Chapter 21

2029 Words

Athena Lumabas siya ng kwarto at papunta na ulit sa kwarto ng mga kasamahan niya, pero nang nakapasok siya sa loob ay iisa lang na babae ang ang nandoon. Lahat ba ng babae ngayon ay may customer? "Alice, bakit ikaw lang mag-isa dito?" "Ayokong sumama sa labas." Kumunot ang noo niya. "Bakit, may nag-aaya ba sayo na lumabas?" "Wala, pero nandoon ang ibang kasamahan natin sa labas. Nag-aaway." "Sino?" "Si Gigi at Margaret." Nanlaki naman ang mata niya. "Bakit, ano bang nangyari?" "Mukhang nagka-initan na naman ang dalawang 'yon, kaya nandoon sa labas. Hindi na nakapagtimpi, pisikalan na ang gusto." Tumayo siya. "Puntahan ko lang, iwan na kita ha!" Agad siyang lumabas ng kwarto at nagmamadaling lumabas ng bar. Kanina lang ay may away na dito sa main, pati ba naman sila ay mag-aaway

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD