Athena
Kinabukasan...
Mga bandang hapon na siya umalis ng bahay nila para pumunta ng kabilang barangay. Nagbilin pa ng ilang beses ang Nanay at Tatay niya bago siya maka-alis. Unang beses din na mapapalayo siya ng matagal sa magulang niya. Dala ang isang bag na malaki, at doon nakalagay ang lahat ng mga hindi pa niya nagagamit na damit hanggang sa underwear at bra niya.
Pagtigil pa lang ng tricycle sa tapat ng bahay ni Gigi ay nakita niyang bukas na ang pinto ng bahay nito. Nagbayad lang siya saka diretso pasok na sa bahay ni Gigi, hindi na siya kumatok pa, bukas naman ang pinto.
"Gigi! Pumasok na ako ng bahay mo."
Lumabas ito ng kwarto na bagong ligo rin habang nagpupunas ng basa nitong buhok. Tiningnan niya rin ang suot nito, naka-tube at shorts na maikli.
"Ganyan ba ang isusuot mo papunta roon? Hindi ba puwedeng doon na lang magpalit ng ganyan na damit?"
"Hindi puwede, Athena. Pagpasok pa lang kasi sa bar dapat ready ka ng makihanay sa mga ka trabaho mo, para in case na may pumili sayo sa picture ay nandoon ka na. Hindi puwedeng saka ka palang mag-aayos pag may customer ka na."
Kumunot ang noo niya. "Picture?"
"Nakalimutan ko pa lang sabihin. Ang mga costumer ay sa photo album namimili ng babae, sa isang page picture mo lang ang nandoon mula sa mukha, harap, likod ng katawan, pero dapat parang palaban ang kuha mo doon, hindi puwedeng inosente ka."
"Ang galing talaga nila na naisip pa nila ang ganun, puwede namang mamili habang nakaupo ang mga babae na magkakatabi?"
Tumaas ang kamay nito at tila mali ang naisip niya. "Mas lalong hindi makakapili ang customer pag ganun, syempre kanya-kanya ng labas ng asset pag ganun, kaya mas lalong hindi maakakapili ang lalaki, naguguluhan ba." Tumango-tango siya. "Wait ka lang muna diyan mag-makeup lang ako saglit at ayos ng buhok."
Pumasok muli ito sa kwarto at siya naman ay naghintay lang sa sala ng bahay ni Gigi, halos isang oras din ang tinagal nito bago lumabas. May kolorete na ito sa mukha at nakakulot na rin ang buhok nito na hindi na basa.
"Tara na... teka." Tumingin ito sa kanya mula ulo hanggang paa at bahagyang napangiwi. "Magpalit ka, masyadong pang inosente ang suot mo. Teka sandali.."
Pumasok na naman ito sa loob ng kwarto."Ito, suotin mo 'to." Kinuha ang kamay niya ni Gigi at pinahawakan ang damit at short nito. Niladlad niya iyon, pero nalukot kaagad ang mukha niya sa itsura.
"Masyadong malaswa ang damit na 'to, Gigi."
Nanlalaki naman ang mata nito."Ano ka?! Ganyan din ang susuotin mo parati pag natanggap ka na, kaya mas mainam na masanay ka na, pagkatapos ay aayusan ko na rin ang mukha at buhok mo."
Tinulak siya nito sa kwarto. Ilang beses pa siyang napabuga ng hangin bago sinimulang maghubad at isuot ang mga damit ni Gigi. Pagkasuot pa lang ng short ay pumasok kaagad ito at hinila siya papunta sa harap ng salamin. Sinimulan ng maglagay ng kung ano-ano sa mukha niya, kinulot din ang buhok niya ng malalaki tapos ay sinuklay, parang bewang lang siya ng buhok na marami, nilugay lang ni Gigi iyon.
"Grabe, mas maganda ka talaga sa akin, Athena."
"Hindi naman."
"Tingnan mo kaya yung salamin. Lumutang ang beauty, pero maganda ka pa rin kahit wala kang makeup. Sigurado ako matatanggap ka do'n, kaya tara na alis na tayo medyo nagdidilim na rin naman sa daan."
Umalis sila mga bandang mag-ala-sais na ng gabi, kaya medyo may kadiliman na nga sa daan. Sumakay sila ng tricycle papunta roon. Nagpaalam pala si Gigi na absent ngayon, kaya hindi sinundo ng service, hatid-sundo kasi sila Gigi.
Nang nakarating na sila sa lugar kung saan nakatayo ang bar ay namangha siya dahil ang ganda at mukhang desente nga ang mga pumapasok doon, base sa mga suot ng mga lalaki at babae. Naka-formal na mga suot, katulad ng modernong barong at mga bestida.
"Ganda 'di ba? Aakalain na hindi bar pag sa labas, pero mas mamamangha ka sa loob kaya tara na."
Lumakad sila papasok ng bar, tinitingnan pa niya ang mga tao na papasok at palabas. Wala siyang makita na walang may itsura sa mga ito lahat maganda at gwapo. Nang tuluyan na silang nakapasok ay napa-awang ang bibig niya dahil sa ganda sa loob, parang bar na may halong pagka-restaurant ang paligid, ang lawak din ng loob ng bar, kaya malayang nakakagalaw ang mga tao kahit madami sila sa loob.
