Athena Nang nakarating sila sa bar, pagpasok pa lang sa loob ay may hindi na magandang nangyari. May mga nag-aaway sa loob, mukhang mga lasing na, kabubukas pa lang naman ng bar, ilang minuto pa lang ang nakakalipas. Siguro ay galing sa ibang bar o uminom bago pumunta sa bar nila. Hindi tuloy sila makapasok ni Gigi ng tuluyan dahil nakapaligid ang mga tao sa nag-aaway sa gitna, may mga dugo na nga sa gilid ng kilay at labi. May pumito ng malakas sa loob, mukhang dumating na yung secret security nila dito sa bar. Pag nagkaroon ng ganito ay saka lang sila nagpapakita pero nasa paligid lang sila, hindi rin kasi malalaman na sila 'yon dahil parang mga ordinaryong tao lang na pakalat-kalat sa tabi. "Bilisan mo, Athena! Para makalusot tayo sa mga tao." Pilit nilang sinisiksik ang sarili sa p

