti ito at tumango. "Ayos ka lang sa ganung trabaho?" "Oo naman. Hindi naman kasi basta-basta ang makakatalik mong lalaki doon, mga bigatin at namimili rin ng ikakama, kaya kung mabenta ka, marami kang mauuwing pera sa isang gabi lang." "Ibig sabihin, maraming lalaki ang papasok sa ari ng babae?" Natawa ito. "Birhen ka pa pala. Oo, pero hindi naman sobrang dami, minsan mga tatlo lang dahil sabi ko nga hindi basta-basta. Ang mga lalaking gustong makipagtalik doon. Mga malilinis naman sila, gusto lang talaga nilang maglaro. Iyon ang mga lalaking ayaw magkaroon ng kasintahan o mapikot para mapakasalan." "Kumusta ka naman?" Ilang beses pa siyang pumikit. "Ako? Ayos lang naman ako, pero kung ang ibaba ko ang tinutukoy mo ay ayos lang din, pero minsan masakit dahil ang lalaki ng pumapasok sa akin." Nanlaki ang mata niya. "Gaano kalaki?" "Parang matabang ahas." Napalunok siya at hindi maiwasang isipin kung gaano kalaki ang matabang ahas. "Huwag mo ng isipin, Athena. Mataba talaga at malaki, pero masarap." "Huy! Yung bibig mo." Tinapik siya nito ng mahina sa balikat. "Ikaw naman. Ilang taon na lang ay mawawala ka na sa kalendaryo, kaya dapat mo ng malaman 'yon." "Gaano kalaki naman ang kinikita mo sa isang araw?" Tumingin ito sa taas habang nakahawak ang kamay sa baba nito. "Kung galante lahat ng makakatalik, mga nasa fifteen thousand pesos ang halaga ng nauuwi ko." Namilog ang mata niya sa laki no'n, kahit nga sa pagbebenta niya ng kakanin ay hindi niya kikitain 'yon, nasa 200 lang ang kita niya araw-araw, tapos si Gigi fifteen thousand? "Ang laki." Lumabas sa bibig niya. "'Di ba, kaya kung gusto mo ay sabihin mo lang. Alam kong parang hindi rin naiba ang gusto ng matanda na iyon sa magiging trabaho mo, pero mas okay naman na mga binata ang makatalik mo at hindi mo pa kilala, pagkatapos kasi ng pagtatalik, babayaran ka nila kaagad, hindi ka na nila kikilalanin o aalamin ang pangalan mo." "Pero parang ang hirap." "Sa una lang 'yon, Athena, pag nahawakan mo na ang pera na binayad sayo, mas lalo kang gaganahan na pumasok araw-araw sa bar na 'yon, safe din ang mga nagtatrabahong babae doon dahil may monthly check up kami. Taray 'di ba." Napapaisip tuloy siya sa alok nito. Oo nga naman mas mainam ng iba ang makatalik niya kaysa kay Don Ramon na baka hindi na siya pakawalan kahit paglabas lang ng bahay nito ay hindi na maka-apak ang mga paa niya, mas okay na rin siguro na mga lalaking hindi niya kilala ang makakatalik niya kaysa sa walang puso na si Don Ramon. "Madali bang makapasok doon?" Ngumiti si Gigi. "Oo naman. Walang papeles ang kailangan mong ipasa, ang gagawin lang ay ipapa-check-up ka muna nila bago ka matanggap, at sa tingin ko ay sobrang dali mo lang makapasok dahil ang ganda mo at sexy ka pa." "Ano naman ang koneksyon no'n sa magiging trabaho ko?" "Syempre meron, dahil bukod sa ikama ka nila gusto din ng ibang lalaki doon na maganda ang babae at sexy. At saka ang kagandahan sa bar namin, kahit hindi ka pumasok ng ilang araw ay okay lang dahil hindi naman sila ang nagpapasahod. Ganito ang gawain nila. " Umiba pa ng puwesto ng upo si Gigi. "Bawat mga lalaki at babaeng pumapasok sa bar na 'yon ay may binabayaran na sila, parang unli, kahit anong inumin o kainin nila ay okoy lang basta bayad sila sa one time payment na policy doon." "Magkano naman 'yon?" "Fifty Thousand Pesos." "Ano? Fifty thousand!" Gulat siya do'n, ang laki naman masyado. "Tsk. Mani na lang 'yon sa mga mayayaman. Mga Ceo, at kilalang tao kasi ang pumunpunta sa bar namin kaya ganun. Ito pa, hindi nagpapasahod ang bar namin, kung ano ang binigay sayo ng lalaking nakatalik mo ay yun na ang sahod mo hindi na sila kumakaltas doon." "Talaga?" "Oo, pero may downside din dahil minsan yung ibang mga lalaki ay gusto nila hard, yung tipong sakitan sa pakikipagtalik, magkakapasa at sugat ka talaga, pero grabe ang bigay teh, ten thousand pesos. Kaso pagod na pagod ka." Napangiwi siya, parang hindi niya kaya 'yon. "Kaya ano, gusto mo ba? Bukas na bukas rin ay pupunta na tayo doon." Nag-isip muna siya ng matagal, hinintay naman siya ni Gigi habang pinaglalaruan nito ang buhok at kuko. "Okay sige payag ako." Tinulak-tulak siya nito sa saya, masaya pa ata na papasok siya sa bar na pinagtatrabahuhan nito. "Ganyan nga, Athena. Lakasan ang fighting spirit para sa pinaglalaban mo." Tinaas pa nito ang kamay niya. "Sira ka talaga!" Nagtawanan silang dalawa, pero bago umuwi ay kumain muna siya kasabay ni Gigi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD