Muli na namang naglakbay ng ilang oras ang tricycle pauwi sa lugar nila. Nasa dalawang daan nga dapat ang bayad no'n, ang kaso tumawad na siya, kaya naging one fifty pesos na lang ang binayaran niya. Kailangan niyang may matira para sa pambili ng ulam, malapit na rin silang maubusan ng bigas.
"Nay nandito na po ako!"
Inalis niya ang tsinelas niya bago pumasok sa loob. Pero walang sumalubong sa kanya sa loob ng bahay.
Nasaan kaya sila?
Pumunta siya sa likod, pero wala naman din doon ang mga magulang niya. Pumasok na lang siya ulit sa loob at tiningnan ang kaldero, may kanin pa doon at dalawang tuyo sa ibabaw ng kanin. Tinakpan niya ulit 'yon at pumasok sa maliit na kwarto niya. Napaupo siya sa papag at napaisip dahil hindi niya natanong kung kailangan na bang magdala ng gamit sa bahay ni Gigi. Doon muna siya kung sakali na matanggap siya sa bar. Mas mainam ng kasama niya si Gigi, para hindi na siya pabalik-balik sa bahay nila na magpapamasahe pa siya. Nasabi din pala ni Gigi na may service ang mga babaeng nagtatrabaho doon, para siguraduhin na hindi na kung saan-saan magpupunta ang mga babaeng nagtatrabaho sa bar dahil malinis dapat ang babae pag pumasok doon, bawal din mag-boyfriend, kailangan malinis araw-araw, maging ang ngipin nila ay dapat buo lahat o kaya ipapasta at ipalinis, maglagay din ng konting makeup at pabango syempre. Mas okay na rin naman dahil kung siya ang tatanungin mas gusto niya ang malinis at maayos sa pananamit na tao.
Tumayo siya at kinuha ang bag niya sa cabinet, pero bago siya mag-empake ay sasabihin muna niya sa magulang niya ang gagawin niya, pero hindi bilang bayaran na babae, kun'di waiter lang sa bar. Ayaw niyang mag-alala pa ang magulang sa magiging trabaho niya, pero kung iyon ang mas kikita siya ng malaki ay hindi na siya mag-iisip pa ng ilang beses. Okay ng gamitin ng iba't-ibang lalaki ang katawan niya kaysa kay Don Ramon.
May narinig siyang nagbukas ng kaldero kaya binitawan muna niya ang bag, at lumabas. Nakita niya ang Tatay niya na kumuha ng plato at kanin, pero hindi ito kumuha ng tuyo, kanin lang ang kinakain nito ngayon.
Nangilid ang luha niya, minsan ay tinitira nito ang ulam para sa kanilang dalawa ng Nanay niya habang ang Tatay naman niya ay nagtitiis sa kanin lang, mas pagod naman ito dahil sa pagmemekaniko na minsan ay hindi pa binabayaran ng mga nagpapagawa dahil sa sobrang bait, kape at tinapay lang ay okay na sa Tatay niya, kaya mas gusto niyang kumita ng malaking pera para hindi na nito maranasan ang kumain ng walang ulam.
Pinunasan niya ang luha niya at huminga ng ilang beses, bago lumabas ng kwarto niya.
"Tay narito na ako."
Lumingon ito. "Kumain ka na ba? Halika sabayan mo ako."
Napatingin siya sa plato nito. Binuksan niya ang kaldero at kinuha ang isang tuyo doon.
"Ito Tay, ulamin mo na 'to. Kumain na ako kela Gigi, kaya busog pa po ako."
"Ganun ba. Ibalik mo na 'yang tuyo sa kaldero, ulamin mo mamaya. Patapos naman na ako."
Ayaw niyang umiyak sa harap ng Tatay niya, kaya nagpa-alam siya na pupunta lang ng banyo. Pagpasok pa lang ay binuhos niya ang luha niya ng walang maririnig na kahit anong ingay mula sa bibig at ilong niya, nakatukop ng damit ang mukha niya kaya maging ang sipon niya ay hindi rin natutuloy na lumabas dahil sa diin ng pagkakasubsob niya sa damit. Kung hirap na siya mas hirap ang magulang niya, pero iniisip pa rin nila ay ang kakainin ng anak kahit wala na silang ulamin. Sapat na sa Tatay at Nanay niya na kumain ng walang ulam, pero hindi rin niya kasi maiwasan na maawa sa mga ito kahit kontento na ang mga magulang niya sa kanin, bilang anak masakit iyon para sa kanya.
Hirap na hirap siyang pigilan ang paghikbi kahit meron ng damit sa mukha niya, kaya naman naghilamos na lang siya para mawala ang luha niya at ang sipon sa ilong niya. Baka pag mas lalo siyang mag-iiyak ay mapansin ng mga ito na namamaga ang mata niya. Kinalma muna niya ang sarili bago lumabas, nakita naman niya ang Nanay niya na papasok sa bahay habang may dalang basket.
"Nay. Saan ka po galing? Ano 'yang dala mo?"
"Ito ba?" Tinaas pa nito ang basket. Tumango naman siya. "Kay mareng Wilma, may gulayan kasi sila. Binigyan ako kahit konti, may ulam na tayo mamaya, igisa lang ito ay masarap na."
Ngumiti siya at kinuha ang basket nitong dala. Nang binuksan niya ay sitaw at patola ang nasa loob ng basket, siya na din ang nagputol-putol at nag-alis ng kaliskis ng patola habang ang Tatay at Nanay niya ay nqka-upo sa sala nila.
"Nay."
"Bakit anak?"
"Nakahanap na po ako ng trabaho."
Umaliwalas ang mga mukha ng magulang niya.
"Anong trabaho 'yon anak?"
"Waiter po sa isang bar."
Nagkatinginan ang magulang niya. "Hindi ba delikado anak doon kahit waiter ka lang?"
"Hindi naman Nay, mga disente naman ang mga tao sa bar na napasukan ko."
"Doon din ba nagratrabaho si Gigi?"
"Opo Nay, matagal na rin siya doon."
"Pero mag-iingat ka doon anak,baka mamaya ay may biglang mga lalaki doon na nagawawala."
Napangiti siya. "Huwag po kayong mag-alala, safe po ako doon, pero doon po muna ako manunuluyan sa bahay ni Gigi, para hindi na po ako gumastos at magpabalik-balik po doon, mas malapit po kasi ang bahay ni Gigi."
"Basta ba nasa mabuti kang kalagayan anak ay okay lang sa amin ng Nanay mo, pero doble ingat ka doon."
"Opo."
"Kailan ka pupunta ulit doon?"
"Bukas na agad.Nay, dadalhin ko na rin po ang ibang gamit ko."
Alam niyang magiging malungkot ang mqgulang niya sa desisyon niya, pero para sa ikagiginhawa naman ito ng buhay nila.
"Paalala ko lang Nay, Tay. Huwag na po kayong tatanggap ng kung ano man galing kay Don Ramon, kahit ano pa po 'yon ,kahit pagkain ay huwag na huwag, para hindi na po lumaki ang babayaran natin."
"Napag-usapan na rin namin iyon ng Tatay mo, Athena. Hindi na rin namin gusto ang ugali ni Don Ramon ngayon dahil nga sa nangyari, kaya hindi na siya makakapasok muli dito sa bahay natin."
"Mas mabuti na 'yon, Tay, at saka pag nagkaroon ng problema humingi po kayo ng tulong sa mga kapit-bahay po natin."
"Huwag mo ng isipin ang mangyayari dito, ang isipin mo ang trabaho mo, baka mamaya ay alalahanjn mo pa kami, at hindi makapag-pokus ,ayaw naman namin ng Nanay mo na masesante ka kagaad."
Ngumiti siya. "Opo, hindi na po."
Pinagpatuloy niya ang ginagawa niya ng natapos na sila ng mga magulang niya na mag-usap. Pinagkape na lag niya ang mga ito bago niluto ang uulamin nila mamayang gabi. Maaga siyang nagluto dahil kahoy ang gamit niya, may pagkakataon na ang hirap magpqliyab ng apoy kahit tuyong-tuyo naman na ang kahoy.
Pagkatapos nga pala niyang magluto at hinihintay na lang ang gabi ay hinanda na rin niya ang gamit niya. Nasabi niyang may trabaho na siya, pero hindi pa naman siya sigurado na matatanggap siya sa bar. Pero alam niya sa sarili niya na malinis siya at wala siyang sakit , kaya nanalangin na lang siyang wala talaga para makapag-umpisa na rin siya sa wakas, at matulungan na rin ang magulang niya ng tuloy-tuloy.
Sumapit ang alas-siete ng gabi ay kumain na rin sila, mabuti na lang at may dalang gulay ang Nanay niya, hindi na puro kanin lang ang kinakain ngayon ng Tatay niya. Magana pa nga itong kumain ng kanin habang humihigop ng sabaw maging ang Nanay niya, nakangiti siyang sumusubo ng kanin dahil alam niyang masaya rin ang magulang niya na may ulam sila ngayong gabi. Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga lang saglit ang magulang niya sa sala, siya naman ay naghugas ng pinggan, isang oras lang ata ang pagitan ay pumasok na ang mga ito sa sariling kwarto at natulog. Wala silang t.v, kaya maagang natutulog ang magulang niya. Noon ay balak talaga niyang bumili para kahit paano ay may libangan ang mga ito, pero nangatwiran ang Tatay niya na dagdag lang sa kunsumo sa kuryente iyon kaya hindi na siya nagbalak. May ipon kasi siya noon galing sa pagbebenta ng kakanin, pero naubos din kaagad ng dinala niya sa maliit na ospital ang Tatay niya para gamutin ng ilang araw. Ang hirap din pag wala talagang hawak na pera, lalo na pag may emergency, hindi niya alam kung saan pupunta dahil walang-wala rin naman ang kapit-bahay nila.
Nang natapos na siya sa paghuhugas ng plato at mga ginamit niya sa pagluluto ay pumasok na siya sa kwarto niya. Tumihaya siya ng higa habang nqkatitig sa yero ng bahay nila.
Sana naman sa pinili niyang trabaho ay kahit paano ay makabayad siya ng paunti-unti kay Don Ramon. Hinihiling din nia na sana kung may customer man siya ay yung mayaman na.para malaki ang ibigay lalo na sa unang lalaki na makakatalik niya dahil makukuha nito ang pagka-birhen niya, at sana dumating ang panahon na kung meron man na iibig sa kanya ay tanggap siya sa kung ano ang naging trabaho niya.