Athena
Pagkatapos kumain ay hindi muna sila umuwi kaagad ni Gigi, dinala siya nito sa isang pamilihan ng mga damit na mura dahil kailangan niya daw iyon para kung sakali na okay na ang check-up sa umaga ay hindi na siya maghanap ng damit na susuotin niya sa gabi
Nasa isang open place sila ngayon, at doon nakatayo ang mga nagbebenta ng kung ano-ano, damit, sapatos, laruan, bag, at iba pa. Sa pinasukan nila ni Gigi ay puro fifty pesos ang mga damit at shorts, meron ding dress.
"Ito Athena, bagay sayo."
Kinuha naman niya iyon at tiningnan, parang pinagretasuhan na tela lang na may maninipis na tela para pang tali sa katawan. Pag nahila pa ang tali sigurado kita na ang dalawang bundok niya.
"Huwag 'to, gusto ko yung parang suot mo noong isang araw, yung kalahati lang na tela na sakop ang harap hanggang likuran."
"A... yung tube style. Ayaw mo talaga nito? Mas okay kaya 'to para madaling alisin."
Umiling siya. "Ayoko niyan, yung tube na lang."
"Okay sige ihahanap kita dito."
Naghanap ng naghanap si Gigi maging siya ay kumukuha na rin ng pang araw-araw niyang damit, babayaran na lang niya ito pag may pera na siya. Ang lahat ng napili ni Gigi ay mapapangiwi na lang talaga siya, hinaluan kasi nito ng ibang damit at shorts na sobrang ikli, kita na ang singiti niya, nagdagdag rin ito ng dress na maganda, at yung dress na pang-akit daw. Hindi na siya nagreklamo kailangan naman talaga niya sa trabaho iyon lahat.
Nang okay na sila at nabili na ang kailangan niya ay diretso na silang umuwi, pagod na pagod ang paa niya kakatayo,kaya napaupo kaagad siya sa kahoy na upuan ni Gigi.
"Kapagod 'di ba? Mas masarap pa lalong mamili pag may madaming perang dala."
Maliit siyang ngumiti."Babayaran kita sa pinamili mo pag natanggap na ako at may unang bayad ang serbisyo ko."
"Huwag mong alalahanin 'yon, konting bagay lang naman iyon."
"Basta babayaran kita."
Napailing ito. "O siya sige matulog na tayo, maaga pa tayo bukas dahil buong katawan mo ang titingnan. Tabi na tayong matulog, walang kama sa isang kwarto e.
"Sige."
Nagtanggal lang sila ng makeup at nag-toothbrush na rin bago nahiga. Nang lumapat ang likod niya sa higaan, inantok kaagad siya kaya ilang minuto pa lang nakatulog na siya.
Kinabukasan...
Nasa bar na sila ngayon at hinihintay na lang ang driver na magdadala sa kanila sa kung saan man. May kasama silang isang babae na mukhang ito muna ang titingin sa lahat ng resulta ng check-up niya bago ang boss.
"Halina kayo, nandito na pala si Mang Pedring."
Sa isang L300 pala sila sasakay ngayon, mukhang ito rin ata ang service na sinasabi ni Gigi na sumusundo at naghahatid sa kanila sa mga bahay nila.
Huminto sila sa harap ng isang dental clinic mukhang ngipin niya ang titingnan sa una. Linisin lang naman ang ngipin niya at may dapat lang na pastahin, pero lahat ay okay naman na, at nagsunod-sunod na ang pinuntahan nila, sa oby-gyn, sa lugar kung saan nagpapa-check-up ng tenga, sa mata, at iba, ang lahat ng 'yon ay gastos ng may-ari ng bar para masiguro lang na walang problema sa babaeng ipapasok sa bar. Sa sobrang dami ng pinuntahan nila, nagpaikot-ikot ang L300 para pumunta lang sa clinic ng mga iyon. Inabot na sila ng tanghali sa labas at kakaikot ng sasakyan, inaantok na tuloy siya.
Nang oras na bumaba sila ng tapat ng bar ay sa likuran sila dumaan, hindi kasi bukas ang main door dahil hindi pa naman sumasapit ang gabi. Binigay agad ni Gigi ang resulta sa boss nito.
Sinuring lahat ng matanda ang resulta, ilang pages din iyon dahil iba-ibang doctor ang tumingin sa kanya, kaya iba-iba rin ang papel na kailangan nitong basahin.
Habang silang dalawa ni Gigi ay malamig na ang kamay sa kakahintay na matapos ito.
"I guess..." Tumingin ito sa kanya. "Ready ka ng pumasok dito mamaya."
Nanlaki ang mata nilang parehas ni Gigi. "Tanggap na siya boss?"
"Yes."
Nagtatalon silang parehas na parang nanalo sa loto.
"Huwag muna kayong magsaya diyan Gigi, dalhin mo siya kay Greg, para makuhanan ng litrato at masama na kaagad sa album ng mga Special Girl natin."
"Okay boss."
Hinila siya ni Gigi at dinala sa isa pang kwarto doon. Pagpasok pa lang nila ay mga gamit sa pagkuha ng litrato ang makikita doon.
"Hi, Greg. May bago tayong Special Girl."
Napatingin naman ito sa kanya, matanda na rin ito katulad nung boss nila.
"Aba ang ganda niya, sigurado ako maraming magiging customer itong si ineng."
"Naku, sinabi mo pa, pero nasaan muna yung damit na dapat niyang suotin bago kuhanan ng litrato?"
