Athena Kanina pa siya nasa tapat ng pinto ng kwarto, pero ayaw lumakad ng paa niya papasok parang naka-semento na sa kaba. Ang kabog ng dibdib niya ay doble pa sa nakainom ng kape, wala siyang alam sa gagawin magmumukha pa ata siyang tanga sa gagawin nila ng lalaki. Noong tinawag siya dahil meron na daw siyang customer parang nawalan siya ng kaluluwa kanina, akala niya ay magtatagal pa ang oras bago may pumili o may pipili nga ba sa kanya ngayong gabi, pero hindi pa man nag-iinit ang puwet niya sa upuan ay tinawag na kaaagd siya. Nauna pa siyang magkaroon ng customer kaysa kay Gigi. Mukha na talaga siyang bayaran na babae sa suot niya ngayon, kaya kahit berhen pa siya ay parang walang maniniwala sa kanya sa ayos niya. Nagbuga siya ng hangin ng ilang beses bago kumatok at dahan-dahan na

