Chapter 06

1514 Words
Brix Malas ata siya ngayong araw, coding ang kotse niya, naiwan ang wallet niya sa bar, may nakabunggo pa siyang babae kanina, sumabay pa si Hernandez na iniwan siya kaya naghihintay siya ngayon sa tabi ng kalsada, at medyo matagal na siyang nakatayo doon mga twenty minutes, ang init pa ng suot niya sumasabay pa sa init ng araw. Tinanggal niya ang cap niya at ginulo ang buhok niya dahil basa na ng pawis, tumalsik pa nga nang iniling niya ang ulo niya. May humintong kotse sa tapat niya, binaba nito ang bintana ng kotse. Nakangisi na si Hernandez ang bumungad sa kanya ngayon. "Ang sabi ko ay sandali lang ako sa loob. Bakit umalis ka kaagad?!" Inis niyang bungad na sermon dito. "May binili lang ako diyan sa malapit." "Anong malapit? Kanina pa ako sa dito sa gilid ng kalsada habang tirik na tirik ang araw, tapos sasabihin mo sa akin na sa malapit ka lang pumunta!" Napahimas ito sa batok. "Malapit nga lang, matagal lang magbenta yung tindera." Naningkit ang mata niya. "Matagal nga ba o nilandi mo pa bago ka bumili." Pumaling ang ulo nito. "Parang ganun na nga." Napapailing na lang siya habang naglalakad sa kabilang side ng kotse nito, pagkasakay niya ay pinaharurot na nito ang kotse ng hindi pa siya naglalagay ng seatbelt. Minsan tarantado rin 'tong si Hernandez, daig pa ang boss sa kanilang dalawa. Nakarating sila sa tapat ng headquarters na nakakapit pa rin siya sa pinto at upuan ng kotse, kung hindi nilapad na siya papunta sa likod ng kotse. Naunang lumabas si Hernandez, kaya nagmamadali rin siyang lumabas ng kotse, at sinara ang pinto ng malakas. Napalingon naman ito sa kanya. "Ikaw magdahan-dahan ka nga minsan!" Inis niyang saad kay Hernandez. "Bakit?" Habang nakataas pa ang dalawang kilay nito sa kanya na parang walang ginawang kasalanan. Napahawi siya sa buhok niya. "Pahiram na lang ng kotse mo pag coding ako. Iinit lang lalo lang ang ulo ko sayo, pag kasama kita." Ngumiti ito. "Aalis ka ulit mamayang gabi 'di ba, at coding pa rin ang sasakyan mo. Sama na lang ako sayo." "Hindi puwede." "Sige na, gusto ko ring magsaya doon, ang tagal na ng huli kong s*x e." "Ang mahal doon, ikaw ang magbayad ng para sayo at sa babaeng ikakama mo do'n." Humalukipkip ito. "Kotse ko naman ang gagamitin kaya ilibre mo ako ngayong gabi, ako na lang ang magbibigay sa babaeng ikakama ko." Medyo umaawang ang labi niya dahil ang laking pera kung silang dalawa, nasa one hundred thousand pesos isang gabi lang, naka-fifty thousand na nga siya kagabi bukod pa sa pinambayad niya sa babae. Napapakamot na lang siya sa ulo sa panggugulang ni Hernandez sa kanya, naisahan na naman siya nito. "Ngayon lang, Hernandez. Mamumulubi ako sayo pag inaraw-araw mo ang pagasama!" "Sus parang minsan one week ka pang nagpupunta roon, walang palya sa gabi-gabi. Tapos ngayon nanghihinayang kang ilibre ako." "Konsensya ba kita? May pera ka naman, kaya mo ng pumunta roon pag gusto mo. Ngayon mga dalawang gabi lang ako pumunta baka maubos na ang pera ko sa bangko." Tiningnan siya nito ng nagdududa. "Katatapos lang ng isang mission natin, tapos mauubos na ang pera mo sa bangko, hindi ako naniniwala." Masama niya itong tiningnan habang lumalakad na siya papunta sa pinto ng headquarters nila. "Nakuha mo ba ang wallet mo? Hindi ba nawalan ng mahalagang bagay doon nang naiwan mo?" tanong ni Hernandez habang nakasunod ito sa likuran niya. "Ibahin mo ang bar na 'yon, kahit may maiwan ka itatabi nila para pag may maghanap ay maibibigay agad. Sa bayad pa lang namin sa kanila sulit na, aaminin ko ako hindi ko pa nauubos ang isang bote ng alak, hindi rin ako namumulutan, fifty thousand na agad ang makukuha nila." "Valid naman ata, lahat ng mayayaman nandoon kahit ata mga babae nila doon ay malinis hindi katulad sa ibang bar." "Yeah, worth it naman, kahit nga maka-ilan kang babae doon sa isang gabi ay okay lang basta ba bigyan mo sila ng tip lahat." "Mamaya talaga ay dadamihan ko ang titikman ko doon para sulit ang pagpasok sa bar na 'yon, baka hindi na ako maka-ulit e, ang mahal." Napailing siya. Ang kuripot talaga, mukha namang mayaman ang itsura ni Hernandez, foreigner ang ang bukas ng mukha nito dahil may lahi ang mga magulang. Nakarating sila sa isang puwesto sa headquarters, umupo siya at kinuha ang papel sa ibabaw ng mesa. Wala silang masyadong mission ngayon, baka next month o next-next month pa niya pagsabay-sabayin ang mission na madali lang