Athena Kinapa niya ang kumot dahil nilalamig siya, dahil short nga lang ang suot niya. Kinumutan niya ang sarili hanggang leeg habang nakaupo, hindi niya lang alam kung nasaan ng puwesto ng lalaki. Napahawak siya sa buhok niya ng mapigtas ang tali niya sa buhok, maging ang piring niya sa mata niya ay nawala sa pagkakabuhol dahil nakapatong iyon sa tali ng buhok niya, kaya maging iyon ay pabagsak na rin ngayon. Mabilis ang pangyayari, nakikita na niya ang liwanag ng kwarto, pero wala ang lalaki sa loob. "Sir, nandito ka pa ba? "Yes, pero ibalik mo muna ang piring mo sa mata." Napansin niya na may gumalaw sa paanan ng kama, mukhang doon ito nagtago. Ano kaya ang ikinakatakot nito? Ang mukha ba na ayaw nitong makita niya? "Bakit kailangan ko pang magsuot nito, sir?" "Gusto ko lang." "

