Athena Nagising siya sa dahil sa boses na gumising sa kanya, puro pangalan niya ang naririnig niya, kaya dumilat na siya kahit inaantok pa ang mga mata niya. "Athena, gising ka na ba?" Sumagot siya ng pa ungol dahil tinatamad pa niyang buksan ang bibig niya para magsalita. "Buti gising ka na, akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Hindi ka na kasi bumalik ng tapos na ang ginawa niyo ng una mong customer." "Ma...sakit." Dumilat siya at tiningnan ang mukha ni Gigi na puno ng pag-aalala. "Paano ba 'to? Paano tayo uuwi?" Pakiramdam niya ay hindi talaga siya makakalakad. "Hindi puwedeng malaman ni boss na virgin ka pa, kung hindi lagot tayo, kayanin mong lumakad hanggang makasakay tayo ng sasakyan. Bilis tayo ka na diyan, alas-dose na ng hating gabi." Umupo siya at napakunot ang noo ng