naman maresolba, hindi naman bigatin na kailangan nilang manmanan araw-araw. Binaba niya ulit 'yon at tumunganga na lang. "Ang boring no? Walang barilan na nagaganap, huwag mo na kayang gawing sekreto ang agency natin ng marami pang mission ang makuha," suhestyon ni Hernandez. Tamad siyang tumingin kay Hernandez. "Kaya na ng headquarters ni Pheonix 'yon, tayo ay pang sekreto lang din na mission talaga. Ang hirap kumilos pag masyadong kilala ang mga agents, katulad mo." Medyo nagtaka ito dahil kumunot ang noo. "Bakit ako ang example mo?" "Bakit nga ba ikaw? Sa tuwing walang mission, kung saan-saan ka napupunta, halos ikutin mo na ang buong Pilipinas, may maikama ka lang!" Mayabang itong sumandal sa upuuan. "Ganun talaga ang mga pogi, may taste din naman ako sa bababe at ayoko ng paulit-ulit." Ngumisi siya at pinatong ang siko niya sa mesa. "Mukhang hanggang diyan ka na lang dahil hindi ka ata type ng type mo na bata." Natigilan ito at tumingin sa kanya ng masama. "Puwede ba, huwag mo munang banggitin 'yan." "Bata pa kasi 'yon, Hernandez. Iba na lang." "Pinangungunahan mo na naman ako, ikaw ba ang nasa katayuan ko ha!" Medyo may inis na sa boses nito. Bumuntong-hininga siya. "Kahit ang batas hindi pabor sa gusto mo." "Hindi ko naman liligawan ng sixteen years old pa lang siya a! Pag eighteen years old ako kikilos, hindi na siguro bawal sa batas 'yon." "Saka mukhang hindi ka nga niya type, ang tanda mo na kasi. Kaedaran niya ang gugustuhin no'n kaysa sayo na gurang na babaero pa." "Tsk. Wala sa edad 'yon, Brix. Medyo na late lang siya ng konti at hindi nahabol ang edad ko." "Anong medyo! Ang layo talaga ng edad niyo, 16 ikaw 30, sige nga." "Pag ikaw nakahanap ka ng katapat mo, baka iiyak-iyak ka sa tabi dahil hindi ka niya gusto. Pagtatawanan talaga kita!" "Parehas lang tayo pag nagkataon, hindi pinapansin ng gusto natin. Magtawanan na lang tayo pag dumating ang panahon na 'yon." Natulala saglit si Hernandez at mukhang ang lalim ng iniisip. Habang inaayos niya ang mga papel sa ibabaw ng mesa at nilagay sa drawer, hindi pa naman uumpisahan 'yon mas mabuting nakatago na lang muna. "Pero mag-eenjoy muna ako sa dalawang taon na 'yon bago mag-eighteen si Camila, pag tuntong niya ng eighteen, hihinto na ako sa pakikipag-s*x sa kung sino-sino na mga babae." Napahinto siya at tumingin kay Hernandez, seryoso pa rin ang mukha nito. "Seryoso ka na ba diyan?" na tanong tuloy niya. "Papanain na lang ako ni kupido sa mas bata pa kasi, ang tagal tuloy ng hihintayin ko!" Ginulo nito ang buhok at mukhang inip na inip na ang itsura. "Pero in the end iba pala ang napana ni kupido para sa kanya." Inis itong tumingin sa kanya, siya naman ay nagpipigil na tumawa. Mas lalong tumitingkad ang kulay ng mata nito pag nagagalit e, para tuloy hindi totoo. "Ano? Babarahin mo na lang ako sa gusto ko ha! Wala man lang makuhang support mula sayo." "Susuportahan kita, pero pag ikakasal na kayo. Ako ang taya sa lahat maging sa wedding ceremony hanggang sa trip to other country niyong mag-asawa, pero ngayon wala ka pang maaasahan na support mula sa akin dahil wala pa namang nangyayari. Naghihintay ka pa lang sa hindi mo pa sigurado kung mangyayari." "Pag talaga kami ang nagkatuluyan, hindi lang milyon ang gagastusin mo! Billions, ng makaganti man lang ako sa pang-aasar mo!" Ngumisi siya. "Basta ba si Camila ang dadalhin mo sa altar, pero pag ibang babae. Hindi ko na sagot 'yon, baka hindi pa ako mag-attend." Tumayo ito na inis na inis na sa kanya. "Iwanan na nga kita ang daldal mo, kakain na lang ako para mamaya may lakas ako sa makikipag-sex." "Ingat ka baka makabuntis ka, at hindi mo akuha si Camila." Nagdadabog itong umalis, nagsasalita pa ito ng pabulong, pero dinig naman niya. Napailing na lang tuloy siya, at pinasok ang kamay sa jacket na suot niya, pero napakunot ang noo niya sa nahawakan sa loob. Kinuha niya 'yon ay napangiwi dahil sulat ang mga 'to na ibibigay niya sana sa babae kanina, ilang beses siyang nag-isip ng isusulat hanggang sa makadami na siya, iyon lang pinakamagandang nasulat niya ang binigay niya sa babae bago siya umalis. Hindi rin niya nakita ang mukha nito dahil sa cap niyang suot, pero parang ang babae rin na 'yon ang nabangga niya kagabi habang papunta siya sa isang kwarto para maglaro, hindi rin niya nakita ang mukha no'n dahil yumuko naman habang nanghihingi ng pasensya sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD