Brix
Sumapit ang ala-sais ng gabi ay handa na sila ni Hernandez na pumunta ng bar. Mas maporma pa ito kaysa sa kanya na t-shirt at pants lang, si Hernandez ay naka-jacket, shades, pants na mukhang bagong bili pa, sapatos na mas makinang pa sa sapatos niya. Napapailing na lang siya sa tauhan niya, hindi na rin niya pinansin pa ito o nagbigay ng komento baka kung saan na naman mapunta ang pag-uusap nila at hindi sila makarating sa bar. Gusto niya na kung ano ang mapili niyang babae ay iyon ang maikama niya, pero minsan habang tumitingin siya sa album, wala ang babae na 'yon o nakuha na ng ibang customer. Gusto niya ngayon ay maiba naman, may nakama na kasi siya dalawang beses na, nagsawa na rin siya sa babae na 'yon kaya hahanap siya ng bago ngayon.
Nang nakarating na sila sa tapat ng bar ay nag-park lang si Hernandez, bago sila bumaba ng sabay. Mukhang maraming tao ngayon, weekends kasi kaya dito ang punta ng mga subsob sa trabaho, ang mag-enjoy sa nakaka-stress na trabaho katulad ng isang Ceo.
Pumasok sila sa loob at maingay na sa kabi-kabilaan na mga boses, mga nag-uusap, at humihiyaw dahil mukhang may mga magkakaibigan na pumunta ngayon dito. Inaya niya si Hernandez sa isang tabi, mag-iinom muna sila bago pumunta sa gawing likuran ng bar na 'to kung saan gumagawa ng milagaro ang nga tao. Iinom lang siya ng mga tatlong baso lang siguro saka sila pupunta doon, maaga pa naman kaya mag-eenjoy muna siya.
"Hoy! Tara na kaya sa sinasabi mong pilian ng babae!" May kalakasan na saad ni Hernandez, malapit kasi sila sa speaker, kaya medyo hindi magkarinigan.
"Mamaya na, maaga pa. Uminom nuna tayo, pampainit."
"Baka mamaya maubusan tayo ng babae, sige ka." Lumagok ito ng isang baso na alak na parang wala lang, hindi man lang ngumiwi sa tapang.
"Napaka-libog mo talaga!" Binato niya ito ng popcorn.
"Iyon lang naman talaga ang pinunta natin dito. Kung gusto mo lang palang mag-inom, binili na lang sana kita ng isang case at doon tayo maglasing sa bahay."
Alam ni Hernandez kung ano ang tamang salita na gamitin pag nasa public place sila, ang salitang bahay ay ibig sabihin ay headquarters.
"Mag-enjoy ka muna sa music bago sa kama." Nagsalin siya muli ng alak, pang dalawang bason iya na ito, pag nakatatlo sjya pupunta na sila doon.
Nag-enjoy muna sila ni Hernandez habang sumasabay ang ulo nila sa music, marahan na gumagalaw din. May nagsasayaw din kasi sa gitna kaya buhay na buhay ang mga tao dito. Tumingin siya sa orasan, alas-nuebe na pala, nilagok niya ang pangatlong baso niya ng alak saka tumayo.
"Pupunta na tayo do'n?" saad ni Hernandez.
"Oo, alam kong atat na atat ka na, ubusin mo muna 'yang nasa baso mo saka tayo pupunta doon."
Wala pang isang segundo ay ubos na ang laman ng baso. Napaismid siya, parang na tigang ng ilang taon si Hernandez e halos linggo-linggo ay may kinakama ito.
Habang naglalakad sila ay tumatahink sa parte ng bar na 'yon, pumasok sila sa isang kwarto. Alam na ng matandang babae ang gagawin, binigyan sila ng tig-isang album ni Hernandez. Bahala na ito, basta siya ay pipili na sa mga picture na nasa album.
Lahat ng babae dito ay magaganda at sexy, pero may hinahanap siya e, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makita sa mga photo album dito. Napahinto ang paglipat niya ng page ng makita ang mukha ng isang babae, maganda ito at nakaka-akit din ang tingin nito kahit isa lamang itong litrato. Lumipat ang mata niya sa picture nito na whole body, simula sa paa pataas sa dalawang bundok nito hanggang sa mukha. Okay mukhang meron na siyang nakitang bago.
"Brix mero na akong napili, ito yung isa." Pinakita nito ang isang picture ng babae, pero napakunot ang noo niya.
"Huwag 'yan, akin na 'yan e!"
Kumunot ang noo nito. "Gusto ko rin siya e."
"Pagkatapos ko saka ka na lang."
"Ayaw mo ba ng threesome?"
Dinilatan niya ito ng mata, kung ano-ano ang lumalabas sa bibig, kung gusto man niya ng threesome puro babae dapat ang nasa loob walang kasamang ibang lalaki.
"Pumili ka na lang ng iba, marami diyan."
"Pero...
Nanlilisik ang mata niyang tumingin kay Hernandez. "Pipili ka ng iba o ikaw ang magbabayad ng entrance fee dito."
Ngumiti ito habang nililipat ang album. "Sabi ko nga pipili na ako ng iba, damot mo naman para nga tipid na sa kwarto e. Doon na lang din ako makikipag-s*x sa magiging kwarto mo."
Ginagalit talaga siya ni Hernandez e, hangga't hindi siya napipikon hindi talaga ito titigil.
"Kung naranasan mo na ang ganun, puwes ibahin mo ako, gusto ko ako lang at isang babae."
"Ka boring mo pala Brix sa pakikipag-s*x, buti hindi ka sinabihan ng mga babae na kinakama mo." Saad nito ng seryoso habang nakatingin sa mga picture ng mga babae.
Tumingin siya sa matanda na busy sa cellphone nito, bago sikuhin ng malakas si Hernandez.
Bago pa ito umaray ng malakas, tinaas na niya ito ng dalawang kilay. Napatingin naman si Hernandez sa matanda.
"Kanina mo pa ako iniinis, kung may dala lang akong baril, butas na 'yang paa mo."
Hindi siya nito pinansin pero nakahawak pa rin sa tagliran nito, masakit 'yon sigurado siya, isa din sa masakit na parte ng katawan pag natamaan ay ang tagliran, kaya nga doon lagi ang tinatamaan ng mga expert sa pakikipaglaban. Hindi na talaga makakalaban pa ang tao na iyon.
"Ma'am, meron na po kaming napili." Tumayo siya at nilagay ang album sa ibabaw ng mesa nito. Napangiti naman ito ng makita ang picture ng napili niya.
"Ang suwerte naman ng bata na 'to, may customer kaagad siya, kakatanggap lang namin sa kanya kaninang umaga."
"Talaga?"
"Oo, kaya ikaw ang unang makakagamit sa kanya."
Napangiti naman siya sa nalaman.
"Pagkatapso mo ako naman." Singit ni Hernandez.
Tiningnan niya ito ng masama, hindi pa nga niya nagagalaw nakapila na agad ito sa likod niya.
"Ito ang room number niyo. Hintayin niyo na lang ang mga babae na pumunta sa room number na 'yan. Pero teka tatlo talaga ang sayo iho?" tanong nito kay Hernandez.
"Yes madam, may problema po ba?"
"Wala naman, pero dapat tatlo mo rin silang bibigyan ng tip. Grabe ang estamina ng katawan mo kung kaya mo silang tatlo."
Minsan talaga pag kasama niya si Hernandez, puro kahihiyan ang inaabot niya, hindi niya kasi kaya ang tatlo, isa lang ay sapat na siya, pero si Hernandez kayang mag-apat pa ng lalaki na 'to kung gugustuhin nito. Paano siya matatanggap ni Camila kung ganitong tao si Hernandez?
Kinuha niya ang room number niya maging si Hernandez. Sa laki ng bar na 'to ay parang mansion ang nangyari dahil merong 20 rooms, bukod pa ang main bar na puro inuman at party lang, kaya mansion o tamang sabihin na higit pa sa mansion ang bar na 'to. Maging ang mga kwarto ay malalaki, hindi ynug kasya lang ang kama at dalawang tao. Meron silang malaking kama, may sofa sa gilid, meron pang alak sa pader, kaya sulit na sulit rin ang bayad sa entrance fee dahil ang laki ng kwarto.
Hinubad niya ang t-shirt niya at pumunta sa mga alak para uminom muna hangga't wala pa ang babaeng napili niya, habang umiinom ay napatingin siya sa switch ng ilaw at napangisi. This time gusto niya yung parang mysterious ang paligid kahit nakita naman na niya ang mukha ng babae. Pinatay niya ang ilaw at umupo siya sa kama habang umiinom ng alak. Magaling kaya ang babaeng napili niya kung bago palang ito dito? Sana naman dahil may hinahanap talaga siya sa babae na makakapagpa-init ng husto ng katawan niya at makakapagpalabas ng maraming katas mula sa kanya.
Pero habang paubos na niya ang isang bote ng alak ay wala pa rin ang babaeng napili niya.
May problema kaya?
Hinayaan na lang muna niya, uubusin muna niya ang laman ng bote ng alak, para mas uminit pa lalo ang katawan niya habang nakikipag-s*x. Mapapalaban pa ata siya lalo dahil medyo lasing n saiya, mas matapang ang iniinom niya ngayon kaysa kanina. Tumayo siya at hinubad ang pants niya, tinira lang niya ang brief niyang suot, hininaan na rin niya ang aircon, masyadong malakas.
Nang naubos na niya ang alak ay humiga muna siya at pumikit, dapat ay kanina pa nandito ang babae e, masyado naman atang matagal, ayaw naman niyang lumabas para magtanong sa matandang babae dahil nakahubad na siya, tinatamad na siyang magbihis ulit. Gusto niya pag magbibihis na siya ay tapos na siyang makipag-s*x.
Habang nakapikit ay biglang nagpakita ang imahe ng babae sa photo album, parang nakakabisado na nga niya ang mukha nito. Ano kaya ang itsura nito pag nakangiti? Hindi kasi nakangiti ang litrato nito sa album. Pinilig niya ang ulo niya at pilit na tanggalin sa isip niya ang itsura nito, pero grabe sa bawat pikit ng mata niya ang mukha nito ang nakikita niya hindi kadiliman, parang nakadilat pa siya at nasa harapan niya ang actual na picture nito. Napabangon tuloy siya at bahagyang nagulat ng may kumatok.