May kinuha ito sa isang plastic na damit na parang dress, at binigay kay Gigi. Hinila siya ulit nito sa isang may harang lang na kurtina at pinagpalit kaagad. Medyo revealing ang suot niya ngayon, bahagya kasing litaw wng hiwa sa pagitan ng dibdib niya, may slit pa ang damit hanggang ibabaw ng gilid ng panty niya, malinaw pa nga ang dress na parang wala rin namang nilagay.
Nangg okay na ay hinila muli siya ni Gigi at inupo sa isang upuan sa harap ng mga camera. Umanggulo siya ng ilang beses para makuhanan nito ang gusto nitong shot mula sa kanya, walang kuha na nkangiti siya dahil bawal. Sumenyas ito ng okay na, kaya nagpalit na siya ng damit habang si Gigi ay nakikitingin sa camera ng matanda.
Tiningnan siya ng kaibigsn niya. "Puwede ka ng maging super model sa litrato mo, parang photoshoot para sa isang magazine e."
"Puwedeng makita?"
"Oo naman, halika"
Sumilip siya, pero nasa laptop na nito ang picture niya, pero ang ganda nga ng kuha, parang hindi siya mukhang mahirap at walang alam sa mundo.
"Pag ayaw mo na dito, mag-model ka na lang, pasok ka kaagad doon," saad ng matanda.
"Ay bet ko 'yon, Greg, pero alis na muna kami. Thank you ha."
Medyo inaantok talaga siya. "Uwi na tayo, Gigi. Inaantok ako e."
"Ang hina mo naman sa lakaran."
"Ang hangin kasi kanina habang papunta tayo sa kung saan-saan, umiikot pa ang sasakyan dahil sa dami nating pinuntahan."
"Sabagay."
Lumabas sila ng bar sa likod, pero nang nasa bandang harap na sila ay natigilan si Gigi.
"Teka... parang may nakalimutan ako sa loob."
"Ano?"
Napatampal ito sa noo. "Hindi ko nasabi kay boss na tapos na, baka mamaya ay hindi malagay sa album ang picture mo pag di ko sinabi. Dito ka na lang sandali lang ako."
Tumango naman siya at maghihintay sa isang tabi, pero bago pa man siya makapaglakad at makapunta sa gilid ng daanan papunta sa likod ng bar ay may nakabangga na naman sa kanya, kaya bahagya siyang napa-atras at napangiwi dahil medyo malakas. Ang malas naman niya ata, palagi na lang siyang nabubundol ng tao.
Tumingala siya at tiningnan ang mukha ng tao na 'yon, pero halos itakip na sa buong mukha ang cap nito na itim, labi lang nito ang kita na parang hindi rin. Nag-hand sign ito na hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin bago tumakbo papasok ng bar sa pinto sa likuran.
Dapat ata apat ang mata niya para makita niya kung may tatama ba sa katawan niya, puro mga lalaki pa naman ang 'yon, matitigas ang mga masel. Gumilid na siya, at habang hinihintay si Gigi ay napapahikab talaga siya, pero nang isang hikab pa ay padaan na ulit ang lalaki kanina. Huminto ito habang nakanganga siya, kaya tinikom niya iyon at umiwas ng tingin dito, pero nagulat siya ng bigla nitong kuhanin ang kamay niya at may nilagay na papel doon saka kumaripas ng takbo.
Ilang beses pa siyang napapikit habang nakatingin sa palad niya ngayon. Tumingin siya muli sa daan kung saan ito tumakbo bago niya buksan ang papel.
I'm sorry, nagmamadali kasi ako, kaya hindi kita napansin.
Iyon ang nakasulat sa papel. Hindi ba nakakapagsalita ang lalaki na 'yon kaya ang-effort pang magsulat para lang mag-sorry?
"Athena!"
Mabilis niyang tinago ang papel at lumingon kay Gigi. "Ang tagal mo naman sa loob."
"Pasensya na, may pinag-usapan lang kami ni boss."
"Tungkol saan?"
"Wala lang 'yon, sinabi lang niya ang upgrade, pero hindi naman direct to the point na sinabi kung ano 'yon."
"Hindi ba tungkol sa akin?"
"Hindi, baka tungkol sa ginagawa ng Special Girl sa kwarto, baka magkaroon ng ibang rules kaya ganun. Inaantok kasi ako habang kinakausap ni boss, hinawaan mo pa ako."
Ngumiti siya. "Sabi ko naman sayo umuwi na tayo para makatulog muna bago bumalik ulit dito, puyatan ata ang mangyayari sa tin mamaya."
"Oo nga pala, hanggang alas-dose nga pala tayo ng gabi dito."
"Kaya tara na para magkaroon pa tayo ng oras para matulog."
Naglakad naman sila papunta sa isang tricycle, pero nakita niya ang lalaki kanina na nakatayo sa kabilang kalsada, umangat saglit ang ulo nito na may suot ng cap nito, pero hindi pa rin niya nakita ang buong mukha nito hanggang sa makasakay sila ng tricycle. Pero lilipat ang tricycle sa gawi nito para tama ang lane, nakatayo lang ito habang palapit sila, pero yumukong-yuko ito ng saktong tatapat dito ang tricycle nila. Nagtaka siya sa ginawa nito o sadyang sakto lang na yumuko ito ng dumaan sila? Hindi na lang muna niya inintindi dahil inaantok na naman siya dahil mahangin sa tricycle. Tumatama sa mukha niya ang hangin kaya mas lalong nakakadagdag sa antok niya iyon.
Pero pag-uwi at pag pasok pa lang ng bahay ni Gigi, higa agad siya sa kama nito sa kwarto habang si Gigi ay pumunta pa ng kusina, kaya hindi na niya alam kung nahiga rin ito at natulog.