"O, tikom mo 'yang bibig mo, baka pumasok ang langaw." Bahagya pang tumawa si Gigi. Hinila naman siya papunta sa isang maliit na daan, at habang palayo sila ay tumatahimik na sa puwesto na 'yon. Pumasok sila sa isang kwarto, meron isang matandang babae na nakatutok ang mata sa isang papel.
"Boss." Tawag ni Gigi.
Napakunot naman ang noo ng matandang babae. "Bakit nandito ka? Akala ko ba ay hindi ka papasok ngayong gabi?"
"Hindi nga, boss. May mag-aaply lang ng trabaho para maging Special Girl ng bar na 'to."
Hinila siya nni Gigi paharap sa matandang babae, tumaas naman ang kilay nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"Maganda siya, at sexy, pero ang tanong... qualified ba siya?"
"Yes na yes boss, mula ulo hanggang paa, kahit loob ng pagkatao niya qualified," sagot ni Gigi.
Tumingin ito sa kanya ng matagal at parang sinisilip pa ang likuran niya. "Okay sige, check up na lang ang kulang sa kanya, bukas ng umaga ay bumalik kayo rito para ma-check-up siya at pag nalaman ko na okay siya puwede na agad siyang magtrabaho pag sapit ng gabi bukas."
Bumukas ang kaligayahan sa mukha ni Gigi ng marinig iyon, maging siya ay napangiti. "Thank you, boss!"
"Siya sige na labas na, meron pa akong gagawin."
"Yes boss, thank you talaga."
Bahagya lang itong ngumiti bago tinuon ang mata sa papel na nasa table nito.
Lumabas sila ng kwarto habang nagtatalon si Gigi sa tuwa habang siya ay nakangiti lang sa kaibigan, pero nagulat din nang may bumangga sa balikat niya na isang lalaki na mukhang papunta sa isang kwarto rito, nasa daan kasi sila.
"Pasensya na." Yumuko siya ng bahagya, pero umangat ng bahagya ang mata niya, pero hanggang dibdib lang ng lalaki ang nakita niya, binase niya na lalaki ito sa suot nito. Nakahinto pa rin ito sa harap niya, kaya balak na sana niyang tumingin sa mukha nito pero umalis na ito at naglakad, nakita na lang niya na nakataas ang isang kamay nito. Iyon siguro ang ibig sabihin na okay lang ito. Nagkibit-balikat siya habang ang kaibigan niya ay hindi man lang napansin na may nakabangga na sa kanya. Ngiting-ngiti pa rin.
"Parang ikaw ang malapit ng matanggap sa trabaho sa ating dalawa. Ang wagas mo namang makangiti."
"Masaya talaga ako para may magka-chikahan naman ako dito."
"Bakit? Wala ka bang masyadong ka-close dito?"
Napa-irap ito at tumingin sa daan patungo sa maraming tao. "Hindi imasyado, ang iba kasi ay selosa. Pag madalas napipili ang isang babae ay iba na ang tingin ng mga ito, parang threathen na ang babae na 'yon sa kanila, aba sisihin nila yung mga lalaki na madalas piliin kaysa sa kanila. Pero hanggang tingin lang naman ang inggit nila dahil ayaw ni boss na may nag-aaway dito mismo sa loob ng bar, puwede sa labas pero dito ay hindi puwede."
"Akala ko pa naman okay ang mga babae dito na nagtatrabaho."
"Sinabi ko naman sayo, ang magiging pera mo lang ay pag maraming kumuha ng serbisyo mo, at malaking magbigay, kung hindi kuhanin ang isang babae wala silang mauuwi kahit piso, kaya ikaw pag-oras na nakuha na ang pinagkaka-ingatan mo ay paghusayan mo ang paggiling sa ibabaw sa susunod para kung sakali na bumalik sila dito at ikaw pa rin ang kuhanin."
Napangiwi at napakagat labi siya sa sinabi ni Gigi. Wala ng atrasan talaga 'to.
"Libri ba ang alak dito para sa atin?"
"Hindi, pero puwede kang uminom sa kwarto pag may customer ka, may isang bote doon na kulay dark brown ang puwede mong inumin, wine lang 'yon. Huwag mong iinumin ang ibang kulay ng bote dahil masyadong matapang, at tanging mga customer lang ang umiinom no'n."
"Okay, tatandaan ko 'yan."
"Halika, labas na tayo, kain muna tayo diyan sa tabi ng bar ng mga tinutusok-tusok. Masarap silang gumawa ng sauce e."
Magkahawak silang dalawa ni Gigi habang palabas ng bar, at nang nakalabas na sila ay nakita nila kaagad ang tinutukoy ni Gigi. Pero grabe, nang maamoy pa lang niya ang piniprito ay nagutom kaagad siya, wala pa pala silang kain ng hapunan. Libri muna ni Gigi ang binili nito para sa kanya sa ngayon.
Habang kumakain ay napapasunod pa ang mata niya sa mga lalaking naglalakad papunta sa mga sasakyan nito, ang yayaman at gwapo talaga ng mga ito lalo na habang pasakay ng sasakyan. Napansin pa niya yung isa na mukhang iyon ang nakabangga niya kanina, base sa kulay ng suot nito, pero ang mukha ay hindi niya nasilayan kahit konti. Nakadalawang cup ata siya ng fishball at kikyam, sinamahan pa ng siomai, kaya busog na busog ang tiyan niya ngayon. Hindi naman magtatrabaho si Gigi ngayon kaya uuwi na sila at babalik na lang bukas dito ng umaga.